"Bitawan mo nga ako! Bastos ka!"
Pumiglas ako mula sa pagkakahawak nya't sinuntok ang kanyang mukha ng dahilan ng kanyang pagbagsak.
___________________________________
"Nak, gising na!" Paggising sa akin ng mama ko para sa magiging klase ko mamaya.
Mabilis ang naging proseso ng mga papeles ko para makumpirma na talaga ang pagpasok ko sa unibersidad na aking papasukan.
Pagkapasok ko sa aming classroom, kitang-kita ang mga disiplinadong mga estudyante maliban sa isa. Napakaingay nya't walang preno ang bibig.
"Pare, dito ka na umupo sa tabi ko!" Paanyaya nung lalaking kanina pa nagiingay.
"Ah salamat." Pagbati ko
Sinunod ko yung sinabi sa akin nung kaklase ko. Amoy na amoy mo sa kanya ang barakong amoy pagka-upo ko malapit sa kanya.
"Transferee ka dito?" Tanong nya sa akin.
"Ah, oo." Sagot ko.
"What's your name nga pala?"
"I'm Joseph, ikaw?"
"Ah, I'm Keith." Pagpapakilala nya "Oy andyan na pala si Ma'am!" Sigaw nya sa aming lahat.
Nagpakilala ang aming guro at pinakilala nya ang mga major subjects na kakailanganin naming pagtuunan. Sinabi nya ang offenses na maari naming makuha kung sakaling gumawa kami ng kalokohan.
Pinauwi na kaming lahat ng teacher namin tutal tapos nanaman daw sya.
"Pre, girlfriend ko nga pala. Si Jessie." Pagpapakilala nya sa kanyang kasintahan.
Mukhang disentang babae naman si Jessie. Maganda, mukhang classy't mabait. Mukhang bagay na bagay naman sya kay Keith.
Si Keith naman ay ang taong mukhang disenteng-disente ang mukha. Medyo payat pero may kalakihan naman ang muscles sa kanyang braso. Mahahalata mo sa kanya ang kanyang firm chest na bumabakat sa kanyang uniform. Mabait, friendly't higgit sa lahat pogi.
"Sama ka sa amin pre?" Paanyaya ni Keith sa akin.
"Saan naman?" Tanong ko.
"Dyan lang sa Morayta pre, may coffee shop na kakabukas eh. Ano sama ka?" Saad ni Keith
"'Wag na pre, nakakhiya naman sainyo ni Jessie."
"Okay lang yan diba Jes?!"
"Of course, minsang lang magyaya yan si Keith maliban nalang kung kaibigan ka nya. 'Wag ka magala-la di naman loko-loko 'to eh. Mabait at maalaga naman to si babe." Saad ni Jessie.
"Oh sige na nga!"
____________________________________
Nakarating na kami sa Coffee shop na sinabi ni Keith.
"Wait lang babe ah, CR lang ako." Saad ni Keith sa kanyang girlfriend.
Naiiwan kami ni Jessie dun sa table magisa na nagdahilan ng aking pagkahiya.
"May girlfriend ka na Seph?" Tanong nya sa akin na sya namang ikinailang ko.
"Ah, eh wala pa." Utal-utal kong sabi.
"Pwede ka na din..." Bulong nya sa kanyang sarili na sya namang ikinahiwaga ko
Nagulat nalamang ako ng hinawakan nyang bigla ang kamay ko. Tinggal nya agad ito ng makita naming paparating na si Keith.
"So, tara na?" Paanyaya ni Keith.
Nagpaalam na sa akin sina Keith at Jessie't umuwi na ako.
Nahiwagaan akong bigla tungkol sa ginawa ni Jessie sa akin. May gusto kaya yun sa akin? Niloloko nya ba si Keith. Ginawa na nya rin kaya yun sa iba. At higit sa lahat...
Gusto ko nga rin ba sya?
____________________________________
This is a certified M2M story.
Vote and comment for this chapter. Thanks! :)

BINABASA MO ANG
A Secret (BxB)
RandomThis story contains inappropriate words that might cause discomfort.