Chapter 3

104 6 2
                                    

Chapter 3

Nakauwi na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Biglang may kumatok sa pintuan namin. Pumunta ako doon sa sala at binuksan ang pinto. Nagulat ako si Lea pala.

"Oh Lea ,pasok ka." pumasok si Lea

"Bakit ka pumunta dito?"

"Wala lang akala ko kasi galit ka ." Nagulat lang ako sa sinabi niya napaalis ang tingin ko sa kanya, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Ahh ano.." hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko

"Oo na , alam ko galit ka , hinila kasi ako ni Chen kanina kasi daw wala daw siya kapartner kapag hindi daw ako pumayag sasaktan ka daw niya." sabi ni Lea habang nakayuko.

"Huh ano? , Walang hiya talagang Chen na yan , nang blo-blockmail pa, ang sama talaga ng ugali nun." napasigaw na lang ako sa inis.

"Baka kasi saktan ka niya talaga, pero infernes ah kapartner mo si Jed."

Nagulat ako sa sinabi niya eh hindi ko naman na sinasabi na crush ko si Jed baka nahahalata niya ako.

"Huh, bakit naman?" sabi ko na parang nahihiya

"Kasi crush mo siya." nagulat ako sa sinabi ni Lea , paano niya nalaman?

"Huh , hindi ahh!" bigla akong nagblush

"Uyy.. Aminin. Wag mo na itago dati ko na nahahalata." sabi ni Lea na may kasamang mata na ang tingin ay nakakaasar! Gets?

"Hindi ah.." :P tangi-tanggi din pag may time.

"Sus...tumatangge ka pa , halata naman." sabi nanaman niya

"Bahala ka nga Lea!" napasigaw tuloy ako

"Uy. Joke lang , eto naman. " sabi ni Lea at napakamot siya sa ulo

" Tara kain muna tayo , may pancit canton ako , lulutuin ko muna." sabi ko sa kanya. Ang bait ko talaga!

Hindi naman tumanggi etong si Lea , syempre bukod sakin na bestpren niya , bestpren nya rin mga pagkain. Habang nagluluto ako, biglang may tumawag sa telepono, pinasagot ko muna kay Lea. Sinagot ni Lea yung tawag.

"Hello po , Sino po ito?" 

"Kristine , si mama mo to ."

"Ayy. Sorry po hindi po ito si Kristine , classmate niya po ito si Lea , nagluluto po siya ng pancit canton, pinasagot lang niya po sa akin yung telepono."

"Ahh ganun ba , pakitawag nga siya ."

"Kristine, mama mo....." inabot sa akin ni Lea yung telepono at kinuha ko ito.

"Hello ma. "

"Kris, ikaw na ba yan?"

"Opo ma , bakit?"

"Anak baka matagalan ako sa pag uwi , nextweek pa ako siguro makakauwi."

"Ahh ganun ba ma , bakit?"

"Marami pa kaming aasikasuhin dito , basta dadalhan ko kayo ng pasalubong ng kuya mo dyan."

"Cge ma ingat ka dyan, miss na kita." 

"Ako rin eh sige babye , ingat kayo dyan, labyu."

"Labyuu too ma." Call ended

"Sweet nyo naman mag-ina" singit naman netong si Lea

"O tara na , kain na tayo, next week pa daw makakauwi si mama ."

Habang kumakain ng masarap na niluto kong pancit canton , nagkuwe-kuwentuhan kami ni Lea . Pagkatingin ko sa bintana , gabi na pala hindi pa ako nakakagawa ng assignments, istorbo kasi etong si Lea.

"Oi Lea , umuwi ka na, gabi na." sabi ko sa kanya

"Ay. oo nga noh , gagawa pa pala ako ng assignments."

"Akala mo ikaw lang pati rin ako, inistorbo mo pa ako , sige uwi ka na."

"Sige, bukas ulit ,bye."

"Kung pinapasok kita." sabi ko ng pabulong

"Ano?"

"Wala, sige bye ."

Yes! Umuwi na rin siya walang istorbo. Ginawa ko lahat ng assignments ko at syempre naghapunan , ako pa yung nagluto hindi yung kuya ko , ang tamad-tamad kasi. May nag text bigla.

Message from Lea:

Girl , eto # ni Jed : 09175642230

Ang saya ko nung nakita ko yung text niya... kahit nakakaasar kasi pinagpipilitan niya na crush ko si Jed pero crush ko nga at isa pa kailan naging "girl" tawagan namin?

Nag reply ako : 

"Nakakaasar ka pero tenk u !"

Nag reply ulit siya:

"Text mo siya."

Hindi na ako nag reply natulog na lang ako. Pero teka bago pala ako natulog nag - pray muna ako!

Ooops!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon