Chapter 23: Movie

3.2K 98 0
                                    

Saturday

As usual nandito lang naman ako sa bahay. Pero hindi ko maalis sa isipan ko yung nangyari kahapon, nag stay pa kasi ako ng ilang oras pa kila Ryu, pero sila red hinatid naman ako nung kinagabihan na. Hindi maalis sa isipan ko yung pagyakap ni alien sa akin at pag-iyak niya dahil sa isang bata? Tapos nung nasa kwarto kami, nakapalibot kami nun sakanya nakakagulat kasi sa tuwing makakatulog yung batang ryu, bigla bigla nalang siyang iiyak, umiiyak siya habang tulog, which is meron siyang napapaniginipan kaya ganun siya?

Dapat gigisingin ko siya that time, kaso pinigilan lang ako ni Blaze dahil mas lalong lalala pa daw pag ginising ko siya. Mag-wawala daw siya kapag nagising, kaya hindi ko na ginising. Nakakaramdam nga ako ng awa kapag naririnig ko yung pag-iyak niya, alam mo yung pakiramdam na makarinig ka ng asong umiiyak? parang ganun yung nararamdaman ko kapag naririnig ko siya, hindi ko naman sinasabi na aso siya, sadyang nagsasabi lang talaga ako ng totoo hehehe.

Sa sobrang gusto kong malaman kung bakit siya nagkaka ganun ay kinulit ko silang tatlo na ikwento ang mga nangyari sakanya, at nagtagumpay naman ako sa ginawa ko hehehe. Ang kwento kasi sa nilang tatalo, ganyan daw siya kapag nagkakasasakit, kapag natutulog siya madalas meron siyang napapaginipan. Noong bata daw kasi sila, dahil sa kagagawan ni Ryu na pang-aasar merong na aksindente. Noon daw kasi sobrang bully ni Ryu noong bata siya, sa sobrang bully at haluan pa daw ng kakulitan, nasagasaan ang isang batang inaasar niya.

Tinanong ko kung anong nangyari doon sa batang ito, kaso napuputol yung usapan namin dahil sumisigaw si Ryu.. Sumisigaw siya ng pangalan.

Sa pagkakaalala ko ang pangalan na sinisigaw niya, C.... CK ata yun ...tama CK nga yun. Sa pagkakaalala rin nilang tatlo, CK daw yung pangalan ng batang naaksidente. Bumalik nalang kami sa pag-uusap namin ng kumalma na si Ryu. Ang sabi nila sa akin hindi na nila alam yung iba pang detalye ng pangyayari, lalong lalo na doon sa CK na sinasabi nilang bata.. Tsaka hindi narin na ikwento si Ryu sakanila yung mga sumunod na nangyari sa batang iyon. Sa tuwing ioopen nila yung topic nila yung topic na yun, mag wawalk out nalang daw si Ryu sakanila. Parang ayaw niyang pag-usapan yun.

Baka merong nangyari doon sa batang iyon, kaya hindi na nag kwekwento si Ryu sakanila.

Hindi kaya...

Umiling ako

"Lumabas ka diyan kyo!" napatayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

Sino naman kaya yun?

"Napapalibutan kana namin!"

Mukhang kilala ko na siya, haayys loko talaga itong mga ito.. Ano nanamn kayang problema nitong mga ito? tsaka ano kayang pinuntan nila dito?

Nagtungo ako sa pinto upang buksan ito.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sina Blaze at Red.

"Hello" "Hi" sabay nilang sabi at nakangiti pa sila sa akin.

"Bak-

Magtatanong sana ako kung bakit sila nandito sila, tsaka hindi ko pa sila pinapapasok sa loob ng bahay, tapos bigla-bigla nalang silang pumapasok.. Tsk! bastos talaga itong mga ito oh!

Tinanaw ko ang gate... Naka lock naman , paano kaya sila nakapasok dito? Omg! wag mong sabihin na mga akyat bahay pala itong mga ito?! Hmmm... sabagay mukha naman kasi silang akyat bahay e. At tuluyan ko ng sinara ang pinto.

Nakatingin lang ako sakanila, at napa mewang nalang ako sa nangyayari.

Si red, nakaupo sa may carpet at tinitignan yung notebook ko na nasa lamesa. At si Blaze feel at home naman. Nakahiga ba naman siya sa may sofa, at take note naka taas pa yung mga paa nito, naka medyas naman siya pero kahit na. Pero ang kapal parin talaga ng mukha niya.. Grabe talaga. Ito na nga ata yung sinasabi nilang True friends 'Sila yung feel at home kapag wala yung mga magulang mo.'

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon