CHAPTER 02

105 19 5
                                    

Sabay kaming tatlo na pumasok kinabukasan. Usually, naghihintayan lang kami sa kung saan, pero ngayon ay magkakasama kaming naglalakad sa corridor.

"Bakit ba tingin nang tingin ang mga tao?" iritadong tanong ni Lyra.

"Baka ngayon lang tayo nakitang sabay pumasok?"

"'Wag niyo na pansinin." Umirap na lang ako sa mga matang nadaanan ko. "So weird..."

"Grabe, pinagpalit talaga ni Klein si Sofia sa babaeng 'yan?"

"Mas maganda naman si Sofia diyan, mas maputi pa."

"Yes, galing pa sa bigating pamilya."

"Totoo talagang pinagpalit ni Klein si Sofia para sa oportunistang 'yan?"

"Ginayuma siguro ni Ada. Landi pala niyan."

Sa sobrang dami naming narinig, pangalan ko lang yata ang naintindihan ko. Ano raw? Anong pinagpalit?

Huminto ako nang bumalik si Magi. Katapat niya ngayon ang babaeng nagbanggit ng pangalan ko kanina.

"Anong sabi mo?" mahinang tanong nito.

Bahagyang namula ang pisngi ng babae. Siguro freshman lang siya, dahil sa uri ng pananamit niya. At hindi niya kami kilala, kaya ganiyan magsalita.

"Hoy, anong sabi mo?" ulit nito.

Kung kanina'y mahina, ngayon ay lumakas na nang bahagya ang boses niya.

Agad naman siyang inawat ni Harmy, samantalang ako, nanatili lang kung saan kami huminto.

"B-break na si Sofia at Klein, dahil kay Ada. S-she flirted hi—"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Napangisi ako sa tapang niya. Hindi ba siya natatakot sa makapal na eyeliner ni Magi?

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?!"

Mags has the kindest heart. Among us, siya ang may pinakamaamong mukha at mabangong ugali.

"Mags, let's go—"

"Hindi, Harmy!" pigil niya. "Nananahimik si Ada tapos ganito!"

"Mags," I called. "Let it slip. Tara na."

"Oh, 'di ba? Hindi niya tinanggi kasi totoo!" sigaw ng babae.

Sa sobrang gigil ni Harmy, pinukpok niya ng pink niyang tumbler ang babae. Natawa na lang ako. Akala ko pa naman siya ang aawat. Walang hiya!

"Shut your mouth, bruha ka! Or you want me to drag you out?" gigil na sabi nito habang hinahatak ang buhok ng babae.

Ako na lang mismo ang umawat, dahil baka makarating na ito sa Prefect of Discipline. Kung sakali, baka ito pa ang unang beses na makikipag-pisikalan ang dalawang ito sa loob ng campus. Hindi namin ugaling manakit sa ng inosente sa loob ng school. Lalo na kung walang kinalaman sa soro.

"Halika na!" awat ko.

Hinatak ko silang dalawa. Kaso hindi pa kami nakakalayo, may bumato sa akin ng isang matigas na bagay sa likod. Sa sobrang gulat, napahinto ako sa paghatak. Who the hell did that?!

"Sino 'yon?" tanong ko saka dahan-dahang lumingon. "Sino?!" inis na tanong ko nang walang sumagot.

Tinuro nila ang babaeng may makapal na salamin at naka-ponytail. Nagawa pa nitong ngumisi sa akin. Para sa isang nerd, ang lakas ng loob niyang sumawsaw.

Pinulot ko ang makapal na libro saka binuklat. "Oh, accountancy student?"

Unti-unti kong tinawid ang distansya namin. Pirmi siyang nakatayo at nakapamaywang pa. Ang kapal ng mukha nito. Saan siya humuhugot ng lakas ng loob?

The Silhouette of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon