Duwag na Pag-ibig (Entry to November's Writing Contest)

362 24 23
                                    

 Yung feeling na papunta palang ako, pero napapabalik na ako.

Yung feeling na konti na lang talaga't nasa taas na ako, pero napapababa naman ako.

Yung feeling na umaabante palang ako, pero napapaatras na ako.

Yung feeling na nasubo ko na pero, nailuluwa ko pa.

Yung feeling na konting tulak na lang at masasabi ko na sayong mahal kita, pero hindi ko magawa kasi nga naduduwag ako.

Ganyan lagi ang nararamdaman ko. Sa tuwing makita kita, marinig ko ang malaanghel na boses mo'y napapatahimik na ako. Ang duwag-duwag ko talaga. Kaya nga hindi ako umaabante diyan sa puso mo eh. Pero sana naman, regaluhan na ako ni Santa Claus ng sankatutak na "lakas ng loob", para naman masabi ko sa'yo na mahal kita. Mahal na mahal kita, Clarise Santos--ang AKING UNANG PAG-IBIG!

----------------------------------- 

 Simula nung araw na makuha ko ang number mo kay Cherrymae, kaibigan ko na naging kaklase mo nung high school, ay lagi na tayong nagtetext. Pero ewan ko ba? Bakit 'pag sa text ay close na close tayo, pero pagdating sa personal... ni hindi man lang kita makausap o matignan sa mga mata. Pero sana lang ay regaluhan na ako ni Santa Claus ng isang sako ng "lakas ng loob", para naman maamin ko na sa'yo na mahal kita. Kaya lang wala eh! Ilang pasko na ang dumaan, pero torpe pa rin ako. Ni hindi nga kita masyadong nakakausap sa school eh. Siguro, nakakausap lang kita yun ay kung ikaw mismo ang lumalapit sa akin upang kausapin ako. 

Naaalala mo pa ba nung araw na nilapitan mo ako matapos ang English class natin? 

"Jude, may partner ka na ba para dun sa activity na ibinigay ni Ma'am Reyes? Kung wala pa, gusto mo tayo na lang?"tanong mo pa sa akin.

Nung mga oras na 'yun, gustong-gusto ko talagang sabihin sa'yo na wala, wala pa akong partner. At oo, oo pumapayag akong makapares ka. Kaya lang, wala eh. Maski ang sagutin ka man lang ng wala at oo ay hindi ko magawa. Kasi nga natatameme ako kapagka ikaw na ang kausap ko.

"Jude, partner tayo ah."sigaw sa akin ni Karen. Kaya naman nang marinig mo iyon ay hindi mo na ako hinintay pang sumagot at agad ka na lamang yumuko at sinabihan ako ng,"May partner ka na pala. Sige, hahanap na lang ako ng iba." Matapos mong sabihin iyon ay iniwan mo na ako. Ni hindi ko man lang nasabi sa'yo na ikaw ang gusto kong makapares at hindi si Karen.

Naaalala mo rin ba yung araw na pina-assemble tayong lahat ng ating MAPEH teacher sa may auditorium, kasi ia-aanounce ni Ma'am kung sino-sino ang sasali sa play na "Romeo and Juliet"? Ikaw ang napili niya upang gumanap na Juliet. Kaya naman tinanong ka niya kung sino ba ang gusto mong gumanap na Romeo dahil siya mismo'y nahihrapan na pumili sa aming mga lalake kung sino ba ang gaganap na Romeo. Ang isinagot mo naman ay,

"Si Jude po yung gusto kong maging Romeo ko."

Gulat na gulat ako dun sa isinagot mo. Halos hindi ako makapaniwala. Syempre, sino ba naman ang mag-aakala na ako ang gusto mong maging Romeo mo. Sa dinami-rami ba naman ng mga kaklase nating lalake, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit ako? Bakit ako ang napili mo? Di mo lang alam kung gaano ako kasaya nung mga oras na yun. Kaya lang, nung tinanong ako ni Ma'am na," Jude, ayos lang ba na ikaw ang gumanap na Romeo?"

Dun ko lang din natanong sa sarili ko kung ayos lang nga ba? kaya ko nga ba? Eh ang titigan ka pa nga lang sa mga mata'y hindi ko na magawa. Paano pa kaya kung ang makausap ka ng matagal? Makasama ka ng matagal habang nagsasanay tayo? Edi masisira ang play kapagka nagkataon. At ayokong mangyari iyon! Dahil alam ko, simula pa nung 1st year high school tayo'y eto na ang matagal mong inaasam-asam. Kaya ayokong sirain ang isang bagay na matagal mo nang pinapangarap. Kaya naman, tinanggihan ko ang pagkakataon na iyon--- ang pagkakataong makasama ka, makausap ka ng matagal, at mahawakan ang kamay mo (dahil may part dun na kailangan nating mag-holding hands) kahit na labag iyon sa kalooban ko. At isa pa, masyado akong natotorpe. Kahit na alam kong acting lang ang paghahawak ko sa kamay mo, ang pagsasabi ko ng matatamis na mga salita sa'yo; pero sa tuwing iisipin ko na gagawin ko iyon sa'yo, na sasabihin ko iyon sa'yo ay natotorpe na ako.

Duwag na Pag-ibig (Entry to November's Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon