15 min. drive lang bahay ko mula sa school namin. Pagdating namin sa bahay. Wala paring kibo si Luke.
“Luke, we’re here.” Bumaba na ako mula sa kotse.
Nauna na kong pumasok sa bahay, ilang minuto lang, pumasok na rin sya.
Halata sa itsura nya na parang naiilang at nagtataka sya.
“huuy, teka lang aa. Ano gusto mong pagkain, papadeliver ako.,nakoo eto naman! Parang ngayon lang nakapunta dito, feel at Home, Again. May wine jan, kung gusto mo. Hahaha” sarkastiko kong sabi sa kanya.
“Sa-salamat. Bahala ka na sa food” pinilit nyang ngumiti pero alam ko,anytime, babagsak na yung luha nya.
Pumunta na ko sa kwarto ko at tumawag ako sa secretary ng daddy ko.
“Hello, Shey, can you..” panimula ko pero sumagot na agad sya
“order some Food? Yes mam. Right away”
“Hahaha, Padala mo nalang sa bahay ko. Make it for two, Thanks” sabi ko sakanya
“For two? Sige po mam. Yun lang po ba?”
“Yes please, Thank You. Bye” Yun lang sinabi ko at ki-nut ko na ang call
Pagkatapos kung makipag usap, pumunta na ko sa CR para maligo. Pagkatapos, nagbihis na ko at bumaba.
“Heyy, sorry. I kept you waiting.” Sabi ko habang patakbo akong bumaba sa sala.
“Ok Lang.” Ang tipid talaga sumagot neto.
“So ano, Ano problema?..” Panimula ko
“si Trisha, I can’t understand her. Sabi nya, sa bawat relasyon ang pinaka importante ay ang pagbigay ng oras para sa isat isa. Nag quit ako sa clubs ko para sakanya. Tapos sya, di nya kayang iwan yung Squad. Hindi ako selfish, kaya lang wala na ee, ilang beses na kong umasa na may magbabago, na kahit konting oras may mabibigay sya sakin, pero wala.” Kwento nya
“baka naman kailangan nya yun. Kailangan mo rin siguro shang intindihin. Try to hear her explanation. Pakinggan mo kung ano talaga rason nya.” Sabi ko sakanya
“Pota naman o, andami kong sacrifices. Tas sya?! Wala wala lang?! Intindihin?! Anong iintindihin ko?! Matagal ko na syang iniintindi. Nagbubulag bulagan ako. Laging ganun nalang ee, kayong mga babae sarili nyo lang iniintindi nyo. Di nyo iniintindi yung mga nararamadaman naming mga lalaki. Hindi lang kayo ang nasasaktan!.” Nagalit sya sakin, nagulat ako.
“I know… I know..” pag cocomfort ko sakanya, naguguilty din kasi ako. Ganito rin kaya yung nafeel nung mga lalaking… nevermind.
BINABASA MO ANG
Friends with benefits
Fanfiction"Ano kami? Friends? NO. In a SECRET relationship? HELL NO. nakakatawa man isipin pero pwede na sigurong Friends... with benefits" - Lia