Chapter 6

2.4K 18 0
                                    

"So Elmo, kamusta si Julie? Kamusta magaalaga sakanya? And her memory? Bumabalik na ba?"

Singit ni mom. Ramdam yata niya ang tension sa pagitan namin ni Julie

“Uh, not yet mom. Pero kaya ko naman magtiis”

"Yes mommy, bumabalik na." basag ni Julie sa kaniyang katahimikan

Nagulat ako. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Julie. Napatingin ako sa kaniya.

"Wha..what?! B..Bumalik na talaga ang ala-ala mo Mommy?” masayang tanong ni Elmo

Lahat sila ay nag-aantay sa sagot niya. Tinignan naman ako ng blangko ni Julie.

"Nagbibiro lang ako"

"Akala naman namin sis bumalik na. Na excite pa naman kami!" natatawang sabi ni Saab

Nakatingin pa din si Julie sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na ipinapakita niya

"Pero alam ko na ang dahilan ng pagkawala ko ng ala-ala" madiing sabi pa nito

"M..Mommy naman"

"What’s happening Mommy, Daddy?" tanong ni JM.

Papalit-palit lamang ang tingin sa amin si JM

“Wala anak. Continue your food” utos ni Julie kay JM

"Okay Mom"

"Sis, you said alam mo na ang dahilan kung bakit ka naaksidente. Mind telling us kung bakit?"

Nakatingin lamang ako sa kaniya. Nahawakan ko na ang kamay niya na kanina pa niya iniiwas. Ramdam ni Julie ang paghigpit ng hawak ko dito.

"Wagna po muna nating pag-usapan. Hindi pa ako handa"

Ramdam ng lahat ang pagiging akward ng paligid kaya binasag ito ni Mommy

"G..guys, let’s eat again"

Tahimik na kumakain ang lahat. Maya-maya pa ay tumayo na si Julie. Sinunod ko ang tingin ko sa kaniya

"Excuse me po. I’ll go upstairs. Thank you sa masarap na lunch"

"Teka anak, tapos ka na? Konti pa lang kinakain mo ah"

"I’m full na po Mommy Pia. Sige po"

Tuluyan ko ng nabitawan ang kamay ni Julie. Ilang buntyung hininga ba ang ginawa ko bago yumukod sa lamesa?

"Badtrip" bulong ko

"What was that Elmo Moses Magalona?!" sigaw sa akin ni Mom.

Hinarap ko silang lahat. Ang bigat sa dibdib. Shit!

“Baby, you’re done eating na?” tanong ko sa anak ko

"Yes daddy"

"Go and play with Tita Clara and Tito Arkin first. Please guys?"

Hinatak nila Clara si JM pataas ng kwarto. Kailangan kong makausap sila Mommy. Sasabog na ksai ang dibdib ko

"So. What was that?" tanong ni Frank sa akin pagkaalis ng dalawa

Huminga ako ng malalim bago magsalita

"Andito si Hazel kanina."

"Yea, pinapasok ko siya. Friend mo daw. Who’s she? Ano kinalaman niya dito?"

Dire-direchong tanong ni Maxx sa akin

"Uh, guys kasi.."

"Other woman mo?!" sigaw ni Saab

"No.. I..I met her when I was assigned sa Tarlac."

“Then?”

"O..One night… Nagkayayaan yung team to celebrate kasi succesful yung project"

"Ay nako naman Moe, paputul-putol"

"Ang hirap kasi…"

"Sige na son. Continue"

"Yun nga. Nagkainuman tapos nilasing nila ko and here comes Hazel"

"Wag mong sabihing…"

Pang ilang buntung hininga ko na ba ito?

“WHAT?!” sabay sabay na sabi nila

"Y..Yes. I had a One night stand with her tapos may nagvivideo pala sa amin. Pero swear, hindi ko sinasadya. I was so drunk. They all set me up"

Nagsimula ng mamuo ang luha ko. Hindi ko na mapiit. Dahil sa kagaguhan ko, galit si Julie sa akin.

"I..I can’t believe you did that Moe!" galit na sabi ni Frank sa akin

"I swear kuya, hindi ko ginusto yun"

"Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang galit si Julie sa iyo ngayon"

"I know"

Napatahimik ang lahat. Malalim ang iniisip. Ang tanga mo talaga Elmo!

"Paano nalaman yun ni Julie?"

"Someone sent her the video. Pagkatapos nun, bigla siyang umalis yun pala naaksidente na siya.."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Shit! Nakakabakla pero totoong umiiyak ako

“What else can I say? Hindi naman kasi simpleng kasalanan ang ginawa mo?”

"I..I know. Sobra kong pinagsisihan."

"Haaay. Son, wag mo ng uulitin yun ha? Alam kong maaayos din yan. Maaayos niyo din yan. Alam ko namang mahal ka ng asawa mo, papatawarin ka niya."

"Pero kasi mom, iba ngayon eh. May amnesia siya. Maaalala niya pa kaya kung gano niya ko kamahal kung yung kasalanan ko lang yung nalaman niya ngayon?"

"Yes son, she’ll understand you. Alam mo kung gaano kaunderstanding si Julie. Ang utak man niya nakalimot pero ang puso niya hindi, tandaan mo yan."

Tumayo na ako. Pupuntahan ko ang asawa ko. Kailangang maayos namin ito. Mahal ko siya. Mahal na mahal at ramdam ko naman na mahal niya rin ako

"Thanks mom. Guys salamat. Salamat talaga."

"Oh, sa tingin ko hinihintay ka na ng asawa mo. Kailangan niyo ng pag-usapan yan."

"Yes mom. Thanks again."

"Go Moses!!!"

Sabay sabay na sambit ng mga kapatid ko. Buti na lang nandyan sila to cheer me up

"M..mommy.."

Pagpasok ko ng kwarto nakita ko siyang naka dungaw sa bintana na tila ang lalim ng iniisip.

"Mommy, pansinin mo naman ako oh."

Di siya umiimik kaya sinubukan ko siyang yakapin mula sa likod

"Elmo ano ba."

"Anong ano ba? Sorry na kasi."

“Elmo stop.”

Sinubukan niyang kalasin ang pagkayakap ko sakanya pero di ako nagpapigil.

“Stop? Hell no. Di ako titigil hanggat di mo ko pinapansin, hanggat di mo tinatanggap ang sorry ko.”

Di niya talaga ko pinapansin. Anong klaseng puso ba meron to pusong bato? Pinaharap ko siya sakin. Hinawakan ko ang mga balikat niya

“Lahat gagawin ko. Kahit lumuhod ako sa harapan mo.”

At lumuhod nga ako

“E..Elmo tumayo ka nga diyan.”

"Patawarin mo muna ko."

Nakita ko, nag-iisip siya

“Oo na. Kaya tumayo ka na diyan.”

"T…Talaga?"

"Oo"

Tumayo na ako at niyakap siya.

“I love you Mommy. So much”

"Just promise me that she will not come between us"

"I promise Mommy"

"You’re forgiven Daddy"

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon