Masaya naman ang mga naging unang araw ko sa bago kong school na pinapasukan. Nakakilala na rin ako ng mga bagong kaibigan. Sina Keith at Jessie nama'y still strong pa rin sa kanilang relationship. Mahirap ang naging klase ko dahil tambak ang paperworks. Next week na ang magiging test namin pero wala pa rin akong matinong review. Nakakasabay naman ako sa mga matatalino kong kaklase yun nga lang medyo subsob na ako sa pagaaral. Pangarap ko kasing ma-maintain ang pagiging honor student ko. Hindi naman sa pinipilit ako ng mama ko na mangyari yun pero sigurado akong gustong-gusto nilang mangyari yuon.
"Joseph!" Sigaw sa akin ng isang pamilyar na tao.
"Ikaw pala Keith." Saad ko.
"Marunong ka bang magbasket-ball?" Gayak na gayak nyang tanong sa akin.
Kinabahan akong bigla sa tanong nyang iyon sa akin. Sa totoo lang, nung bata ako hilig ko talaga ang pagba-basketball. Sa katunayan naging MVP pa nga ako sa liga ng barangay namin. Pero may isang insidenteng nangyari na nagrasong itigil ko ang hilig ko sa larong iyon. Ang basketball ang rason kung bakit namatay ang papa ko. Isa syang professional player/coach ng mga sikat na teams sa bansa. Isang araw habang nagdi-drills sila kasama ng mga teammates nya, na sprain nya ang kanyang kanang binti. Nagtagal sya sa ospital ng 7 buwan pero hindi pa rin fully-recovered ang kanyang paa. Nang dahil housewife lang si mama naging gipit ang buhay namin. Sinubukan ni papa na mag-apply bilang isang coach sa mga teams na kanyang kino-coach dati pero hindi na sya natatanggap dahil sa kanyang kondisyon. Imbis na magpursigi pa sa buhay si papa, tinalikuran nya lang ang kanyang problema. Araw-araw ay lagi syang late umuuwi galing sa clubs. Kung uuwi man ito ng maaga laging manit ang ulo o kaya nama'y matutulog lang buong araw. Nabalitaan nalang namin na namatay si papa sa club dahil nakipagsapakan sya sa isa sa mga costumers din. Napuruhan ang kanyang paa't di na kinayanang mabuhay pa. Simula noon ay tinalikuran ko na ang pagba-basketball.
"So, ano?" Tanong ulit ni Kevin sa akin.
"Hindi eh, wala akong hilig sa mga sports-sports na 'yan." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Sayang naman, sama ka sana sa amin ng tropa ko. May tryouts kasi dyan eh." Paghihinyang nyang sabi. "Oo nga pala pre si Michael, tropa ko." Dugtong nya.
"Gusto mong manuod ng laban mamaya?" Paanyaya ni Michael sa akin.
"Ah, eh. Sige, wala naman akong masyadong ginagawa eh." Sagot ko.
Medyo kinakabahan ako kasi baka yayain ako ng coach nila mamaya kung sakaling may kulang na players.
____________________________________
Hiyawan ang lahat kay Keith dahil naka-tres nanaman sya. Tambak na tambak yung kabilang team laban dun sa team nila Keith. Habang nanonood ako may tumabi sa aking isang babae.
"Ikaw pala Jessie!" Gulat kong sabi
"Pwede ka today?" Tanong nya sa akin
"For what?"
"Labas tayo!" Paanyaya nya
"For?"
"Wala lang, I just wanna' know you even better lang."
"Hindi naman kaya magalit si Keith?"
"Bakit naman sya magagalit, may gagawin ba tayong masama?" Saad nya "So, ano game ka?" Dugtong ni Jessie.
"Ah, sige." Saad ko
Umalis na kami ni Jessie bago pa man matapos yung game. Sumakay ako sa kotse nya't nagulat akong dinala nya pala ako sa isang bahay.
"Ano 'to?" Nahihiwagaan kong tanong
"It's my house!" Nagiinarte nyang sagot sa akin
Pinapasok nya ako sa mala-mansyon nyang bahay. Pumasok kami sa isang kwarto na hinihinalaan kong sakanya. Nagulat ako ng bigla syang naghubad sa harapan ko.
"What are you doing?!" Galit kong sabi
"Why, don't you like it? Sabi nya sa akin. "Nung nakita kita, aaminin ko nagustuhan kita. Ang cute at genuine mo masyado. So I just thought that we could have a little fun." Sabi nya sabay ngisi.
Hinila nya ako papalapit sa kanya pero pumiglas ako't tinulak sya. Napalakas ata ang tulak ko pero nararapat lang yun sakanya. Tumakbo ako papalabas ng kanyang bahay at tumawag ng taxi para umuwi. Nagulat ako sa inasal ni Jessie kanina. Ang akala ko'y mabait at disente syang babae. Pero mali ako, kabaliktaran ang totoong ugali nya. Umuwi ako sa bahay at nagreview nalang para sa parating na exam.
____________________________________
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, nagulat ako ng may biglang tumulak sa akin sa likod. Nagulat ako ng si Keith pala ang tumulak sa akin. Pagkaharap ko'y sinuntok nya ang tyan kong sya namang ikinahina ko.
"Pare, ano bang problema mo?" Nanghihina kong sabi sakanya
Pero hindi nya ako pinakinggan at patuloy pa rin sya sa pagsuntok sa akin.
Hanggang sa nang hina ako at di na nakayanan. Tumigil na rin si Keith sa pagsapak sa akin ng nakita nyang dumudugo na ang bibig ko.
Habang nakahiga ako, may narinig akong babaeng papalapit sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha hangga't sa lumapit na sya sa akin. Si Jessie pala iyon. Sinubukan kong humingi ng tulong pero hindi nya ako tinulungan. Bagkus sinabi nya lang sa akin na:
"Yan ang napala mo, napaka-arte mo kasi. Alam kong gusto mo din naman yun." Saad ni Jessie sabay tawa. "Hawak ko ang tiwala ni Keith kaya wag na wag kang magkakamaling sabihin sa kanya ang nangyari sa atin kahapon."
____________________________________
Please help me promote this story by adding it to your reading list.
Vote and Comment for this chapter! Thanks :)

BINABASA MO ANG
A Secret (BxB)
RandomThis story contains inappropriate words that might cause discomfort.