CHAPTER 11

19 1 0
                                    

~Rae's POV

Nagsasaya kami ni Kris-gege dito nang may biglang tumawag sa akin. 

Sehun Calling ..

Ba't niya naman ako tatawagan?

Nakita siguro ni Kris-gege na nakabusangot ako kaya tinanong niya ako, "Ba't 'di mo sagutin? 'Di mo ba yan kilala?" 

"Si Sehun 'to, gege" sabi ko na aakmang ie-end call na.

"Ops! Sagutin mo na yan! Malay mo may importanteng sasabihin sayo" sabi ni Kris-gege.

"ehh! Baka inisin lang ako!!" sabi ko.

"Sagutin mo na.." sabi ni Kris-gege habang tumatayo. Aalis yata.

Sige na nga!

"Bakit?" sabi ko sa kanya na maypagka-cold ang boses. Epal eh! Ang saya na namin ni Kris tapos tatawag siya!

[Ganyan ba talaga pambungad mo sa mga tatawag sayo?] tanong niya.

"Hindi. Para sayo lang" sabi ko na cold parin ang boses.

[Yun oh! May special treatment ako! Nakakahalata na ako Rae ha!] sabi niya.

"Special treatment mo mukha mo! Yan lang ba ang itinawag mo?" sabi ko na nga ba! Aasarin lang ako nitong kumag na 'to!

[Ah! Hoy!! Anong pinagsasasabi mong B.I ako ha?] tanong niya.

"Narinig mo usapan namin ni Kris-gege?" 

[Rinig na rinig ko ang lahat!] sabi niya.

"Uh-kaay .. Totoo naman eh! Palagi kitang naririnig na nagba-banmal!" sabi ko.

[Banmal=Informal speaking]

[So, gagayahin mo rin?] oo nga no? 

Sasagot na sana ako ng bigla siyang sumingit

[Teka muna .. Sinabi mo bang palagi mo akong naririnig? So palagi mo akong sinusundan?] sabi niya.

[Ngayon alam ko na talaga, Rae] sabi niya.

"Alam mo na ano?" tanong ko naman.

[Na may pag-asa ako] then in-end call na niya. 

Ano daw?

~Lee Ann's POV

Nandito ako ngayon sa likod ng building na tinitirhan namin pansamantala. Hindi ko pa rin akalain na engaged na ang bestfriend ko sa taong minahal ko .. o mahal ko pa .. EWAN KO!!

Dapat maging masaya na lang ako sa kanila dahil pinili ko naman ito. Tama!! Yun nga gagawin ko!! Dapat nang mag-move on.

"Lee Ann .. ?" rinig kong may tumawag sa akin kaya nilingon ko ito.

"Ikaw nga. Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala" si Kris pala.

"Bakit daw ako hinahanap?" tanong ko.

"Nakipag-Skype kami sa EXO-K" sabi niya.

"Ahh..Sayang. 'Di ko naabutan .." sabi ko sabay tungo. Ano ba .. gusto kong mapag-isa muna. 'Di ko naman kayang sabihin yun sa kanya dahil nag-effort din siyang hanapin ako.

"ba't ka mag-isa dito? Nagpapaka-emo? haha" tanong niya. Naging awkward kasi bigla.

"Wala lang. Ang sarap kasi ng preskong hangin" sa likod kasi ng building ay parang maliit park. May mga puno, benches, at flowers. Pwede ka ditong magmuni-muni dahil ang peaceful ng paligid.

One True Love [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon