[7th Chap] Ikaw Lamang...

246 10 0
                                    

Nandito kami sa school. Marami ng estudyante. Halos nag sasayawan na ang lahat.

Katabi ko si Bessy at si Franz. Nag-uusap-usap kami ng kung anu-ano. Ngayon ko lang napansin, marami din palang mga cute guys dito sa campus. Pero teka, alam ko naman to ah. ngayon ko lang talaga napansin.

Kasama na dun yung gropo nina MOO na Cutie Cubers. Halos lahat naman ata na 1-A kasi nag sama-sama ang mga cuties ng Schools namin dati. Pati sa other year level. Nandiyan na ang gropo ni kOya Epic Fail eh. Syeaht. Parang mga anghel lang! Pati siya.. woooahh Kambal pala sila? As in kamukha?? Huwaaaw.

Enjoy din naman kahit papano. lalo na't pumunta dito si MOO. May pagka KJ din pala ito. Nag sasayawan na lahat ng barkada niya habang siya, nanunuod lang sa gilid. Nakaupo. Tss. Di ba siya naboboring? Hmm. Samahan ko kaya? :D 

Tamang-tama may sabay na nagyaya kina Bessy and Franz na sumayaw…...ng sweet dance? Di ko napansin love song na pala ang tugtog. Bessy w/ his Leinard and Franz w/ kOya Epic Fail? Woooah. Magkakilala na sila? Anlabo. Pano nangyari yun? Buti pa sila….

Ako kaya? Kelan kaya ako yayayain ni MOO sumayaw? Kailan kaya magkakatotoo yung panaginip ko kanina?

Haaaay nako. Eto ako ngayon. Mag-isa sa upuan namin. Hmm, ano puntahan ko na kaya siya? Natatakot ako, baka di niya ako kausapin. Hmmmm. Alam ko na! Yayain ko kayang sumayaw ng sweet? Haha de, joke lang. Di pa naman ako ganun kadespirada para ibaba ko ang sarili ko sakanya noh.

Hmmm. Ano ba? Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya diba? Sasamahan ko pa nga siya eh.

Hmf. Sige na nga. Pupuntahan ko na.

Lilingunin ko na siya. Lungkot ko pagtingin ko, wala na siya sa inuupuan niya. Mejo malapit lang naman ang upuan namin ehh. Haayy, san kaya siya nag-punta?

Baka may niyaya na siyang iba. Haaayyy. Sino naman kaya? Swerte niya kung sino man siya. Buti pa siya, sakanya nangyari ang panaginip ko.

Sana sakin nalang.

 "Eheeemm, may hinahanap ka?"

"Ay kabayong walang paa!!!"

“HAHA. Nakakatuwa ka naman.”

Totoo ba to'ng nakikita ko? Si MOO? Katabi ko sa may Left ko? Di ko siya napansin na pumunta dito ah. Sa may Right kasi ako tumingin para tignan siya.

"Ah-eh, aaa-anong ginagawa mo dito?" Napansin niya kaya na hinahanap ko siya sa inuupuan niya?

"Gusto sana kitang makausap. Siguro, napapansin mo na di kita masyadong kinakausap o pinapansin man lang. Sorry. Nahihiya lang ako sayo'."

"Ha--aa?? Ba-ba-bakit? Bakit ka nahihiya??"

Bigla-bigla nalang nagpalit yung tugtog ng pagsu-sweet. Pinatugtog ang ‘Ikaw Lamang’ ng Silent Sanctuary.

♫Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso.

Tuwing magkahawak ang ating kamay..♪

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay…..???

ANO TO'????

♫Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Hiniling bawat oras kapiling ka♪

Oo MOO lagi kong hinihiling na bawat oras, na bawat minuto, na bawat segundo, sana kasama kita.

Pero hindi ko maintindihan. bakit niya hinahawakan kamay ko???? 

♫Sa lahat, ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang na sa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay

Kahit kalian paman♪

Paano ma-in-LOVE ang isang NBSB?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon