Lunch Break ng lapitan ako ni Luke.Hinila nya ako pumunta kami sa puno.
"Hello, kakain ako. Bat mo ko dinala dito." Tanong ko sakanya habang nakapamewang.
"Eto o, nag pack ako ng lunch. Piknik ba." sabay kindat
"May lagnat ka ba?" tanong ko sakanya habang may hawak noo effect pa
"Sira wala. Thank You lang." sabi nya habang binibigay nya sakin yung pagkain
"Thank You san?"
"Wala lang, thank you lang." sabi nya
"Sige, You're welcome..." sabi ko sabay kain..
Habang kumakain kami, di ko maiwasang mapansin na nakatingin sha sakin. nope, hindi pala tingin, nakatitig.
"Hoy, may dumi ba yung muka ko?" Tanong ko sakanya
'haa, wala hahaha. "
"e bat ka nakatitig jan.. Crush mo ko no?" Biro ko sakanya
"Nakikipagbalikan sakin si Trisha..." Halos mabulunan ako sa sinabi nya
"O, haha. E ano sabi mo..." patay malisya ko na sagot
"Hindi ko sinagot. Wala akong sagot. Hahaha"
"E mahal mo pa ba?" tanong ko sakanya
"Kumain ka nalang jan..." sabay subo sakin
"Grabe ka naman!!!" sinubuan ko rin sha.
At natapos ang Lunch Break na nagsusubuan lang kami. Bago kami umalis ng pabalik ng room nagpasalamat ako sa kanya.
"Thank You lang, walang kiss..." sabi nya na nagpapacute pa
"wala. " kako naman
"napagod kaya ako mag luto nyan..."
"aba sinabi ko ba kasing..." bago pa ko pa matapos sasabihin ko, hinila nya nanaman ako at hinatid sa room.
bago sha umalis sinabi muna nya
"Oo na, basta sa saturday , akin ka. Buong araw mo akin rin. Sige, sunduin kita ha. Babay."
at umalis na sya bago pa ako nakasagot.
______
Time goes by so fast, at di ko namalayan, sabado na pala.
Nagising ako sa familiar voice na tumatawag sakin mula sa baba.
"hoooooooy Liaaaaaa! anong oras naaa! May lakad pa tayoooo. wag mong hintaying puntahaaaan pa kita jan...."
What the hell? Sino naman nagpapasok sa mokong na to.
Dahil sobrang antok pa ko, nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan uung muka ko ng unan.
after 3minutes, katahimikan ang narinig ko. hay salamat. Nananaginip lang siguro ako..
"Liaaaaa!"
At pumunta talaga sha sa kwarto koooo. Hinila nya yung kumot ko at pilit na tinatanggal ung unan sa muka ko.
"Lia... kikilitiin kita. gumising ka na."
"ANOOO BAAA" kako sa kanya habang pilit na wag matanggal yung unan
at kiniliti nya nga ako.
"luuuuke,ano hahahahaha tama na hahahahhahaha babangon na hahahaha."
"Good. Hintayin na kita sa baba."

BINABASA MO ANG
Friends with benefits
Fanfiction"Ano kami? Friends? NO. In a SECRET relationship? HELL NO. nakakatawa man isipin pero pwede na sigurong Friends... with benefits" - Lia