Thursday
Maaga palang nasa school na agad ako, hindi ko alam pero parang may mali sa katawan ko. Nakakapagtaka nga bakit ang aga gumising ng katawang lupa ko, dapat nga tinatamad ako ngayon, ewan ko ba. Nakaupo lang ako sa sanga ng narra tree, sa may likod to ng school kaya pwedeng-pwede siyang lakarin, kung mayaman ka naman edi mag kotse kana lang. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakaakyat dito nuh? Simple lang naman yun hindi niyo naitatanong ninja kaya ako dati hehehehe, per biro lang yun natutunan kong umakyat ng puno dahil kay kaine. Unggoy kasi yung babaeng yun eh, hahahaha. Hindi na ako tumambay sa roof top dahil ang daming masasakit na alaala ang nangyari sa akin doon. OA overload nanaman ako hahaha.
Hindi ko alam pero parang tinatamad akong pumasok sa first subject ko ngayon. Haaayyy ano ba talagang nangyayari sa akin? Ang bipolar ko talaga ngayon, kanina lang hindi ako tinatamad ngayon naman tinatamad na ako.
Tumingala ako para makita ang langit, ngunit hindi langit ang nakikita ko kung hindi mga dahon ng puno ng narra. Hay ang epic talaga
Pinatong ko yung libro na binabasa ko sa mukha ko. Humugot ako sa bulsa ko dahil nararamdaman kong nag vivibrate ang phone ko. Sinagot ko ito at tinapat ko ito sa tainga ko kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.
"Moshi moshi?" (hello?)
Sino kaya itong tumawag?
"Hi Kyo, musta?" bati niya sa kabilang linya
Babae yung boses? Sino kaya to? Parang Familiar yung boses niya sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig yun.
"Okay lang ako, sino ka ba?" Sarcastic na tanong ko.
Ang tagal mag salita ah, nag-iisip ba siyang kung ano yung pangalan na gagamitin niya?
"Ibababa ko na to, hindi ka naman nagsasalita diyan e"
"Wait lang, Kyo hehehe"
Edi wow, ako nalang ba yung laging maghihintay? Haaayyy
"Sino ka ba kasi?" Tanong ko sakanya
"Hindi mo talaga nakikilala boses ko no? Hulaan mo dali"
Tsk! Wait mag-iisip muna ako, *TING* Hindi nga ang kulit nito oh...
"Hindi eh, tsaka hindi naman ako manghuhula para hulaan kung sino ka hahaha"
Tumatawa rin siya sa kabilang linya, hala nabaliw na ata. Gaya-gaya to ah...
"Grabe ka Kyo, manang-mana ka talaga sa kuya mong alak eh no?"
Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon, si kuya Ginebra ba tinutukoy niya? Oo malamang siya lang naman yung nag-iisa kong kuya na alak. Pero paano niya nakilala si kuya?
"Paanong-
"Si Ate Seffy to grabe ka Kyo, nakalimutan mo na agad ako? Hahaha"
Natanggal ko yung libro na nakalagay sa mukha ko ng marinig yun.
"Ate Se-seffy?"nauutal kong tanong
Yung ex-girlfriend ni Kuya? Waaaaaah! Kaya pala familiar yung boses niya siya pala si Ate Seffy!
"Yup, i'm sorry but I have to go Kyo. Hindi man lang tayo nagkausap ng matagal hahaha. See you soon kyo, bye"
"Ate seffy sandali!" Medyo napalakas yung pagkakasabi ko nun dahil nakita kong nagtitinginan sa akin yung mga taong dumadaan.
"What is it Kyo?"
"Kailan tayo magkikita?" Excited na tanong ko.
Namiss ko na siya, namiss ko ng sobra. Dahil sa bonding naming dalawa, mahilig din kasi siya sa sweets kagaya ko. Mahilig lang siya pero ako addicted na talaga. Tsaka sobrang bait niya talaga, yung tipong akala mo magkapatid na kayo sa sobra niyong close na dalawa. Naalala ko tuloy yung date nila ni Kuya, sa tuwing mag dadate kasi silang dalawa sinasama ako ni Ate Seffy sa date nilang dalawa hahaha. Asar na asar sa akin si Kuya Gin noon, dahil panira daw ako ng moment nilang dalawa. E anong magagawa ko e pinipilit akong isama ni Ate Seffy, yung feeling na hindi sila aalis hanggat hindi ako kasama.
BINABASA MO ANG
Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]
Fiksi RemajaWhat if yung taong lagi nalang merong kalokohan at pang aasar na ginagawa sayo. E ayon pala yung hindi mo inaasahan na tao na magpapaibig sayo. Hindi mo napapansin na unti-unti ka na palang nahuhulog. Nahuhulog sa kinaiinisan mong lalaki. Paano mo p...