Ayan na papunta na ko. Bakit nga ba ko kinakabahan? As if namang isang heartthrob ang makikita ko dun. Mag backout na kaya ako? Kaso bakit ayaw tumigil nang paa ko sa pag lalakad? Basta bahala na si batman
Anak ng pagong! Heartthrob nga. . .Ano namang ginagawa niya dito?...Rold ano bang pumasok sa isip mo? Ang dami dami namang pwedeng pag tambayan dyan pa sa may flagpole. . .Ulp. . .bahala na si batman
Aya: Ah. . .Rold? ano ginagawa mo dito
Rold: May hinihintay ako eh. . .ikaw anong ginagawa mo dito
Aya: May hinihintay din
Rold: hehe. . .alam mo Aya na-miss kita. . .after three years pinansin mo na rin ako. .. ang hirap kaya nang mula 1st yr. hanggang ngayong 4th yr. mag kaklase tayo pero hindi tayo nag uusap. . .kada lalapitan kita, iniiwasan mo naman ako
(tahimik)
Rold: Aya sino ba hinihintay mo dito?
Aya: eh ikaw sino?
Rold: hehe. . .si Aya ka nga. Pag ayaw mong sagutin yung tanong, ibinabalik mo
Naku naman. . .bakit pa kasi sa dinami dami nang estudyante dito sa campus eh si Rold pa ang nakasama ko dito. . . tapos ang tagal tagal pa ni mystery guy. . .sabi na nga eh. . .pinag titripan lang ako
Aya: sino nga??
Rold: Hinihintay ko dito yung taong mahal ko [ouch! Sinasaktan mo nanaman ako rold]. . .Alam mo dati bestfriend ko siya. . .Akala ko hanggang don na lang ang feelings ko para sa kanya, pero simula nang nag tapat siya sakin tapos hindi na kami nag-usap. . .unti unti kong nararamdaman na mahal ko na pala siya. . .yung tanga kong best friend. . .mahal na mahal ko na. . .
Aya: Kaso sinaktan mo yung napaka tanga mong bestfriend
Rold: oo tama ka. . .nasaktan ko siya. . .hindi ko alam kung galit pa siya sakin nagyon. . .ewan ko ba. . .tanga rin kasi ko eh. . .tanga ang puso ko. . .pero isa lang ang alam ko. . .mahal na mahal ko siya at handa kong gawin lahat mapatawad lang niya ko
Rold: (nakaluhod). . .Aya. . .will you forgive me??
Aya; I-ikaw si mystery guy?
Rold: oo ako nga. . .now can you answer my question? Will you...forgive me??
Aya: Huli na ang lahat Rold...nasaktan mo na ko...ngayon naka move on nako, bigla ka nmang dumating ulit...sorry pero ayoko nang masaktan.
Rold: Aya bigyan mo lang ako nang isa pang chance hinding hindi na kita sasaktan
Aya: hindi ko alam. . .natatakot na ko
Rold: please aya. . .nagmamakaawa ako sayo
Aya: sorry Rold (paalis na si Aya)
Rold: Sandali lang Aya. . . .sa isang araw pupunta na ko sa states (napatigil si Aya)...dun nako pag aaralin ng mga parents ko...bukas, 7 pm, pumunta ka sa park na madalas natin puntahan, dun tayo magkita sa favorite place natin...pag dumating ka, ibig sabihin binibigyan mo ko nang isa pang chance, hindi na rin ako aalis...pero pag hindi ka nag punta, ibig sabihin ayaw mo na kong makita at aalis ako papunta sa states...pero inaasahan kong magpupunta ka Aya...hihintayin kita.
_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
Nakakainis ka naman Rold! Bakit pa kasi isang araw lang ang ibinigay mo sakin para makapag isip eh!...hindi ko na tuloy alam gagawin ko!! Hay naku makapag bukas nga nang radio (because of you ang kanta). Because of you...haay naalala ko yang kantang yan...pareho naming favorite yan ni Rold, naalala ko tuloy na pag wala kaming magawa nandun kami sa may park...sa favorite place namin...sa ilalim nang mango tree...palagi siyang tumutugtog nang gitara habang kumakanta kami...madalas din kami mag picnic dun...naalala ko, dun din sa lugar na yon niya ko tinuruan mag gitara, ang saya saya namin nun. Haay Rold..
(Kinabukasan...)
6:15 pm...
Ano kaya pupunta ako o hindi?
6:45
May 15 minutes p.
6:50
Wag na lang kaya. Ayaw ko nang masaktan
7:00
Seven na! Paalam sayo Rold
8:00
...
9:00
Bakit ba ko tingin nang tingin sa orasan. Huli na lahat Aya wala na siya
10:00
Humabol kaya ako, kaso baka wala na siya dun
11:00
Sige! Hahabol ako, alam ko nandun pa siya. Hintayin moko Rold papunta na ko, Sasaya na ulit tayo
BINABASA MO ANG
aNg LoVe nGa NmAn by ~bluesmine~ of filipinoes.net
Teen FictionThere was a girl named Aya. Very simple lang si Aya. Katulad lang siya nang other girls diyan. Hindi siya maganda, hindi rin siya matalino, pero kahit papano naman, magaling siya sa klase. Then, there was a boy named Rold. Super gwapo. One of the ca...