Chapter 1: Meet Claire
Claire's POV
Tama ba tong gagawin ko? Hay. Kanina pa ako lutang eh. Kanina pa talaga. Malalim ang iniisip ko wag kayong magulo.
Ano kaya ang gagawin ko? Seriously, hindi ko na alam T.T
Ang dami kong problema. Tsss. >.<
"Miss Martinez!"
Pero anong nga kasi talaga gagawin ko? Ilang araw na ako di makatulog.
"Miss Claire Venice Martinez!"
Aish. =___= Paktay! Recitation nga pala.
"Yes ma'am?" Dali dali akong tumayo.
"For Pete's sake! Kanina pa kita tinatawag. Kanina ka pa dyan tulala!" Sigaw ni Ma'am.
"Sorry Ma'am." Sabi ko na lang.
"You better be." Nakita ko naman mga kaklase ko na nakatingin sakin.
Di man lang ako tinawag e. Ayos ah. -_-
Umupo na lang ako at nakinig sa lessons ni Ma'am, mahirap na baka mapagalitan nanaman ako.
Pero sht. Di ko talaga maalis sa isip ko eh. -_____-
Ang dami kong problema pero I think I found the perfect reason na sasabihin ko if ever may mahanap akong lusot.
Well, if you're wondering what my problem is.. Sige na nga.
Hayy. Ganto kasi yun.. may dalawang lalaking nagkakagusto sakin, e ayaw ko naman sa kanila parehas. E ang kulit kulit. Sa araw araw na ginawa, e lagi na lang nakabuntot sakin.
Okay lang sana kung simpleng pangungulit eh. PERO HINDI!
*Flashback*
"Claire. Di ka ba sasabay?" tanong ni Sandy.
"Di na. May tatapusin pa akong homework, mauna na kayo." So ayun nga, pinauna ko na sila.
AT NAGSISI AKO DUN.
Now Playing: Buko by Jireh Lim
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti
Biglang may nagitara sa likod ko, bale nasa may pintuan kasi yung upuan ko, eh laging bukas yung backdoor ng room.
At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo
Tulou tuloy pa rin siya sa pagkanta. At kung akala nyo nakakakilig. -_____-
HAY NAKU. Mas sintunado pa siya sa gitarang alang string.
Nagulat pa ako nung paglingon ko..
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
May kasama siyang apat na lalaki na may hawak na malalaking pictures ko. AT kung akala niyo nakakailig ulit yun..
Isang malaking HINDI!
Aba ikaw kaya ang makakita sa sarili mo sa napkalaking papel na ang itsura mo ay PangHalimaw. Magulong buhok, malaking eyebags, etc.
Opo, ang pinrint niya ay yung pictures ko nung halloween, at Manananggal lang naman ang peg ko dun. Psh.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Then may bato siyang nilabas at OMO. =_____= May dala rin siyang kutsilyo. Literal niyang tinaga yun. =____= Mababaliw na ako!
Dumaan man ang maraming pas-
"HOY Jerome! Ano nanaman bang trip to ha?!" Di ko na kinaya kaya pinutol ko na.
"Ahm.. Claire, kelan mo ba kasi ako sasagutin?" Nakuha nya pa magtanong yan? Napaface palm na lang ako.
"Jerome, matagal ko na dibang sinasabi na ayaw ko sayo." Hindi ko naman sinasadya na saktan siya, kaso ayaw ko talaga sakanya.
"Pero Claire, wala ka namang boyfriend ah. Kaya may pag-asa pa ako." Pssssh. Hay.
*End of Flashback*
Kaya nga yun ang pinoproblema ko. Dapat magkaboyfriend ako, kahit fake lang. Ayoko ng ganito. Haaaay! Ito ata ang ikamamatay ko eh!
Nalimutan ko na tuloy magpakilala.
Ako si Claire Venice Martinez. I'm one of the richest student here in Morgan University.
In fact, yung family ko ay may share sa pagpapatayo ng school na to, kaya malaki ang utang na loob ng mga Morgan samin. Oh well, too cliche, but that's the way it is.
I play drums, guitar, keyboard, violin and I'm also the vocalist of the school's band. Kami yung nagrerepresent ng school sa iba't ibang bansa pag may mga competitions.
Boyfriend? Wala ako nun eh, I guess I'm too young for that. Focus muna ako sa studies ko, graduating pati ako. Kailangan ko maging top sa class.
Pero parang ngayon, napipilitan ako maghanap ng boyfriend kahit na marami namang may gusto sakin at nanliligaw, still, I have to find the perfect guy.
...and this is where my story begins.
- - -
Author's Note: Keep on reading po, sana po suportahin nyo to. Gagawin ko ang aking makakaya para lang pagandahin angs tory na to. :) Thanks! VOTE :D

BINABASA MO ANG
His 336-Hour Girlfriend
Teen FictionI only had 336 hours to prove him wrong.. I only had 336 hours to create our love story.. I only had 336 hours with him. ONLY 336 HOURS.