Ano kaya pinagusapan nila?
Bumalik na ako sa classroom at may pumasok na rin na teacher
at nag discuss.
Hindi pumasok sila Chen at Jed sa klase. Lumapit ako kay ma'am
at sabi:
"Mam, may I go out?"
"Ok."
Lumabas na ako ng room at dumiretso sa C.R.
Pagkapasok ko sa C.R. ay nashock ako ng makita ko si Jed at Chen sa banyo.
Pero..
teka..
Bat nandito si Jed eh C.R For GIRLS eto?
"Bat nandito si Jed?" tanong ko kay Chen.
JED'S POINT OF VIEW (POV)
Di ko masabi kay Kristine yung totoo
dapat sasabihin ko na kanina eh
kaso sumingit si Chen..
Pero natatakot pa rin akong sabihin kay Kristine kasi baka magbago tingin niya sakin.
Nandito ako ngayon sa C.R. ng girls kasama si Chen.
Nagpasama kasi siya , ayaw ko naman sumama kasi CR for girls etoh
kaso pinilit niya ako eh.
May secret kasi kaming dalwa na ayaw kong ipaalam sa lahat.
Habang nandito kami sa C.R. ay biglang pumasok si Kristine.
"Bat nandito si Jed?" tanong niya!
"Eh ikaw? Bat ka nandito?" tanong din ni Chen habang nakataas ang isang kilay.
"Nandito ako para mag C.R. Di mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh!"
"Well, nandito si Jed para mag C.R."
Di ako makasingit sa dalwang toh!
"Pero Chen, C.R. ng girls toh!"
"And so? Inggit ka lang siguro kasi kasama ko siya!."
"STOOOOOOOOOOOOOOOPPP!!!!! Girls, please wag kayong mag-away!"
Nakasingit din ako sa wakas! Tumigil din sila sa pag-away
"Nandito ako Kristine , para samahan si Chen,
pinilit niya kasi ako."
"Ahhh.. ganun ba , Sorry." sabi ni Kristine
"Tara na nga Jed!"
sigaw ni Chen at kinuha na niya ang bag niya na nahulog sa floor.
Sinuot ko na ulit yung backpack ko at aalis na sana ako pero biglang may nahulog na
lipstick mula sa bag ko!
"Bakit ka may LIPSTICK Jed?!!!" tanong ni Kristine at mukhang na shock siya! O__O
Pinulot ko yung nahulog na lipstick.
"Ahh.. Kaa-ay Che-en toh!. Sige babye!"
tumakbo na kami ni Chen palabas ng banyo.
Jena Kristine Liwanag's POV
Nung tinanong ko kay Chen kung bakit nandoon si Jed ay inaway na niya agad ako!
Pero nakakapagtaka lang , may lipstick si Jed?!! Pero sabi niya kay Chen daw yun pero nauutal
pa siya nung sinabi niya yun.
Pero okay lang naman maglipstick ang mga boys pero sa pictorial lang! XD
Lumabas na ako sa C.R. at wala akong balak alamin kung bakit sila tumakbo kanina.
Pagkatapos lahat ng klase ay nagsi -uwian na lahat.. ang iba naman ay gagala! ^_^
Ako naman ay uuwi na sana pero
naabutan ako ni Lea my bestpren at tinawag ako.
"Kristine!!!!!!"
Humarap ako kay Lea at tumatakbo siya papunta sakin.
"Bakit Lea?"
"May papakilala ako sayo!"
"Sino?"
"Eto oh si Ian Jay Geron.
Ian, meet Kristine,
Kristine ,meet Ian." ^_^
"Nice to meet you Kristine!" ^_^
Ang cute naman neto mag smile at mukhang magalang na lalake etoh!
"Nice to meet you too , Ian Jay."
"Just call me Jay."
"Ahh.. okay, Jay." :")
"Libot tayo guys." sabi ni Lea
"Teka lang san ba galing yang lalaking yan?" bulong ko kay Lea
"Pinsan ko pala yan , taga ibang section siya eh."
"Ahhh.. okay."
"Alam mo ba Kristine, crush ka niya!"
"Che, tumahimik ka Lea."
"Ayiee! Tara gala tayo, kain tayo sa labas!"
"Game treat ko!" sabi ni Jay .. ang bait talaga niya ahh. ^_^
"Talaga .. Jay?!! Sige!"
Sila na lang dalawa uuwi na ako.
"Kayo na lang, uuwi na ako."
"Wag ka muna uuwi !" sabi ni Jay ^_^
"Gusto ko magpahinga."
"Teka nga lang best, badtrip ka ba ngayon?"
"Hindi naman."
"Sus, badtrip ka eh! Para mawala yang badtrip mo sama ka samin."
"Sige na nga."
"Yehey , thank you best!"
Sumama na lang ako, kaysa umuwi sa bahay, sabagay wala din naman ako gagawin
at tyaka pala,
FRIDAY pala ngayon! Yipee ^_^
Gumala kami at pumunta sa Little Sweet IceCream! Isa iyong
icecream parlor. Pumunta kami sa loob, actually first time ko doon
hindi kasi ako mahilig gumala. Umupo kami sa upuan , at saktong 3 yung chairs
Nag order kami, ako ang inorder ko ay Super Chocolate IceCream
Astig noh?!
"Anong i-oorder mo?" tanong ni Lea
"Etong Supe-er Chocolate IceCream , mukhang
masarap eh."
"Yun na rin ang i-oorder ko. Ikaw Jay?"
"Strawberry Mixie IceCream. Ako na lang magbabayad."
Ang bait talaga at mukhang mayaman talaga si Jay!

BINABASA MO ANG
Ooops!
Teen FictionTeka lang po Rated "PG" po ito.... Nagkamali lang po ako sa pagkapili nalagay ko po "Restricted". Pwede po ito basahin ng 12 yrs. old and above. Ongoing pa po ito! May nagrequest po kasi na dagdagan ko po yung chapter Heheh! ^_^ :))) My first lov...