Jam's POV
Ang sarap talaga sa pakiramdam na, yung taong mahalaga sayo' kasama mo.
Tulad ngayon. Sana tuloy-tuloy na to'.
Pero alam ko naman na di yun mangyayari.
Kasi alam ko, pagka-labas namin dito, ang lahat, mag babalik nanaman sa dati.
Nakapikit padin ako. Kahit alam kong nagiging concious na ako, at gising na, ayokong mamulat. Baka kasi pag-gising ko, malaman kong, panaginip lang pala ang lahat.
Pero parang di ko mapigilan. Dala ng curiosity, gusto kong malaman kung talagang totoo yun lahat. Kung talaga bang nag-worry sakin si Jade, kung talaga bang natatandaan niya pa ang pagkakaibigan namin, kung talaga bang niyakap niya ako, kung talaga bang natutulog ako ngayon sa balikat niya.
Kung talaga bang tama yung narinig ko sakanya. Palagay ko kasi, dala lang ng ilusyon ko yung sinabi niya eh. Dala lang yun ng panghihina ko kaya kung ano-ano na naririnig ko.
Kaso, pag mulat ko,
Kwarto.
Nakahiga ako sa kama ko.
"Haaaaaaayssstt!!!!!!" Para akong nagwawala na bata. Dumadabog-dabog.
"Sinasabi ko na nga ba! Panaginip lang ang laha--- ARAAAAAAAAAYY!!!" Takte! Ang sakit nun! Bakit naman kasi may dextrose ako sa kamay?? Sino naman nag-lagay nito? Ang sakit!!!
"Nako Anak! Ano ba naman yan. Anong ginagawa mo??"
"Eeeh Ma! Bakit naman kasi to' nakatusok sa kamay ko! Alam mo naman na ayaw kong natutusok ng karayom eh, eto pa?! Huhuhu" Oo nga naman, bakit naman ka----si-
O__O
"Ay naku anak. Yan na ata ang epekto ng 1 week natutulog." 1 WEEK NATUTULOG???
"Oooh, Jami! Gising ka na! Uy Ate Marissa. Pinapagalitan mo nanaman anak mo. Tsktsk." Tita Yolie?
"Eh pano ginalaw-galaw yang nakatusok na yan tamo, dumudugo oh." Tapos hinawakan ni Mama yung kamay kong may dextrose. Araaaay naman! Mama aaah. Ang lambing mo po. -__-
"Tsk. Ayyy, nako. Imbes na matuwa ka nalang na gising na ang anak mo. Ohh, Jami. Ayos ka na? Ano may masakit sayo'?" Si Tita Yolie, kapatid na bunso ni Mama na Psychiatrist. And usaully pumupunta lang dito kapag may okasyon and may emergency like, ----teka? Sino baliw??
"Alam ko yang expression na yan. Haha. Di ka padin nagbabago Jami. Kaw kasi ayaw mong magising. Kaya inabot 1 week. Haha." 1 week? Ayaw magising? Ibig sabihin hindi ako gising? Ibig sabihin tulog ako? Ay oo Jameil. Ang tanga. >__<
"Haha. Sige explain ko sayo' ahhh." Pakatapos lumapit sakin si Tita at umopo sa kama ko.
"Ay nako Yolie, baka abutin ka pang another week para iexplain sakanya. Sige na. Mag-aayos lang ako sa kusina." Mama kahit kailan ka talaga.
"Haha. Naku talaga ang Mama mo. Mahal kang masyado. Anyway. The next time, wag kang matutulog mag-isa sa kulong na lugar okay? Nakakalimutan mo na ba ang kalagayan mo? Masyado mo tinakot sarili mo." Matutulog?? Mag-isa?? Sa kulong?? Na lugar?? Okay?? OKAY! Ulitin ba ang sinabi ni Tita. -__- Pero, ano daw????
"Ooooh, di mo nanaman naiintindihan." Ay naku talaga Tita. Lahat na ata ng nasa isip ko, alam mo. Oo na. Ikaw ng nakakaintindi at nakakabasa ng iniisip! -__-
"Alam mo, di naman talaga ako nakakapag-basa ng iniisip. Nababase ang iniisip sa reaction o facial expression ng tao. Ganun lang yun." Oo na. Di NGA po kayo nakaka-basa ng isip. -__-
![](https://img.wattpad.com/cover/1991512-288-k978559.jpg)
BINABASA MO ANG
Paano ma-in-LOVE ang isang NBSB?
Novela JuvenilWhat is the reason behind why some girls have no NO BOYFRIEND SINCE BIRTH? a.) pinagbabawalan ng parents? b.) Busy sa studies? c.) Afraid to love? What if the answer is none of these choices? Ano pa ba pwedeng maging reason? Does a certified NB...