CHAPTER 2

549K 12.8K 2.1K
                                    

CHAPTER 2

"I KNOW its weird but the boss really wants to talk to you alone first." Anang Manager ni Aminah habang magkausap silang dalawa sa condo unit niya. "Just say yes. Malaki ang ibabayad niya sa'yo."

Hindi makapaniwalang umikot ang mga mata niya. "Their freaking company called you to give me a job, i didn’t ask for it. So bakit ko gagawin ang mga demands nila?" Mataray niyang tanong kay Key, ang Manager niya.

Key sighed. "Aminah, this is huge money." She reasoned with her, "malaki at tanyag ang kompaniyang kumukuha sayo ngayon. They're paying millions for you to do this advertisement and photo shoot."

Umikot ulit ang mga mata niya at nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Fine." Aniya saka ihinilig ang likod sa pang-isahang sofa na kinauupuan. "Malaking pera din 'to." Pinulot niya ang kontrata na nasa center table na nasa harapan niya at napatitig sa numerong nakasulat doon na siyang ibabayad sa kaniya. "This is a lot of money for me."

"Yeah." Sang-ayon ni Key. "Malaki talaga."
Humugot siya ng malalim na hininga saka pinermahan ang kontrata. "There. Done." Tumayo siya saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri, "kailangan ko imi-meet ang boss na yan?"

"An hour from now." Imporma sa kaniya ni Key.

She groaned. "Urgh... i feel like resting today..."

"Pinermahan mo na, Aminah. Kaya kailangan mong pumunta." Ani Key saka kinuha ang shoulder bag niya sa ibabaw ng lamesa, ibinigay sa kaniya sama hinawakan siya pulsohan at hinila palabas ng condo niya. "Halika na. Mali-late na tayo."

Nakasimangot lang siya habang nagpapati-anod sa paghila sa kaniya ni Key. Nang makababa sila sa parking lot, ang kotse nito ang ginamit nila para makapunta sa MMCG Empire.

Half an hour later, Key parked the car on MMCG Empire parking lot.

"Well..." Key smiled and looked at her, "Ingat ka do'n. Tawagan mo ako kapag natapos na ang pag-uusap niyo ng boss para kami naman ang mag-usap. Doon lang ako sa lobby maghihintay ng tawag mo."

"Okay." She put her Gucci sunglasses on and step off from the car.

Taas nuo siyang naglakad papasok sa MMCG Building habang may suot ng sunglasses. Dumeretso siya sa elevator at tiningnan sa mga labels na nakasulat per floor kung nasaan ang opisina ng President.

And there it is. On the top.

Aminah sighed, step in the elevator and then she pressed the Top Floor button. Habang naghihintay na makarating siya sa destinasyon, inilabas niya ang cellphone sa Prada niyang bag at tinext ang kaibigan niyang si Psyche.

She heard the elevator dings open, she step off, still texting. Isang beses lang siyang nag-angat ng tingin ay iyon ay para alamin kung nasaan ang upuan ng Secretary.

"Oh, my god! Miss Ynah!" Hindi pa siya nakakalapit sa mesa ng Secretary ay excited na nitong tinawag ang pangalan niya. "Oh my god! We've been waiting for you. Ang ganda-ganda niyo talaga, Miss Ynah. Puwede po bang magpa-autograph at magpa-picture?"

Right there and then, she knew that the woman is her fan.

Aminah smiled at the woman. "Hi. Ahm, I’m here to see your boss." Imporma niya sa sekretaryang parang hyper pa ring nakangiti.

"Ah. Opo, Miss Ynah." Iminuwestra nito ang kamay sa pinto sa kanan. "Nasa loob po siya."

Tumango siya saka ngumiti. "Thanks." Naglakad na siya palayo rito at akmang papasok na sa opisina ng boss nito ng may maalala siya. "Hey, ahm, Miss Secretary?"

Tumuwid ito ng tayo. "Miss Ynah?"

"Maya nalang yong autograph at picture pag labas ko."

The secretary grinned from ear to ear. "Thank you."

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon