CHAPTER 24

882K 16.5K 7.6K
                                    

CHAPTER 24

TRUE LOVE waits they say. And Aminah has been waiting for three weeks for Magnus to wake up but nothing... ni wala ang binatang pinapakitang senyalis na magigising pa ito. Kahit anong dasal ang gawin niya, hindi ito nagigising. Kahit nagmamakaawa siya sa diyos, nananatiling nakapikit ang mga mata ni Magnus.

Nuong nagdaang araw, umuwi siya sa condo niya at nandoon si Georgina hinihintay siya. Inakusahan siya nito ng kung ano-ano, pero ng sabihin niyang nasa Hospital si Magnus at baka hindi na makalakad, pinaubaya na nito sa kaniya ang binata. Sabi pa nito ay walang silbi na maging pag-aari nito si Magnus kung imbalido naman.

But she disagree to that. Hindi porket imbalido ay wala nang silbi. At naniniwala siyang makakalakad pa si Magnus, kailangan lang niyang maghintay.

Hinaplos niya ang buhok ni Magnus habang masuyong nakatingin dito. "Gumising ka na. Gusto na kitang makausap. Miss na kita, Magnus. Miss na miss na kita." May tumulo na namang luha sa pisngi niya. "Pakiramdam ko ay wala na akong iiiyak pa, pero sa tuwing nakikita kitang ganito, umiiyak pa rin ako kasi hindi ko matanggap na ginawa ko 'to sayo. Kasalanan ko 'to e. Ako ang may gawa nito sayo e." Puno siya ng pagsisisi. "Gumising ka na please, hindi ko kayang makita kang ganito. Kasalanan ko lahat to, e."

Inilapat niya ang nuo sa nuo ng binata saka hinayaan ang mga luha niyang mamalisbis sa pisngi niya. Pinikit niya ang mga mata habang walang imik na umiiyak.

"I love you." Bulong niya kay Magnus saka napahikbi.

"A-Aminah?" Ang namamaos na boses ni Magnus ang nagpatigil sa mga luha niya.

Malalaki ang matang bahagyan siyang dumistansiya sa binata at nag-uunahan ulit na namalisbis ang mga luha niya ng makitang gising na si Magnus.

"Magnus!" Mahigpit niyang niyakap ang binata at napahagulhol. "Oh my God! Gising ka na! Thank, God! Thank you so much." Hindi maampat ang mga luha niya. "Salamat sa diyos gising ka na." Pinakawalan niya si Magnus sa pagkakayakap niya saka hinaplos niya ang pisngi niya. "Are you okay? How do you feel? Mas gusto ka ba? May kailangan ka?" Sunod-sunod niyang tanong sa nagpapa-panic na boses.

Magnus just stared at her. "A-Aminah..."

Tinuyo niya ang mga luha. "I'm here, baby, i'm here."

Nanatili itong nakatitig sa kaniya. "Y-You're here?"

Tumango siya saka hinaplos ang buhok nito. "I'm here."

"Hindi ka umalis?"

Umiling siya. "I couldn't..." hinaplos niya ang pisngi nito, "hindi ko pala kaya na umalis. Hindi ako tumuloy. Palabas na ako sa Airport ng tumawag ang Hospital para sabihing nasa OR ka." May tumulong luha sa pisngi niya. "I was so worried, Magnus. Huwag mo nang ulit gagawin sakin 'yon. Parang may pumipilipit sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang kalagayan mong ako ang dahilan."

Umiling ito, "hindi... its may fault." Pabulong nitong sabi, hindi pa ganoon kalakas ang boses nito. "S-sinamahan ko si Georgina sa Mall, nakipag-dinner ako sa kaniya at hindi ko pinabulaanan ang sinabi niyang buntis siya..." namamaos ang boses nito habang nagsasalita, "you have all the right to be angry at me." Pinilit nitong ngumiti pero nauwi iyon sa ngiwi na para bang nasasaktan ito, physically. "Ayos lang na magalit ka sakin... huwag mo lang akong iiwan. I will accept all your anger, just please, stay... stay, Aminah."

Umiling siya, "hindi... ikaw dapat ang magalit sakin. Kasalanan kong na-aksidente ka. Kasalanan ko lahat. Ang arte ko kasi, sorry na, Magnus. I'm so sorry. Hindi na ako aalis sa tabi. I'm staying with you."

Lumiwanag ang mukha nito. "Hindi mo na ako iiwan?" He sounds hopeful, "hindi ka na galit sakin?"

"Hindi na." Nginitian niya ito saka hinalikan sa nuo. "Hindi na ako galit. Ayoko nang magalit sayo. Mas gusto kitang makasama, Magnus, kesa ang magtanim ng galit sayo. At wala na akong pakialam sa mga ginawa mo noon kasama si Georgina. Kakalimutan ko 'yon. Gusto ko mag-umpisa tayo ulit. Sa pagkakataong ito, walang Georgina na manggugulo satin. At kapag nanggulo na naman siya at in-entertain mo, tatamaan ka na sakin at talagang iiwan na kita for good."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISANDRIST SERIES 1: In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon