first day of school josephxcassie

4 0 0
                                    

Cassie's POV

*First Day*

"Are you alright?" tanong sakin ni Joseph habang nagda drive. Sabay kaming papasok ngayon sa bagong school ko. It's my first day of being a college student. Bagong school, bagong friends, bagong environment. Pero at least, schoolmates na kami ni Joseph.

"Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko habang nasa kalsada parin ang mata niya.

"Don't worry, I'll be there. Susunduin kita sa breaktime mo then ako na rin maghahatid sayo lagi. Just stay natural" sabi niya sabay ngiti sakin. Tumango nalang ako.

"We're here" sabi niya.

Lumabas ako ng kotse. Grabe ang laki ng campus. Yung tipong pag bago ka lang, mawawala ka talaga.

"Ready ka na? Ihahatid na kita sa room mo" sabi ni Joseph sabay higit sakin. Mas excited pa yata to sakin eh. Nakita kong nagtitinginan yung ibang estudyante samin, mostly mga babae.

"It looks like kilala ka dito ah" sabi ko sa kanya. Di niya ko tinugon dahil busy siya sa paghahanap ng classroom.

"Nandito na tayo" sabi niya.

"Eh? Ang bilis naman?" sabi ko.

"Haha! Babe, I've been studying here for 3 years" sagot niya. Oo nga pala. He is now in 4th year. Kumbaga last year na niya dito sa school na to.

"Yeah right. Sige na pumunta ka na sa classroom mo" sabi ko.

"Pasok ka na" sabi niya.

"Sige na mauna ka na"

"Pumasok ka na muna"

"Sige na baka malate ka na"

"Sige lang pumasok ka na"

"Sige na nga" sabi ko sa kanya at nagwave ng goodbye.

"Saglit!" sabi niya kaya lumingon ako. "May naiwan ka"

Naiwan? Anong naiwan? Lumapit ako sa kanya at bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

"Goodluck Kiss" sabi niya sabay wink.

"Ikaw talaga! Umalis ka na haha!" sabi ko. Tinignan ko siya habang lumalakad paalis. Lumingon siya para magbigay ng flying kiss at sinalo ko naman.

Nagsimula na ang first day of school. Everything went perfectly fine. Para old days lang sa high school. Magpapakilala, makakakilala and may mga kikilalanin. May mga naging kaibigan na ko kahit first day palang.

"Hi there" sabi ng isang stranger.

"Hello" I replied.

"Well it looks like your a freshman here. I'm Danielle. Danielle Ferrer" sabi niya and offer his hands to me. " And you are?"

"I'm--"

"Someone that is none of your business" sabi ng tao na nasa likod ko, si Joseph.

"Oh, your here. Do you know her?" tanong nung Danielle.

"Yeah. And don't even think about getting close to her. Or else" sabi niya at hinila na ko. Pinapasok niya ko sa kotse niya at sumakay na rin siya.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya. Di siya umimik ng matagal.

"Wag mo na ulit siya kakausapin" sabi niya at inistart na ang kotse. Naging tahimik lang ang buong biyahe namin. Naihatid niya ko sa bahay ng hindi man lang kami nakapag usap sa pangyayari..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You Then and NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon