[1st Chap] First Day High \(^_^)/

1.2K 15 4
                                    

"Ne! bangon na!"

-,-

"Ne ano ba malilate ka na bat di ka pa jan bumangon?!"

?.?

"Oy anu!? May balak ka pa bang gumising!?? MALILATE KA NA huy!" sabay yugyug sa paa ko.

"Maaaa... iiiee. Pagod pa ko. Sarap pa ng panaginip ko eh."

"Ahhh panaginip. Eh kong bangungutin ka nalang kaya para mag-effort kang gumising! Bangon na at malilate ka na! kung hindi bahala ka di na kita sasamahan sa bago mong school!"

o.O

O.O

Oo nga pala!! First day of school ngayon!

Nananaginip lang pala ako. Akala ko kasi nasa school nako eh. Ait. May nakita daw kasi akong lalaking gwapo, tinulungan daw ako at....Waaaaaaaahhh!! Masyado akong naexcite kagabi kaya di ako nakatulog kaagad. Iniisip ko kasi kung anong mangyayari sakin kinabukasan. Pagod pa't kakagaling ko lang ng Manila dahil nag bakasyon. Bumangon na ako ng bigla kong naalala.


"Maaaa! Anung oras na ba?????"

"6:30 na! Bata ka! Wag naaaaaa...ipanaginip mo nalang na nag-aaral ka na. tignan lang natin kung maka-graduate ka"

"Eiiiihhh. Mama naman. Ba't di mo agad sinabi sakin."

Tumakbo agad ako sa CR para maligo...nang matapos nako, Sucks! "Maaaa. Paabot ng twalya!" iniabot ni Mama yung twalya sa pintuan

"Jusko batang ito. Ang laki mo na hanggang ngayon nakakalimutan mo pa din ang towel mo. Pano kung wala ako, lalabas ka ng nakahubad? Tss."


Hello. May misa? Hay nako si Mama. Kaaga-aga sermon agad. Tinalo pa ang Pare. Maaa. Ayokong ma-BV noh. Baka mamaya niyan papasok akong nakasimangot. Makikita nila tuloy niyan kung gano ako kapanget kapag badtrip. -_-

Pumasok na ko ng kwarto para mag-bihis. Buti nalang nakahanda na lahat ng gamit ko—bagong sapatos, bag na may lamang bagong notebook, 1 pad na ¼, ½ at 1 whole na papel, bagong ballpen and syempre di pwedeng mawala yung ballpen ko with heart design sa dulo, ang cute nga nun eh ^_^ parang bata eh noh? :D... pati kung anung susuotin ko. Wala pa kasi akong uniform eh. Hindi naman siguro halata na excited ako eh noh?

Pumunta na kami ng Mama ko sa South Ville National High School kung saan ako mag-aaral. Public school lang naman siya pero sikat and wala namang problema kung public school diba? Pati, nandito karamihan ang friends and ex-classmates ko kaya dito ko pinag-pilitan mag-aral kahit na dun ako sa Manila pinapag-aral nina Mama.. Opo. High School nako at ngayon ang araw nang pasokan namin. Aist. Mamimiss ko din ang pagiging elementary pati yung mga classmates ko. Yung kulitan namin noon, yung ingay pati pag lalaro. Magiging classmate ko pa kaya sila? Magagawa pa ba naming mag laro o mag kulitan? OK ako na ang Childish. >.<  

Pero nakakakaba. Sino naman kaya makakasama ko ngayong taon? Halos halo-halo na rin galing sa iba't –ibang schools makakasama ko kaya karamihan siguro, di ko kilala. Waah di ako sanay. Sana may kakilala ako. Yung best friend ko, haiyy.... sana classmate ko parin siya. 

Kinakabahan  talaga ako. High School? Karamihan na kakilala ko nag ku-kwento sakin tungkol sa HS life nila. Masaya daw. Most memorable stage in life daw ang HS. Jan ko daw mararanasan lahat. Barkada, school works and activities, and even.. LOVE LIFE? Naexcite tuloy ako. Naisip ko yung mga napapanuod ko sa TV. Gosh!! Naiimagine ko palang kinikilig nako! Maexperience ko din kaya ang ganun? Ako kaya mag-eenjoy din? Sana. Uhmm. May mga gwapo din kaya dun? ^_^ Wahahaha!

Paano ma-in-LOVE ang isang NBSB?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon