CHAPTER 7

461K 9.8K 1.1K
                                    

CHAPTER 7

KAILANGAN pang gisingin ni Aminah si Magnus ng sumapit ang alas-onse ng umaga. Pagkatapos ng nangyari sa kanila, nakatulog ito at hindi pa nagigising mula kanina.

Ang himbing ng tulog nito habang siya ay abala sa paglilinis ng condo at pagluluto ng tanghalian niya. Nang balikan niya ang binata sa kuwarto, tulog pa rin ito na ikinainis niya.

Niyogyog niya ang balikat ni Magnus. "Wake up, you brute."

Magnus stirred on his sleep and then his eyes slowly opened, and its staring straight at her.

Nang magtama ang mga mata nila, ngumiti ang binata. "Hey, baby, good morning."

Hindi niya hinayaang makita nito ang epekto sa kaniya ng makalaglag panty nitong ngiti.

Inirapan niya ito. "Bumangon ka na nga riyan at lumayas ka sa condo ko." Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Dali-an mo."

Ngingiti-ngiti lang itong bumangon saka niyakap siya sa beywang at hinalikan ang magkabila niyang dibdib saka maaliwalas ang mukhang nag-angat sa kaniya ng tingin.

"You smell good." Komento nito.

Umikot ang mga mata niya. "That's Incanto Shine, Magnus, its suppose to make me smell good."

Binaklas niya ang mga braso nito sa beywang niya at nauna na siyang umalis sa kuwarto niya at bumaba ng hagdan patungo sa sala.

Kaagad namang sumunod sa kaniya si Magnus.

"Aminah, kinain mo ba yong naiwang pagkain natin kanina sa mesa?" Tanong ng binata sa kaniya. "Sayang kasi yon, hindi natin naubos."

Humarap siya rito at akmang tatarayan ito ng makita niyang tinutupi nito hanggang siko ang manggas ng polo na suot.

She didn't know why Magnus looks so hot while doing that.

Mukhang napansin nitong natigilan siya dahil napatingin ito sa gawi niya na nagtatanong ang mga mata.

"You okay, baby?" Malambing nitong tanong saka kumunot ang nuo.

Napakurap-kurap siya saka nilapitan ito at siya na ang nag-ayos ng neck tie nito. Hindi niya alam kung bakit ginawa niya iyon basta ginawa nalang niya dahil gusto niya, at nasiyahan siya ng makitang umaliwalas ang mukha nito dahil sa ginawa niya.

"Thanks."

Napatango siya, kahit tapos na niyang ayosin ang necktie nito, nakahawak pa rin siya doon at hindi niya mabitawan.

"You okay?" Ulit nitong tanong.

Umiling siya. "Hindi."

Tumango-tango ito na para bang naiintindihan kung bakit hindi siya okay.  "Is this because we had sex?"

Nag-init ang pisngi niya. "I dont usually do that kind of stuff." Hindi siya makatingin sa mga mata nito. "I hate men, you know. Ayokong mapalapit sa kanila, ayokong nakikihalobilo sa kanila, ayoko ngang hingain ang kaparehong hangin na hinihinga nila e, tapos heto ka, sa harapan ko..."

"Do you need space?" Tanong nito saka masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Huwag kang mag-alala, i'm not gonna be clingy."

Hindi niya mapigilang matawa. "Kung makapagsalita ka parang ikaw yong babae, no?"

Hinawakan nito ang baba niya saka ini-angat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila. "Pinapatawa lang kita. You're stressing yourself out."

"I'm not stressing myself out," depensa niya saka inirapan ito, "its just sex. Period."

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon