Sofia: Rold, honey, pumasok na tayo sa loob. Nag kakainan na sila eh. Hayaan mo nalang si Aya diyan kung gusto pa niyang mag stay.
Rold: ah? O sige pasok na tayo, una na kami Aya
Aya: sandali
Rold: ha?
Aya: yung---yung---
Rold: yung?
Aya: yuyung earphone mo
Rold: ow thanks, kala ko kung ano na
Dapat sasabihin ko sandali lang, wag ka munang umalis, sabihin mo muna sakin yung gusto mong sabihin, kaso ayokong mapahiya kaya hindi ko sinabi yun. Baka pag kamalan pa kong engeng. Alam mo Sofia, isa ka talagang malaking istorbo. Palagi ka nalang wala sa timing kung lumitaw. Tapos bigla bigla ka nalang sumusulpot diyan, ano ka kabute? Hay naku makapasok na nga sa loob.
Aya: Hi ma, hi dad, kainan na ba?
Daddy ni Aya: hindi pa, kaya lang malapit na.
Sus, hindi pa pala. Sinungaling talaga yung Sofia na yun. Sana maputol yung dila mo. Teka si Clarence yun ah! Bakit wala siyang kasama? Lalapitan ko nga.
Aya: hi po, mukhang nag sesenti yung isang tao diyan ah
Clarence: ha? Ah Aya ikaw pala
Aya: aba, hindi mo ko nakilala? Nakapag tatampo naman.
Clarence: kasi nakikinig ako nang music eh, sorry na po
Aya: ang OA mo naman, binibiro lang eh
Clarence: ikaw ah (sabay kiniliti si aya sa tagiliran) niloloko mo ko
Aya: nga pala nasan yung parents mo?
Clarence: wala sila eh! Hindi daw makakarating
Aya: ah ganon ba? Gusto mo dun ka nalang maki sit sa table namin?
Clarence: wag na, nakakahiya naman sa parents mo
Aya: hindi yan, papakilala kita sa kanila
Clarence: wag na, talagang ok nako dito
Aya: sige ka, pag di ka pumayag, magtatampo ako
Clarence: teka, lines ko yun ah, gaya gaya ka talaga. Wala kang originality
Aya: bakit, hindi ba effective?
Clarence: sabi ko nga eh, effective, grabe, kaya sige halika na nga.
Aya; sus, papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa ko.
Ang kulit talaga nitong si Clarence. Ang saya din niya kasama. Siguro, maswerte yung magiging gf niya. Syempre, pinakilala ko siya kila mommy at daddy. Madali naman niyang nakasundo yung mga yun. Nasan na kaya sila Rold at Sofia? Ay ayun pala, hindi ko napansin nasa kabila lang yung table nila. Naman, bakit ba palaging nakadikit yang Sofia nayan kay Rold, para siyang linta. Teka nga, HELLO!!! Bakit ka ba nag rereklamo e bf naman niya si Rold. Hay, kasi naman may lahing Valentina ata yang si Sofia. Hindi ka lang linta, ahas ka pa.
Natapos na rin yung kasal ni ate. Syempre may honey moon sila sa England. Ba sosyal? Tapos nun, uuwi na sila sa states at dun na titira. Mamimiss ko talaga si Ate. Di bali, sabi naman nila, every Christmas, new year at syempre pag birthday ko uuwi sila, kaya ok narin.
Monday na. super busy ako ngayon kaya eto, 5:30 na nasa school pa. May ni research kasi ko sa library eh. Hay naku siguro, onti na lang ang tao dito. My god!!! Si Rold yun ah, kasama si Valentina este si Sofia, tapos yung dalawa niyang side kick este kaibigan. Naku po, hindi ako makakaiwas nito, walang ibang daan, kami lang ang tao. Ano kaya, batiin ko kaya siya? Eh ano naman sasabihin ko? Bahala na. siguro naman hindi na siya galit sakin kinausap nga niya ko nung kasal ni ate eh. Eto na palapit na siya.....
Aya: ah.....hhi rold
Rold: ...
Ngek, walang reaksyon. Ni hindi man lang ako nilingon. Ano ko dito bato na dinadaan daanan lang? siguro nga yun ang tingin niya sakin. Bakit ko pa kasi siya binati, bakit pa kasi ako umasa na papansinin niya ko. Nag mukha lang akong tanga. Kahit ilang beses kong sabihing masakit, walang kwenta, hindi mo naman naririnig, hindi mo naman nakikita yung puso kong unti unting nadudurog. Siguro nga, dapat na kitang kalimutan.
Ilang days na rin yung nakalipas. Eto nanaman ako, busying busy sa isang napaka hirap na homework sa Algebra. Ewan ko ba, hanggang college ayaw akong tantanan ng subject na to. Hay naku, sinasabi ko sa inyo, yang subject na yan ang nag papahirap sa milyon milyong kabataan ngayon. Basta may number, mahihilo ka talaga. Naalala ko pa dati, hindi ako ganong hirap sa subject na may mga numbers kasi nandyan naman si Rold, lagi niya kong tinutulungan nun. Siguro nagyon, si Sofia na ang tinutulungan niya. Nakakainis talaga.
Ehem, mukhang mahirap yan ah, gusto mo tulungan kita?
Rold? Si rold ba yun? Teka dadahan dahanin ko yung pag lingon ko
BINABASA MO ANG
aNg LoVe nGa NmAn by ~bluesmine~ of filipinoes.net
Teen FictionThere was a girl named Aya. Very simple lang si Aya. Katulad lang siya nang other girls diyan. Hindi siya maganda, hindi rin siya matalino, pero kahit papano naman, magaling siya sa klase. Then, there was a boy named Rold. Super gwapo. One of the ca...