ANO?!? MANLILIGAW KA? LOVE MO KO?? MY GOSH!!
Aya: ha??...ahhhh (speechless ulit??)
Clarence: Aya, I promise, I,ll make you happy, hindi kita sasaktan, at lalong lalo na, hindi kita paiiyakin. Bigyan mo lang ako nang chance and I,ll prove to you how much I love you.
I think, kailangan ko nang mag move-on. Si Clarence na nga yung sagot sa dasal ko. Siya na yung kapalit ko kay Rold. Si Clarence na nga yun at wala nang iba.
Aya: yes
Ayun na lang ang tangi kong naisagot sa kanya speechless eh
Clarence: really?? Is that true??
Aya: oo, yes na nga di ba? Ayaw mo ata eh
Clarence: no, gustong gusto ko. Thanks Aya, Don,t worry I will prove to you how much I love you, thank you very much. I love you
After that night, ewan ko pero parang ang gang gaan nang feelings ko. Alam na rin ni Jazz at candy yung nangyari. Well, hindi na kataka taka yun no, ang lakas ang radar nang dalawang yun eh. Oo nga pala, bukas na ang school fair namin. Buti na lang walang na assign sa kin na booth at ma eenjoy ko yung school fair. Exciting na nga eh. Kasali nga pala sila candy sa battle of the bands. Syempre ang pianist si Candy, sa drums si Jazz, tapos yung guitarist pati yung lead guitarist and vocalist hindi ko kilala. Buti pa yung mga yun may sasalihan, samantalang ako, hanggang cheer na lang.
(kinabukasan...)
Jazz: ba, naka red si pinsan ah
Candy: kaya lang bakit naka white si Clarence?
Clarence: kung alam ko lang mag rered ka, edi sana nag red na rin ako
Aya: ikaw talaga
Candy: oi, dapat maging watchful kayo dun sa mga nang huhuli, baka bigla kayong makulong sa jail
Aya: yes, at di ko feel na mag palipas nang mag hapon sa jail no
Masaya yung school fair namin. Una naming pinuntahan yung horror booth. Grabe ding manakot tong manga to, napakapit tuloy ako kay Clarence. Sorry, di ko sadya, kala ko kasi si Candy yung nasa tabi ko eh, madilim pa naman. Oo nga pala, dun lang kami sa umpisa natakot, dahil pag dating sa dulo, tawa kami nang tawa. Pano ba naman kasi tong si Candy, sa sobrang takot, siguro nawala sa sarili at nasapak niya yung mga nananakot, ayun na knock-out niya kaya pinalabas tuloy kami. Hehe, palibhasa harass minsan yung babaeng yan eh. Teka na gugutom nako, bibili nga muna ko ng hamburger.
Aya: ei, bibili lang ako ng burger
Clarence: ah, ako na bibili
Aya: hindi, wag na, diyan ka na lang, tsaka may titingan din naman ako dun eh
Clarence: okei
Bumili na ko nang burger. Yumm!!!! Pabalik na ko kila Clarence kaya lang may dalawang lalaki ang humawak sa braso ko tapos tinakpan yung mata ko.
Aya: ano to?? Bitawan niyo ko
Guy: sorry miss, jail booth kami, nang huhuli kami nang mga naka red. Hindi ka naman tumakbo, kaya hinuli ka namin.
WAAAAAHHHH!!!! Na jail booth ako. Hay naku
Aya: oi tanggalin niyo naman yung blindfold ko
Guy: teka lang, atat ka eh (tinangal yung blind fold)
Aya: pano ko makakalabas dito??
Guy: dapat may tumubos sayo at hindi mo pwedeng tubusin ang sarili mo.
Kainis naman. Sana malaman nila Clarence na nandito ako. Nasakanya pa mandin yung bag ko at nandun yung cp ko. Haaaaayyyy
nandito ka rin pala
Huh?? May tao pala, kala ko mag isa lang ako dito. Sino kaya--OMG!! Si Rold lang naman
Aya: ah...oo, naka red eh
Rold: oo nga, pansin ko, pareho tayo
Aya: edi naiwan mo si Sofia dun na walang kasama?
Rold: ok lang, kasama naman niya sila Mitch
Aya: may cell ka ba dyan??
Rold: low batt eh ikaw
Aya: naiwan ko kay Clarence
Rold: ow, kayo na ba?? I,m sure yes, may mapag lalaruan ka nanaman
Aya: Well, hindi pa kami, pero nililigawan niya ko at sasagutin ko siya. At isa pa, sa una palang wala akong pinaglalaruan, hindi ako ganun, at hindi ko rin gagawin yun kay Clarence
Rold: talaga, hindi ka ganun?? Kung totoo yun, parang ang bilis mo namang maka move-on sa break-up natin.
Aya: Alam mo ba kung bakit pumayag ako na ligawan niya ko?? Dahil lang naman sayo yun. Ang hirap eh, palagi mo kong sinasaktan.
Rold: dahil, sinasaktan mo rin ako
Aya: hindi kita sinaktan, ikaw lang ang nanakit sakin. Ayoko na, gusto na kitang kalimutan, dahil sawa nako.
Rold: sinungaling!!!
Aya: isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin
Rold: gusto mo ba talaga akong kalimutan?
Aya: oo, gustong gusto, kaso hindi ko kaya, mahal kita eh, hanggang nagyon, kaso sinasaktan mo ko.
Rold: ako din, hindi kita kayang kalimutan, mahal parin kita, kaya lang ang hirap mo nang pagkatiwalaan.
BINABASA MO ANG
aNg LoVe nGa NmAn by ~bluesmine~ of filipinoes.net
Teen FictionThere was a girl named Aya. Very simple lang si Aya. Katulad lang siya nang other girls diyan. Hindi siya maganda, hindi rin siya matalino, pero kahit papano naman, magaling siya sa klase. Then, there was a boy named Rold. Super gwapo. One of the ca...