Sinubukan kong tumayo't humingi ng tulong. Pero lahat ng estudyane'y nasa kani-kanila nang mga klase. Pumunta ako ng CR ng university namin at dun ko pinunasan ang dugo sa mga labi ko. Pinalitan ko din yung uniform kong may kaunting bahid ng dugo. Buti nalang at may extra akong damit sa locker ko. Pero ang hindi mapalagay sa isip ko ay kung bakit ginawa iyon ni Keith sa akin. Hinihinalaan kong si Jessie ang may pakana nito sa akin.
Ini-skip ko nalang yung first subject ko't tumambay sa 7Eleven na kalapit sa school namin. Kumain lang ako duon pamapalakas. Pagkalabas ko'y nakita ko si Michael na papalapit sa akin.
"Magusap nga tayo!" Saad ni Michael sa akin.
Kinabahan ako't baka na brainwash din ni Jessie ang pagiisip nitong si Michael.
"Anong paguusapan natin?" Tanong ko.
"Pre, bat mo naman binastos si Jessie? Alam mong may boyfriend na yung tao ganun pa rin ang ginawa mo?" Mahina ngunit madiin nyang sabi sa akin.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Tanong ko.
"Wag ka nang magmaang-maangan dahil alam nanamin ang ginawa mo sa kanya kahapon!" Galit nyang sabi.
"Pare, hindi ko talaga alam mga pinagsasasabi mo!" Sabi ko.
"Ang sabi ni Jessie kay Keith kahapon pinapunta mo daw sya ng sapilitan sa bahay nya't niyayang makipagtalik! Iyak ng iyak si Jessie habang kinekwento nya sa amin ang nangyari kahapon!"
"Hindi ko ginawa yun!"
"Bistong-bisto ka na Joseph, naiwan mo yung panyo mo sa bahay nila. Sabi ni Jessie yun daw ang ginawa mong pantakip sa bibig nya para hindi sya makasigaw."
"Hindi talaga totoo yun!" Mangiyakngiyak kong sabi. "Sya yung nagyaya sa akin papunta sa bahay nya. Sabi nya, labas lang daw muna kami para makilala nya ako ng todo. Pagkasakay ko sa kotse nya, dun ko nalang namalayan na sa bahay niya pala ako dinala. Tapos pinapunta nya ako sa kwarto nya't niyayang makipag-s*x. Tinulak ko sya na sa tingin ko'y napalakas. Pero hindi ako yung nagyaya ng kawalang-hiyaan na yan!" Sabi ko na syang nagpabuhas sa aking mga luha.
Iniabot ni Michael yung panyo nya pampunas ng aking mga luha.
"Sorry, masyado lang akong nagpadalos-dalos sa mga nasabi ko. Hindi dapat kita dapat sinsi agad. Sige, aalamin ko muna yung tunay na nangyari." Saad nya sabay hawak sa kamay ko na sya namang aking ikinakaba.
Maya-maya pa'y niyakap nya ako't humingi ng tawad. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinagtinginan kami ng mga tao. Pumiglas ako mula sa pagkakayakap nya dahil sa hiya. Nakita ko sa mga mukha nya ang pagkahiya sa ginawa nya sa'kin.
"Sorry.." saad nya. "Gusto mo hatid na kita sa school?" Dugtong ni Jerome.
Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na nya agad ako papunta sa kotse nya. Kinuha nya yung seatbelt na nasa tagiliran ko't mukhang magkayakap kami sa pwesto namin. Amoy na amoy mo sa kanya ang pabangong amoy lalaki. Guminhawa yung pakiramadam ko sa ginawa ni Michael sa akin kanina. Napalagay ako ng malamang may kakampi din naman pala ako.
____________________________________
Pagkababa ko'y nagpaalam na ako sa kanya't nagpasalamat. Pumasok na ako sa classroom ng second subject ko't nagulat na late na pala ako.
"Why are you late?" Bungad sa akin ng masungit kong prof. "This is considered as a absent, come in."
Pumasok ako ng room namin at umupo sa may bandang hulihan. Sh*t nakalimutan kong ibalik kay Michael yung panyo nya!
Pagkatapos ng klase ko'y hinanap ko si Michael para ibigay sa kanya yung panyo.
"Michael, yung panyo mo!" Pagtawag ko sakanya.
Nagulat ako nang makitang kasa-kasama nya pala si Jessie't Keith.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Keith sa akin habang inaawat sya ni Michael.
"Calm down pare!" Saad ni Michael kay Keith.
"What?! Anong pinagsasasabi mo dyan Michael?" Sigaw ni Keith kay Michael
"Wag kang magalit agad kay Joseph! Hindi pa natin alam yung totoong nangyari!" Sabi ni Michael na sya namang nagpakalma kay Keith.
Napako ako sa kintatayuan ko't walang imik.
"Ano bang ginagawa mo dito Joseph?" Tanong sa akin ni Michael.
Iniabot ko sa kanya yung panyo na pinahiram nya sa akin na sya namang ikinagulat ni Keith.
"Dude, bakla ka na?" Sabi ni Keith na may halong pangaasar.
Halatang naiinis si Michael sa sinabi ni Keith sa kanya.
"Ah, sige mauna na ako." Pamaalam ko.
Umuwi akong magisa papunta sa bahay namin.
Bagong-bago ako sa school na 'to andami na agad nangyayari sa akin.
____________________________________
Vote and Comment for this chapter! Thanks :)
BINABASA MO ANG
A Secret (BxB)
RandomThis story contains inappropriate words that might cause discomfort.