Nandito na naman ako sa isang tabi
hinihintay ang pagsapit ng gabi.
Umaasa na makakapiling kang muli
sa aking puso, nandirito ka palagi.
Naaalala ko pa ang mga lumipas,
masaya tayong magkasamang madalas.
Mga ngiti't halakhakan na ating dinanas
hindi iniinda ang paghinto ng oras.
Marami na rin tao0ng napagdaan,
kawalan, pagsubok at mga tagumpay..
lahat ng problema'y hinaharap ng sabay,
magkasama natin itong nilalampasan.
Kailanman hindi kita nakitang malungkot.
Puno ng buhay sa mundong umiikot,
laging may saya sayong mga mata
na parang walang hinaharap na problema.
Akala ko walang hanggang makakapiling ka..
Pero bakit isang araw lumapit ka
sa kin at sinabing mahina ka,
lumuluha at hindi mo na kaya.
Akala ko magiging ok ka na ulit
kasi marunong kang magadala, ngumiti ulit.
Mas malakas ka kaysa sakin, kaya mong harapin,
ang anumang pagsubok na sayo'y darating.
Ngunit isang araw, nagulat ako,
isang balitang nagpaluha sa mata ko.
Sabi ko wag kang susuko, pero bakit tuluyang nabigo.
Ang daya mo..
Biglang iniwan mo 'ko..
Nasan ka na? Pano na 'ko?
Mga salita mo lahat naglaho
isang alaalang itatanim sa puso..
Akala ko matatag ka..
Pero bakit ngayon sumuko ka?
Iniwan mo akong nag-iisa,
ngayon parang hindi ko na rin kaya... :(
.
.
.
Ngunit hindi ako susuko para sayo,
pipilitin kong mabuhay sa mundo.
Hirap ng buhay, sana'y kayanin ko...
Kahit sa mga sandaling ito'y...
.
.
.
...wala ka na sa piling ko..
:(
(salamat sa magbasa,
trip ko lang pong magdrama..hehe)
BINABASA MO ANG
Nandito na naman ako..
Short StorySi Janny, matalik k0ng kaibigan.. .lagi nya 'k0ng pinagtatanggol, at pinapalakas ang lo0b ko.. . .akala ko kaya na nyang dalhin lahat, un pala.. Mas kailangan nya ang Tulong ko. Sya ang may mga pangangailangan.. Na hindi ko namalayan... --LenLen