Chapter 8: It's YOU

25 1 0
                                    

Chapter 8: It's YOU

Claire's POV

Umalis na si Aidle at naiwan ako dito mag-isa.. kinakabahan talaga ako. Hindi ko lang pinakita kay Aidle para di siya mag-alala.

Ayun, umupo muna ako sa bleachers. Ano ba yun, ang tagal niya. Pasend send pa siya ng bola.

*Cluck*

Napalunok ako nung may narinig akong boses ng lalaki galing sa likod ko.. at ang mas malala pa dun, kilala ko yung boses na yun.

"Jolo.." Humarap ako pero nadismaya ako..

Hindi si Jolo ang nakita ko... kundi isang lalaking nakamaskara. Or si Jolo nga yun... na nakamaskara? Loko-loko ba 'to? >.<

Kinabahan ako.

Miss na miss ko na siya..

"Sino ka?"

Alam kong siya yung nagpapadala ng sulat, kutob lang, but just to make sure.

Inaabangan kong alisin niya yung maskara pero itinaas niya lang ito ng konti dahilan para makita ko ang mga labi niya..

AT HINDI TALAGA AKO NAGKAKAMALI.

HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI.

Si Jolo yun. Kay Jolo yung mga labing yun. Tanda ko ang bawat parte ng mukha niya... kay Jolo yun...

Boses niya.. labi niya..

Hindi pa siya nakakimik.. ay nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit..

"Jolo.. alam kong babalikan mo ako.." Naiiyak na ako.

"Sabi na nga ba at ako ang mahal mo.." Napaiyak na ako ng tuluyan.

Pero nagulat ako nang tinulak niya ako..

Inalis na niya nang tuluyan ang maskara niya, nadismaya ako dahil hindi nga siya si Jolo. :(

"Tanga ka ba Miss? Sinong Jolo? Angelo. Angelo ang pangalan ko." Sabi ng lalaki.

"Sorry. :( Akala ko kasi.." Hindi ko na kinaya.. umubub na ako ng parang bata at umiyak.

Ang weak ko talaga pag dating sakanya.. kasi ang mga sugat na iniwan niya sakin, sariwang sariwa pa rin. Tatlong taon na ang nakakalipas pero ito pa rin ako.. nag-iintay.

"Claire." Umimik ang lalaki sa harap ko.

"Kilala mo ako?" Tanong ko.

His 336-Hour GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon