CHAPTER 22

334K 8.4K 947
                                    

CHAPTER 22

"HINDI KA okay, Aminah." Sabi ni Psyche sa kaniya ng bisitahin siya nito isang araw sa condo niya habang nakaupo sila sa mahabang sofa sa sala. "Hindi ka puwedeng maging ganito, buntis ka, kung hindi pa ako bumisita hindi ka pa kakain."

Tinuyo niya ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. "Ayos lang ako, Psyche." Huminga siya ng malalim. "I'd been trying to be okay. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na dapat matanggap ko na si Magnus pagkatapos ng paliwanag niya nuong isang araw kasi nga magkakaanak na kami, pero sa tuwing kumakatok siya sa labas ng pinto ng condo ko, sa tuwing naririnig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko, ang sakit-sakit pa rin. Hindi ko pa rin siya kayang harapin." Napahikbi siya. "I'm trying so hard to forget everything and forgive, pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko magawa. Ang sakit-sakit pa rin at naiinis na ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang burahin yong sakit sa puso ko."

Bumuntong-hininga si Psyche saka pinisil ang kamay niya. "Aminah, ang ganiyang klaseng sakit sa puso, hindi naman yan basta-basta nawawala. The heart always needs time to heal the wound. Hindi mo puwedeng pwersahin ang sarili mong burahin ang sakit kung hindi pa 'yon ang tamang panahon para mawala siya. You can't force your heart to forget the pain because it's still bleeding."

Tinuyo niya ang basang pisngi dahil sa mga luha niya. "I want to be with Magnus, Psyche." Malakas siyang napahikbi, "i want to be with him, but the pain... my heart won't let me." Mas lumakas ang hagolhol niya. "Gusto ko na siyang makausap, makasama, mayakap pero sa tuwing nakikita ko siya mas lalong sumasakit ang puso ko. God knows how much i want to forgive Magnus, to forget everything and just be with him, but i can't... i'm trying, but i couldn't."

Niyakap siya ni Psyche mula sa tagiliran. "Mas makakabuti siguro kong lumayo ka muna hanggang sa kaya mo na siyang harapin ulit." Hinaplos nito ang buhok niya, "rest for a while. Balikan mo nalang siya kapag kaya mo na. At kung talagang mahal ka nga niya, hihintayin ka niya. He owe you that, Aminah."

Humugot siya ng malalim na hininga. "Tama ka, magbabakasyon muna ako." Niyakap niya ang sarili, "hindi ko pa kaya sa ngayon, masakit pa rin. I had been hurt before, Psyche, pero iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang puso ko sa sakit."

Tumango si Psyche. "You rest. And when the time comes that you can finally face Magnus without feeling pain, then its time for you to forgive him and love him."

Mahina siyang napahikbi. "I will do that... i'll rest for now."

"Sige," pinakawalan siya sa pagkakayakap ni Psyche. "The weather in Korea is nice this time of year, ako na ang bahala sa plane ticket mo at sa titirhan mo do'n. Puwede ka sa bahay, puwede pa kitang samahan do'n kung gusto mo."

Nginitian niya ang kaibigan. "Salamat, Psyche. I owe you a lot."

Psyche smiled back. "You dont owe me anything. That's what friends are for."

Kahit papaano ay sumaya ang puso niya dahil may kaibigan siyang mapagkakatiwalaan at maaasahan. "Salamat, Psyche. Pero ayos lang kung hindi mo ako samahan, hindi naman siguro ako doon magtatagal. Kailangan ko lang ng time na walang Magnus na kakatok sa pinto ng condo ko araw-araw. My heart needs to heal. Babalik din naman ako," hinimas niya ang tiyan, "my baby deserves to have a father. I just need time to heal."

Psyche smiled. "Sige, ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka do'n." Tumayo na si Psyche mula sa pagkakaupo sa sofa, "tatawagan kita kapag naayos ko na ang plane ticket mo, may kaibigan ako sa immigration kaya hindi ka mahihirapan." Hinaplos nito ang pisngi niya, "pack your clothes. Baka bukas din, makaalis ka."

Tumango siya saka mas humigpit lalo ang yakap niya sa sarili.

Nang makaalis si Psyche, nanatili siya sa sala, kaya naman narinig niya ng may kumatok at narinig ang boses ni Magnus.

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon