Marahan kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko ang alarm ko. Inaabot ko ito sa katabing lamesa ko, ngunit hindi ko ito maabot. Napapikit nalang ako ng mata at gumapang na kaonti upang tuluyan ko ng mapatay ang alarm clock ko, na patuloy parin sa pag alarm.
"Ang aga-aga pa. Bakit kasi ang aga ng inalarm ko?"
Bago ko tuluyang maabot ang alarm clock ko ay nahulog ako sa kama ko.
"Araaayyy, ko naman. Kung minamalas ka nga naman oh"
kinusot ko ang kaliwang mata ko at napakamot nalang ako sa leeg ko.I was thinking one thing,Why did I alarm so early?
Nagising ang diwa ko na mag sink-in na first day of school pala ngayon.
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahilata ko sa sahig, dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at nagtungo na ako sa CR upang maligo.
Isang oras ang lumipas natapos na ako sa lahat ng ginawa ko. Sinukbit ko ang bag ko at nilocked ang pinto ng bahay.
Ang sakit ng katawan ko, bakit ba kasi hindi ko nalang ako nag alarm sa cellphone ko. Ilang bese na akong nahuhulog sa kama ko. Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi? E alam ko naman kasing may pasok ako ng umaga kinabukasan e, nakipag chikahan pa ako kay Mom. Kaya hindi ko namalayan na inumaga na pala kami sa pag chichikahan ni Mommy.
Namimiss ko na silang dalawa ni Dad, at si Kuya? namiss ko din siya kahit kaonti, kahit madalas man kaming aso't pusa sa bahay at kahit madalas akong ibully nun. Namimiss ko rin yung lalaking iyon, kahit papano.
I was separated with my family, mom and dad taught me na kailangan ko na daw masanay ng wala ang tulong nila. And I should be more responsible daw, because they are not around. Kahit mahirap na malayo ako sakanila, wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ito kahit labag sa loob kong tanggapin ito dahil nagawa na nila. Nag dodorm lang ako, at mag-isa lang ako doon. Wala pa kasing umuupa na iba kung hindi ako lang.
Ngayon simple lang buhay ko, dahil mag-isa lang ako. Pero okay lang naman sa akin yun, na mag-isa halos mag iisang taon narin kasi akong namumuhay na wala sila.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mga mata ko.
It's already 7:25 in the morning, I have 5 minutes more left bago ako malate. First day of school, tapos late na ako agad. Paano pa kaya sa susunod na mga araw?
Nasa hallway na ako ng building M at dalawang buiding pa ang dadaanan ko para makarating sa building namin.
Kaya nag umpisa na akong tumakbo, hindi ko napansin na meron palang tao na paparating sa harapan ko dahil naka tingin ako sa orasan ko.
*BOOGGSHHH*
Napahimas nalang ako sa puwetan ko sa lakas ng impact na nangyari sa amin, napaupo ako sa sahig. Napatingala nalang ako at napansin kong meron unti-unting nahuhulog na papel sa itaas ko.
Ow men! ang malas ko talaga ngayong araw.
Nahulog na nga ako sa higaan meron pa akong nabangga.
"Damn it! hindi kasi tumitingin sa dinadaanan" galit na sigaw niya, napaupo siya at pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig. Mabilis ko siyang tinulungan sa pagpupulot na ginagawa niya at inabot ko sakanya ang mga napulot kong papel.
Okay lang na magalit siya, dahil tama naman siya hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko.
"Sorry" ngumiti ako na tipid at nag peace sign pa ako sakanya.
Hindi ko masabi na gwapo siya o cute, dahil parang parehas silang nasa mukha niya. Gwapo na cute, hindi na masama.
"Sa susunod..." hindi niya na natuloy ang sinabi niya dahil kumaripas na ako ng takbo
BINABASA MO ANG
Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]
Teen FictionWhat if yung taong lagi nalang merong kalokohan at pang aasar na ginagawa sayo. E ayon pala yung hindi mo inaasahan na tao na magpapaibig sayo. Hindi mo napapansin na unti-unti ka na palang nahuhulog. Nahuhulog sa kinaiinisan mong lalaki. Paano mo p...