"Grabe, ang ganda," puri ni Harmy.
She really loves luxurious and expensive things. Meanwhile, Mags was looking at me intently. Parang tinitimbang niya kung anong nararamdaman ko.
"Ano 'yon?" usisa ko.
"'Wag ka magdadala ng lalaki rito, ah!"
Napahagalpak kami ng tawa dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Grabe, ang lakas ng tama nito.
"Ang funny mo, Mags," Harmy said in between her laughs. "Alam mo namang takot sa lalaki si Ada, eh."
"Takot o galit?"
Harmy snickered. "Both, Mags."
"Manahimik nga kayo," saway ko. "Kain tayo? Libre ko."
"Next time na lang ako, Ada. May family dinner kami," sabi ni Mags.
Sabay kaming tumingin kay Harmy na umiiling. "Oh, can't. I have a go-see, eh. Actually, I need to go na bago pa ako ma-late."
Tumango na lang ako. Hinatid ko sila hanggang sa parking. May kaniya-kaniya kaming buhay. Hindi lang ito umiikot sa university, sorority at friendship namin.
"Bye," paalam ko. "Ingat sa biyahe."
"Ikaw ang mag-ingat."
"Take care, Ada."
Saka lang ako nakapagpahinga nang wala na sila. Iniisip ko pa lang ang bukas, nae-excite na ako! Pakiramdam ko malayo ako sa mga matang mapanghusga.
Maaga akong natulog at hindi na nag-abala pang kumain. Mabilis na nasanay ang katawan ko sa kama. Siguro dahil sa pinaghalong saya at pagod.
Kinabukasan, sa isang coffee shop na lang ako nag-agahan. Wala pa kasi akong stock ng pagkain sa pad. Pagkatapos ay sumabit ako sa pinakamalapit na supermarket para mamili. Wala rin naman akong pasok ngayon kaya ayos lang. Gusto ko naman talagang maranasang kumilos nang mag-isa. Not that I was sheltered my whole life. Never.
Chocolates
Milks
Soda
Chips
Cookies
Biscuits
Canned goods
Noodles
Condiments
Bread
Spreads
I was trailing my fingers on the goods when I bumped onto someone. I was about to apolize, pero nagdilim ang paningin ko sa nakita.
"Unhealthy eater," he murmured.
"Ano?"
"Sabi ko, puro unhealthy kinakain mo."
"... paki ko," dugtong ko pa, trying to tease him.
I left him with his brows up. Nagpatuloy ako sa paglilibot. Kumuha pa ako ng extra basket para sa iba pang bibilhin gaya ng panlaba at kung anu-ano pa. Huli kong pinuntahan ang mga karne, prutas at gulay. Naglagay din ako ng mga processed foods at itlog para naman hindi ako gutumin kapag nagmamadali.
"Ma'am—"
"Here," putol ko sabay abot ng card ni daddy.
Pera lang talaga ang namamagitan sa amin ng mga magulang ko. Nas-stress lang ako kapag naiisip kong may magulang ako.
Sinamahan ako ng isang staff papuntang parking. Sa dami ng pinamili ko, hindi ko kayang buhatin lahat iyon. Binuksan ko ang compartment para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Silhouette of Madness
ActionBad Girls Series #1 Fierce. Strong. Brave. An independent woman who has nothing, but a big heart. Payapang buhay ang hiniling, ngunit bagyo ng problema ang dumating. Hanggang kailan niya kayang lumaban para sa sarili?