CHAPTER 3

497K 11K 1.1K
                                    

CHAPTER 3

'I CAN pay millions just so men in that fashion show can't see you in bikini.' Dawalang araw na ang nakakaraan mula ng sabihin 'yon ni Magnus pero hindi pa rin 'yon mawala-wala sa isip niya. Kahit anong gawin ni Aminah, hindi talaga yong mabura-bura sa isip niya.

"Are you okay?" Tanong sa kaniya ni Psyche na katabi niya habang nagpapa-spa sila sa Misandrist Clubhouse. "Kanina ka pa nakatulala riyan."

Kumurap-kurap siya saka bumaling sa kaibigan. "May iniisip lang ako."

"Sana hindi ang ex mong gago." Umirap ito sa hangin. "I saw Dino last night in the Bar. Ibang babae ang kasama."

"Not interested." Wala na siyang pakialam sa gagong 'yon. "Wala na akong pakialam sa kaniya."

"Thats good, Aminah. He's not worth it."

"I know." Ipinikit niya ang mga mata at napabuntong-hininga nalang ng pumasok ulit sa isip niya ang sinabi ni Magnus sa kaniya.

Fuck! Why cant she erase it in her mind? It's stuck in her mind like glue and its irritating her.

"Anyway, lets go clubbing tonight." Anang boses ni Psyche. "Busy ka?"

"Hindi." Sagot niya habang nakapikit pa rin.

"Good." Psyche chirped happily. "May kasama akong ka-date mamaya."

She looked at Psyche, shocked. "Ano? May lalaki kang kasama?"

Psyche grinned. "Yep."

"Akala ko ba galit ka sa kanila?"

"Yes, I hate them." Huminga ito ng malalim saka ngumiti ulit. "But its okay to be with them, just don't fall for them."

Tumaas ang kilay niya. "What if you did?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Psyche. "Then you're fucked again. Yang mga lalaking yan, they're good at the beginning. At kapag nakuha na nila ang gusto nila, they'll ditch you. They all did. That's how sick they are and i hate them. Pero na realize ko, why not use them too? Taga-libre ng pagkain, taga-hatid sundo. At kapag nagsawa na ako, Ill ditch them too."

Napailing-iling siya sa opiniyon ni Psyche. "Okay. Sabi mo, e." She forced a smile. "And sure thing. Lets go clubbing tonight." Maybe that can help her erase Magnus in her mind.

"Great. I'll pick you up later." Ani Psyche.

Tumango lang siya saka nanatiling tahimik hanggang sa matapos ang Spa Session nila. Pagkatapos nilang magbayad, bumaba sila sa first floor para mag-meryenda.

"Hot Choco for me and Cookies and Cream Milk Tea for her." Order ni Psyche habang nakatayo ss waitress sa tabi ng mesang inuukupa nila.

At habang umuorder si Psyche ng cake, tumunog ang message alert tone niya. Dahil wala naman siyang ginagawa, binuksan niya ang cellphone at binasa ang mensaheng natanggap.

It’s a text from an unknown number. Kaagad siyang napakunot ang nuo. Buburahin sana niya kaagad ng hindi binabasa ng mahagip ng mga mata.

'How's the payment for the Fashion Show? - Magnus McGregor.'

Humigpit ang hawak niya sa cell phone niya habang nakatitig sa screen.

Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang text nito.

'Kanino mo nakuha number ko?'

Ilang segundo lang ang binilang niya, kaagad itong nag reply.

'From your Manager. Now for the Fashion Show payment?'

Kumunot ang nuo niya at tumaas ang kilay niya sa napaka-bossy nitong pagtatanong.

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon