☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Its thursday, ngayon daw iaanouce nila Mrs. Alonzo na kay zies na yung school.
At ngayon ay free day. Wala kaming gagawin kundi Matulog at kumain. Bawal daw kasing Umuwi. Kaya tiis tiis.
Btw, nandito ako ngayon sa gate. Inaabangan ang Magaling na Bruha.
Ano bayan! 6:45 na. Halos bente minutos nakong naghihintay dito.
Tatlong minuto pa. Pag wala pa sya dito ,aalis nako.
2 minutes left.
Nakinig lang ako ng music.
Maya-maya ay nakita ko na ang kotse nya.
"Huhu best. Sorry Na traffic" sabi nya saken.
"Traffic ang alarm clock? Kung di lang gulo gulo yang buhok mo, papaniwalaan pa kita. Eh tignan mo halatang ,Hinahabol ka ng oras." Sabi ko.
"Eh? Sorry naman. Di ako ginising ng magaling kong kambal e." Sabi nya.
"Laki laki mo na pero ginigising kapa" sabi ko.
"As far as i know, Dalawang beses ka pa ginigising ng mga kapatid mo" pag paparinig nya
"Aish. Oo na, tara na may iaanounce pa sila mr. Alonzo" sabi ko.
Habang naglalakad kami sa corridor ,Nag dadaldal lang tong bruha nato.
"Grabe no? Third week na simula nung pasukan, parang kelan lang." Sabi nya.
Puro yeah lang ang sagot ko sakanya.
"Ewan ko sayo. Puro ka nalang yeah-yeah. Tara na nga ,baka nandyan na si maam francie" sabi nya.
Pumasok lang kami sa room, at umupo. Tulad nga ng sinabi nya, nandito na si maam francie.
Buti walang patakaran dito na, Bawal mag makeup ang mga bakla.
Kompleto kasi sya ng Make up, simula sa kilay hanggang sa jawline (naka concelear). Fair skin din ang meron sya.
"Okay class. If 8:30 na ,pumunta na kayo ng Gym. Ah? Pupunta lang ako sa faculty" sabi nya.
Nag babye lang kami sakanya. Here we go again, Tulog time. Diba nga? Wala kaking gagawin ngayon.
Yung iba, naglalandian, nagkwekeetuhan, nag ddrawing, nakikinig ng music, at natutulog.
Ang mga Pugo naman, ginagawang basketball ring ang basurahan. Mga isip bata -_-
Natulog lang ako, habang nakikinig ng music. Ba naman tumabi tong si tintin kay eri kaya ang ingay.
"Uy bes! Punta na daw tayong Gym" gising nya saken
Dumilat naman ako. Wala na yung mga classmates namin
"Nandun na sila?"tanong ko.
"Obvious ba? Heh. Malamang nandun na din si justin, hinanapan tayo ng upuan. Uy nakita mo ba yung transfereeng babae?" Tanobg nya saken.
"Ahh oo si jisela" sabi ko.
"Friend kayo? Selos nako" sabi nya.
"Wala ka dapat ipagselos, ikaw lang bestfriend ko. Wala ng iba. Tara na ,ang drama mo" sabi ko.
Tumawa lang kami.
Dumiretso din naman kami sa Gymnasium.
Hinagilap pa namin ang bakla.