Chapter 4 ~ Will you be my...?!

11 0 0
                                    

Nathan's POV

Bwisit na babaeng yan. Siguro sa lahat ng nangyari sakin ngayon araw na to, yung sampal niya ang pinaka-memorable. Come back gift siguro. Medyo natawa ako sa naisip ko kaya napangisi ako.

"Hala ka? Nasampal ka lang nababaliw ka na? Naalog yata utak mo, dude. Tara sugod na kita sa hospital" biro ni Ricky.

"Baliw. Kumain ka nalang dyan, maghuhugas ka pa ng pinggan" I said. Napatingin siya sakin na parang tutol sa sinabi ko.

"Bakit may angal ka?" sabi ko sabay tingin na parang nagbabanta.

"Wala! sabi ko nga ako maghuhugas eh. I have a suggestion, why don't you hire a maid? Napaka expensive tignan ng resthouse mo tapos wala namang katulong" sabi niya sakin na may asar sa tono.

"Well darating din tayo dyan" I said at nagpatuloy na sa pagkain. 

*ding*

"Hey dude, may tao yata, ako na magbubukas" Ricky said.

"No. Ako na kumain ka nalang dyan" sabi ko sa kanya at tumayo na para lumapit sa pinto. Pagbukas ko ay medyo nabwisit ako sa nakita ko.

"Hi honey! I miss you!" It's Rebecca,my hmm.. playmate?

"Rebecca, what are you doing here?" I said to her in a cold tone.

"Well I just heard na nakauwi ka na and your here kaya pinuntahan kita. Ayaw mo ba kong makita?" sabi niya habang nagpapacute.

"What do you want?" sabi ko sabay tinalikuran ko siya at pumasok sa bahay habang siya naman ay sumusunod lang sakin.

"Well there are two things why I'm here, honey" she said. The idea of her calling me 'honey' is ughh.. nakakadiri. Although she's that dream girl; maganda, sexy, malakas ang sex appeal at matalino. It's just that she's so desperate and assuming.

"And what is that?" sabi ko sakanya.

"One is I really miss you and Two is about this rest house" she said. Kumunot ang noo ko. 

"What do you want on my rest house?" I ask.

"Look, honey. Alam ko naman na you love your lifestyle there in New York and umuwi ka lang dito sa Pinas for this rest house. So parang quits lang tayo, honey. If you sell this to me, I get the rest house, You get your life back" she said.

"Pati ba naman ikaw, Rebecca?" sabi ko sa kanya.

"Bakit? May mas nauna pa ba sakin?" tanong niya. Nag alangan akong sabihin sa kanya pero sinabi ko rin.

"Well just this morning, Victoria was here and he also want to buy this rest house" I said. She smirk after hearing that.

"Wow ha. Ang kapal naman talaga ng mukha ng Victoria na yan. After what she did to you. Well back to my topic. Do you gonna sell it to me or what?" she said.

"Just like what I've said to Victoria. This rest house is not for sale. So you may please, get out" I said rudely. Tumaas ang kilay niya.

"Okay. Pero I'm expecting na if you change you mind, mas malaki ang chance ng Alpha Company na makuha ito kaysa ang Casabuena Company. So call me" sabi niya sabay bigay ng isang calling card at umalis na.

"Ayos ka talaga dude, Kababalik mo palang sa Pinas ang dami mo nang babae agad" sabi ni Ricky.

"Tapos ka na kumain diba? Maghugas ka na" sabi ko at pumunta muna sa sala. Kahit nag offer sakin si Rebecca, mas iniisip ko parin si Victoria. I gotta find a way na makaganti sa kanya.

"What can I do for you to sell it to me?"  

Parang nag-eecho yung sinabi niya kanina sakin na nag-lead sakin para makaisip ng magandang ideya.

Loving You Then and NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon