P.E. namin ngayon at ang naatasang task sa amin ngayon ay ang maglaro ng sports. Group by groups ang maglalaban. Napakamalas ko nga lang at lahat ng kagrupo ko'y mga hindi marurunong. Lahat ng mga sports, kulelat kami. Gusto kong magreklamo sa performance nila pero hindi ko naman magawa kasi hindi naman ako nagco-contribute sa kanila dahil sa hindi ako sumasali. Last sport na ang lalaruin ngayong day at ang larong ito ay ang basketball na sya namang ikinakaba ko.
Napakamalas ko pa dahil ang kalaban namin ay ang grupo nila Keith at Michael.
Halos pagtawanan na ang grupo namin ng mga audiences dahil sa performance ng mga groupmates ko. 1st Quarter palang pero tambak na tambak na ang score namin laban kanila Keith at Michael.
Pinangunahan nila Keith at Michael ang kanyang grupo dahil kanina pa sya tres ng tres.
Natapos na ang 1st Quarter at ang score ay 27-12, lamang sila Keith.
Huminga ako ng malalim at nagsalita dun sa "team captain" ng grupo ko.
"Sub ako sa kahit kanino. Maglalaro ako sa 2nd Quarter." Utos ko sa kanya.
"Marunong ka ba?" Saad nya na sya namang ikiniasar ko.
"Basta, isali mo ako."
___________________________________
Nagingay ang air horn na syang hudyat na simula na ang 2nd Quarter ng laban.
Kita ko sa mga mukha nila Keith at Michael ang pagkagulat ng makita nila akong maglalaro.
"Naglalaro pala ang gago." Pang aasar ni Keith na sya namang hindi ko pinansin. "Yari ka sa akin." Pagbabanta nya.
Kaya mo to Seph.
Humarap ako kay Keith upang bantayan sya na sya namang ikinagalit ng captain namin.
"Joseph anong ginagawa mo?!" Naiinis na sabi sa akin ng captain namin na sya namang hindi ko pinansin.
Pumito na ang referee na syang hudyat na simula na ang 2nd Quarter.
Pinasa ni Michael kay Keith ang bola bilang inbound.
Binantayan ko ng mabuti si Keith. Binalak nyang magcross- over pero natapik ko yung bola't kinuha iyon. Tumakbo ako papunta sa kabilang ring at nilay-up ang bola.
Hiyawan ang lahat ng maipasok ko ang bola habang si Keith naman ay mukhang naiinis na namamangha.
Ininbound ulit ni Michael kay Keith ang bola. Nabigo akong bantayan sya ngayon dahil naiwan ako't nakasalaksak sya papunta ng ring.
Naglakad si Keith papunta sa akin at binangga ako gamit ang kanyang braso bilang pangaasar.
Binigay sa akin ang bola dahil ako ang tumatayo ngayong Point Guard.
Todo bantay sa akin si Keith na parang kakainin na ako.
Sasalaksak na sana ako pero nagstep-back ako na sya namang ikinadapa ni Keith. Sumalaksak ako habang patayo pa lang si Keith mula sa kanyang pagkaka-dapa.
Hiyawan ulit ang audiences ng makalay-up ulit ako. Habang si Keith ay mukhang nahihiya mula sa pagkaka-dapa nya kanina.
Medyo nakakahabol na ang grupo namin mula sa grupo nila Keith. Natapos na ang 2nd Quarter at 55-44 ang score, lamang sila Keith.
Habang halftime break, ako ang tumayong captain ng grupo namin.
"Kung mapapansin nyo, sila Keith at Michael lang ang bumubuhat sa team nila. So, kailangan nating mag pay attention ng maigi sa kanilang dalawa." Sabi ko
Sinabi ko pa ang mga game plans namin ng tumunog na ang air hor na syang hudyat na simula na ang 3rd Quarter.
Gumana na nga ang game plan na pinlano naming gawin.
Hindi nalang ako ang nakakapuntos sa team dahil tinutulungan ko na silang makapuntos sa pamamagitan ng mga magagandang assists. Natapos ang 3rd Quarter, lamang pa rin sila Keith pero tatlo na lamang, 75-78.
Eto na, do or die time na. Ibubuhos ko na ang lahat ng makakaya ko. Mula sa pagkakasira ko sa mga promises ko na hindi na ako maglalaro ng basketball hanggang sa inis ko kay Keith.
Huminga ako ng malalim at hindi inalala ang kahit ano.
Pumito na ang referee na syang hudyat na simula na ang 4th Quarter.
Sinimulan ng team nila Keith ang 4th Quarter. Bakas sa mga mukha nya ang pagiging seryoso sa pagkakapanalo.
Wala syang ginagawang anumang pangiinis na moves sa akin. Bagkus, ay diretso lang syang nag tres. Pumasok naman ito.
Ipinasa sa akin ng teammate ko ang bola nang biglang iniagaw nito ni Keith habang nasa ere ito.
Sumalaksak sya sa kabilang court at nakapuntos.
Nagpatuloy si Keith dito hanggat sa nagpatawag na kami ng timeout. 4 minutes na lang ang natitira pero lamang sila ng 7 na puntos, 88-95.
Huminga ako ng malalim at ginalingan ang paglalaro.
Guminhawa ang aking pakiramdam nang makahabol kami. 99-101, lamang sila Keith.
Eto na, last 7 seconds. Sakin ininbound ang bola. Pasalaksak na ako ng biglang may nakahawak sa kamay kong nangangahulugang foul.
Pumito ang referee't pina free throw ako.
Crucial ang free throws ko dahil last 2.3 sec nalang.
First free throw, naipasok ko ito.
Himinga ako ng malalim para sa pangalawa. Pero hindi ko naipasok ito.
Sumakit ang pakiramdam ko sa pagkabigo ko. 100-101 ang score at malinaw na wala ng pag asa dahil 2 seconds nalang at kanila Keith ang bola.
Pumito na ang referee at pinasa ito kay Keith bilang inbound pero nakuha ito nung captain namin at ishinoot ito sa ring namin.
102-101
___________________________________
Vote and Comment for this chapter. Thanks :)

BINABASA MO ANG
A Secret (BxB)
De TodoThis story contains inappropriate words that might cause discomfort.