CHAPTER 46 [TEARS]

3.7K 81 11
                                    




"So anong balak mo?" tanong ni Mia habang umiinom ng juice. Pinapunta ko sya dito sa mansyon. Halos hindi rin sya makapaniwala na talagang tinupad ni Aki yung dream house ko.

Nagkibit balikat ako. "Yung totoo Mia? I have no any ideas.."

Tumayo ito at lumapit sa teresa. "Pero infairness talaga dyan kay Aaron Kim todo effort ha. What I mean is kahit niloko ka nya ay mali pala kahit niloko mo sya, he can still manage to do this." Sinamaan ko naman ito ng tingin. Oo, aminado ako niloko ko si Aki pero sya din naman!

"You're trying to say is?"

"What I'm trying to say, why don't you try it again? Diba sabi nila LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND?" then she winked.

Hinila ko naman ang buhok nito.

"Aray!"

"Alam mong hindi ganun kadali yun Mars.."

Umismid ito at sumandal patalikod sa teresa. "Alin ba ang hindi madali? Mahal mo sya, Mahal ka nya, may napakagandang anak kayo na nagmana sa Ninang nya. Ano pa ba?"

Umupo ako at uminom ng juice. I know it's easy. But I'm still worrying about Dylan. God knows how much I wanted him to stay to our side. Kung gaano ako nagpapasalamat na andyan sya para tulungan kami ni Bree. He's been a good friend and a father to Bree. If I could only teach my heart to love him, I already did. But I know that no matter how hard i tried, It's still Aki..

" Si Dylan.."

Umupo ito sa tabi ko. "Talk to him. You need proper closure kahit wala kayong naging label if ano ba talaga kayo, He still deserve to hear your explanations and.. "

Napatingin ako kay Mia..

"Let him go Yuri.. Kasi kung alam ni Brent na kaylangan mo pa din sya at nakikita nyang hindi ka masaya kay Aki alam mong hindi mapapakali yung tao. Don't show to him that you love him when apparently you can't stay with him.. Stop giving him a false hope.."

Napaiyak na ako. "I'm not.. I love Dylan.. "

" Oo mahal mo sya. Pero hindi ka inlove sa kanya. Know the difference Yuri.. Let him go. Wag mong itali yung buhay ni Brent sa inyo ni Bree.. He deserves to be happy.."


" Pero Mia.. I need him.. "


Tumayo ito. "Don't be a bitch Yuri! We both know that you don't need him! Don't be so selfish! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ni Brent! Hindi mo alam kasi sarili mo lang iniisip mo! I did try to understand you before, kasi akala ko makaka move on kana kay Aki kaya sinuportahan ko kayo.. pero ngayong alam kong si Aki pa din please naman Yuri.. Don't be so selfish.. "

Tinakpan ko ang ng aking dalawang palad ang aking mukha. At humagulgol ng iyak.


"Wag mong intaying silang dalawa ang mawala sa'yo at worst kasama pa si Bree.. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo Yuri. I'm doing this kasi I'm your best friend at nakikita kong mali na yung ginagawa mo. Ayokong magsisi ka sa huli. Let him go, and focus to Aki and Bree. Brent deserves to be happy. He deserves to be loved, at magagawa nya lang yun kapag pinakawalan mo sya Yuri.. "

Naramdaman ko na lamang na nakayakap na ito sa akin. Niyakap ko naman ng mahigpit si Mia. Tama sya, kaylangan na naming mag-usap ni Dylan.


"Thank you Mia.."

Kakausapin ko si Dylan upang humingi ng sorry. Nakokonsensya man ako sa nangyari dahil hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibinigay nya sakin. Mahalaga si Dy sa buhay ko, parte na sya nito pero hindi ko maiaalis sa aking puso na si Aki talaga ang tunay kong mahal.

I'M PREGNANT ! YOU IDIOT! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon