Chapter 13: Deal

3.8K 110 2
                                    

Zoey's POV

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, napaka tahimik nila maging si Alien tahimik din. Hindi ako sanay na hindi sila nag-iingay. Noon namang merong kumakanta sa harap, halos lahat sila nagdadaldalan tapos ngayon na ako na yung kakanta anyare sa ingay mga bebe? Dapat ngayon kayo nag-iingay para naman wala ng makinig sa akin.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Zoey, isipin mo lang silang tatlo. Isipin mong nandito sila sa loob ng kwartong ito, na kasama mo sila, na sila lang yung nakikinig at nanonood sayo.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, deretso lang ang tingin ko at nakatingin lang ako kay Alien. Sakanya ko kasi nakikita si Mom, oo mukha kasi siyang babae pero hindi sila magkatulad ni mommy, dahil si Mommy magandang nilalang at siya pangit na nilalang.

Itong kakantahin ko ito yung nagpapakita na kung ano talaga ako at ito rin ang kinanta noong unang beses akong kumanta sa harapan ng pamilya ko.

Kaya mo to Zoey, kayang kaya mo yan...

Sana..

Ano kayang ginagawa ni Alien? bakit ginulo niya yung buhok niya tapos meron pa siyang pailing-iling. Tsaka bakit kaya siya umiwas ng tingin sa akin? Hmmmm... Pero okay narin yun dahil hindi ako madidistract sa mukha niyang unggoy HAHAHAHA. Walang magpapatawa sa akin, dahil hindi nakatingin si unggoy, kahit naman hindi siya tumingin sa akin matatawa na agad ako sa mukha niya.

Zoey, conquered your fears okay? *tango*

"I've always been the kind of girl
That hid my face
So afraid to tell the world
What I've got to say
But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show
It's time to let you know
to let you know♪"

Sinubukan kong ilibot muli ang aking paningin ko sa paligid, ngunit wala akong makita.. Wala akong makita na reaksyon sa mga mukha nila, napaka blangko. Kaya tumigil na akong kumanta, hininto ko kasi baka pwede na yun. Tsaka bakit ko ipagpapatuloy kung wala naman akong makita sa mukha nilang kasiyahan diba?

Wala parin akong makitang reaksyon sa mga mukha nila, tinignan ko si Alien. Nakayuko lang, kung hindi naman siya yuyuko sa iba siya titingin. Haayyyyy ewan, ano ba tong ginagawa ko?

Tumingin ako kay sir solomon na kasalukuyan naman ding nakatingin sa akin at nakangiti ito.

"Just keep going" tumango nalang ako, kahit ayoko naman talagang ituloy.

Just keep going e sir wala naman pong reaksyon yung mga mukha niya... Pero nagpatuloy parin ako sa pagkanta ko.

"This is real
This is me
I'm exactly where I'm supposed to be now
Gonna let the light shine on me
Now I've found who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I wanna be
This is me ♪ "

Nakarinig ako ng bit na nanggagaling sa likod, bit ng ballpen na pinapatunog sa lamesa. Sigurado ako dun, dahil ganun din yung gawain ko kapag walang magawa, kapag trip-trip lang. Yung bit na ginagawa niya, ang angas dahil sumasabay siya sa bit ng pagkanta ko.

"Do you know what it's like
To feel so in the dark
To dream about a life
Where you're the shining star
Even though it seems
Like it's too far away
I have to believe in myself
It's the only ways ♪ "

Sino kaya yun? Inilibot ko sa paligid ang paningin ko, upang malaman kung sino yung gumagawa ng tunog na iyon. Hanggang sa nahuli ng mga mata ko ang nagbibit na yun, hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa nakikita ko. Si Alien pala yung nag bibit ng ballpen sa lamesa niya, ang galing.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon