Chapter 24

2.1K 66 50
                                    

(after 2 months...)

Dalawang buwan. Tama, dalawang buwan na nanliligaw sakin si Clarence. Actually, balak ko na siyang sagutin ngayon. Sa tingin ko kasi, napa-tunayan na niya yung gusto niyang patunayan sakin. Una sa lahat ang gentleman niya, everyday niya akong hinahatid at sinusundo sa school. Pangalawa, galante siya, lagi niya akong nililibre. At syempre, pangatlo, mahal niya ako, napatunayan na niya yun, lagi siyang nadyan sa tabi ko nung mga panahong malungkot ako. Dapat na siguro, sagutin ko na siya. At ngayon na ang tamang pag kakataon. Mamaya kasi may date kami eh, siguro, dun ko na rin siya sasagutin.

Jazz: pinsan, favor naman, paki soli naman to sa library 

Aya: okei

Teka, sila Sofia yung tao dun sa library ah. Anak nang pagong! Ang sama na man oh. And take note, sila lang ang tao dun. I hope na hindi nila ako pag-tripan kahit imposible. Teka, si Clarence yun ah. Kausap si Sofia? Ano kaya pinag uusapan nila? At mag ka kilala pala sila?

Sofia: Clarence, hindi ka pwedeng umatras sa usapan natin. Pag umatras ka, sasabihin ko lahat nang ito kay Aya.

Usapan? Ano naman kaya yung usapan na yon?

Clarence: hindi ko na kayang lokohin si Aya

Sofia: well, hindi pwede yun. Dapart lokohin mo siya. Saktan mo. Pag nagging kayo na, pahirapan mo atsaka mo iwan. Di ba yun ang usapan natin?

Aya: ganon pala

Clarence: aya? Ka--kanina ka pa diyan?

Aya: oo, at narinig ko lahat nang pinag usapan niyo.

Clarence: aya, let me expla--

Sofia: no need na. total narinig na rin naman niya edi sabihin na lang natin sa kanya. Binayaran namin si Clarence para lokohin ka at saktan. Hay, palibhasa utu-uto ka kaya ang dali mong maloko. Ow, I need to go nahinihintay pa ko ni Rold eh.

Tapos umalis na si Sofia. Now, its just you and me Clarence. I hope, hindi kita masapak sa sobrang galit ko sayo. OMG!! Eto nanaman yung pasaway na mga luhang to, tumutulo na naman sa pisngi ko.

Clarence: Aya, mage explain ako

Aya: ano eexplain mo? Kung bakit mo ko sinaktan? O kung paano mo ko sasaktan?

Clarence: Aya, I didn,t mean to do that to you. And besides, na-inlove na ko sayo. Hindi ko talaga ineexpect na mahulog ang loob ko sayo. Atsaka, gusto ko nang kumalas sa usapan namin ni Sofia. Please Aya, forgive me.

Aya: let me ask you something, pano kung hindi ka na fall sakin? Itutuloy mo parin ba yung pananakit mo? Di ba oo? Clarence, alam mo, ang sakit, lahat nang tiwala ko sayo nawala na. hindi ko inaasahang hindi pala tunay yang mga pinapakita mo sakin. Bakit ikaw pa? (umiiyak) Ayaw na kitang makita. GALIT AKO SAYO!!!! Sayang, balak pa man din kitang sagutin ngayon.

Tumakbo na ko nun. Malayo. Mabilis. Dun ako pupunta sa special place. Gusto ko munang mapag-isa. Ayoko nang may kausap ngayon. Ayoko silang makita lahat lalo na si Rold at Clarence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

aNg LoVe nGa NmAn by ~bluesmine~ of filipinoes.netTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon