Haay 3 days to go Christmas na. I hope maging masaya na ko. I hope kahit sa Christmas lang makalimutan ko si Rold kahit one day lang.
(but)
Rold: Hi Aya Merry Christmas 3 days to go na lang
Aya: Oo nga. Anyway may gift ka na ba para sakin?
Rold: Syempre naman. Ako pa! and syempre kay Sofia din meron na.
Aya: siguro maganda yung gift mo para sa kanya
Rold: Oo naman. Isang necklace with heart pendant na may name niya
Aya: wow ang ganda naman (aray ko kakasabi ko lang na sana maging masaya na ko pero eto nanaman sinaksaktan nanaman ako ni Rold sa puso)
Rold: nga pala may gift ka na ba sakin?
Aya: ah wala pa nga eh ano ba gusto mo?
Rold: ummm. . . .Alam ko na. Tulungan mo na lang ulit ako. Balak ko kasing tanugin si Sofia this Christmas eve kung. . . .alam mo na
Aya: kung pwede mo siyang maging girlfriend?
Rold: Oo
Aya: pagka ba tinulungan kita sasaya ka? Kaya mo bang ipangako sakin na hinding hindi ka malulungkot?
Rold: oo Aya promise ko yan
Aya: Sige Rold tutulungan kita. . . . . .kasi mahal kita
Rold: Aya kahit hindi mo sabihin sakin yan alam ko na love mo ko. Kasi nga di ba best friend mo ko?
Aya: ah oo. . .mahal kita bilang best friend ko
Rold: Alam mo Aya ang swerte ko
Aya: Bakit dahil nakilala mo si Sofia?
Rold: Hindi. Dahil may best friend akong katulad mo. Buti na kilala kita. Alam mo ba ikaw lang ang tanging nasasabihan ko nang secret ko? Ikaw lang din yung handang tumulong sakin. Hindi mo ko iniiwan. I,m very lucky to have a friend like you
Aya: Rold. . . .Thank you. . . .Tandaan mo andito lang ako kahit anong mangyari
Rold: I love you best friend
Aya: I love you too
(the next morning. . . .)
Candy: Aya kamusta lapit na Christmas ah
Aya: oo nga eh
Candy: Teka may problema ka nanaman noh?
Aya: hmmmm. . .Alam mo sabi ko kay Rold kaya ko siya tinutulungan dahil mahal ko siya
Candy: WHAT?? Nag tapat ka na sa kanya?? Ano naman sabi niya
Aya: I love you din
Candy: edi kayo na??
Aya: hindi. Mali ang pag kakaunawa niya sa sinabi ko. Akala niya ibig sabihin nang I love you ko ay bilang kaibigan lang
Candy: Aya?
Aya: Ok lang. (paiyak) Alam mo ba sa Christmas eve mag seset ako nang date para kay Sofia at sa kanya. . . . .magtatapat na siya
Candy: Bat ka pumayag?
Aya: nangako naman siya sakin na magiging masaya siya eh
Candy: Aya? Ok lang yan. May dahilan lahat nang bagay. Marami pa namang iba diyan eh. Kung gusto mong umiyak wag mong pigilan. Pwede kang mag labas nang sama nang loob sakin. Aya umiyak ka lang nakakagaan din nang loob ang pag iyak
Aya: (hagulgol) Candy. . . .Ang sakit. . . . .ang sakit-sakit
Then the Christmas eve come. Bago pumunta si Rold sa restaurant dumaan muna siya sa bahay namin. Ang pogi niya sa suot niya. I wish sana sakin na lang siya magtapat pero hindi di ba hanggang best friend lang ako. And then hindi na ko nag punta doon sa restaurant. Nandoon lang ako sa room ko. Nagkukulong habang umiiyak buong mag damag. Habang ang best friend ko masayang masaya, ako parang nadurog ang puso ko at kahit sino wala nang makakapag buo nito kundi siya lang. Ang pinaka mamahal mahal kong si Rold.
BINABASA MO ANG
aNg LoVe nGa NmAn by ~bluesmine~ of filipinoes.net
Ficção AdolescenteThere was a girl named Aya. Very simple lang si Aya. Katulad lang siya nang other girls diyan. Hindi siya maganda, hindi rin siya matalino, pero kahit papano naman, magaling siya sa klase. Then, there was a boy named Rold. Super gwapo. One of the ca...