CHAPTER 06

43 14 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may narinig kaming wangwang. Mukhang nandito na ang mga parak. Medyo late na nga sila, to be honest.

"Where's Magi?" Harmy asked.

I shrugged. "I don't know? Kayo ang magkasama."

Sumisibat na ang mga tao. Nakisabay kami ni Harmy sa pagtakbo nila.

"What? That was an hour ago pa!" she said. "OMG—"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang may tumutok na flashlight banda sa amin. I motioned her quiet. Nakatago kami sa malaking puno. Imbes na kasi dumaan kami sa main entrance, pumasok kami sa bukid para makapagtago. Malaki ang chance na makasalubong namin ang mga pulis kapag doon pa kami dumaan.

"Maghiwalay tayo. Doon ka, dito ako," rinig naming sabi ng pulis.

I almost had a heart attack when one of them went near to us. Para bang kaunting kaluskos lang ay mahuhuli kami. Kaya ramdam ko ang ginhawa noong umalis na siya.

I huffed. "Kailangan na nating umalis dito."

"What about, Magi?"

"Kaya niya ang sarili niya." I tapped her shouder to assure her, kahit sa totoo lang, kinakabahan na talaga 'ko.

Mabagal ang usad namin. Bukod sa madilim, sinisikap din naming maglakad nang tahimik. Tanging ingay ng mga uwak pati mga tuyong dahon lang ang maririnig. Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko nang makarating kami sa kalsada.

"OMG! Are we lost, Ada?" impit na tili ni Harmy.

I answered her cluelessly, "I don't know."

Ilang minuto pa ay may humintong sasakyan sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Harmy. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita namin si Mags.

"Girls, hurry up!"

"Mags, where did—"

"Sakay na! Bilis!"

There, we saw a police mobile coming on our way. Kumaripas kami nang takbo sa sasakyan at saka pumasok sa back seat. Mabilis na humarurot ang sports car ni Magi.

"Mags, where did you go?!" Harmy histerically asked. "If you got caught—"

"Shut up! I'm driving!"

Inis na binagsak ni Harmy ang katawan niya sa upuan. Nakasunod pa rin ang pulis sa amin. Dahil nga one way lang ang lugar, sobrang delikado. Sana lang ay walang sumalubong sa amin.

Tahimik lang kaming tatlo, pero halatang tensed ang bawat isa. Mukhang naaasar na rin si Magi. Ilang minuto na kaming nakikipaghabulan sa mga pulis, pero hindi pa rin sila tumitigil.

"Humawak kayo."

Bago pa kami makapag-react, binilisan niya ang pagpapatakbo. Halos maiwan ang kaluluwa ko sa daan.

"Magestyyy! Humanda ka mamayaaa!" matinis na sigaw ni Harmy.

Pero si Magi, tumawa lang. "I have no choice!" natatawang sigaw niya. "Kailangan nating makatakas!"

Nang makarating kami sa main road, mabilis siyang humalo sa mga sasakyan. Naging banayad na muli ang pagpapatakbo niya.

"What the hell?! You, witch! Nagmamaneho ka nang super fast!" sigaw ni Harmy, the conyo.

Lumingon ako sa likuran at nakitang wala na ang police mobile. Nice! Hindi ko alam kung matatawa ako kay Harmy or what.

"Oras na para sa interogation," umpisa ko. "Saan ka galing?"

"Bago lang 'tong car ko. Sa tingin niyo, papabayaan ko 'to?"

"You should've told us, Mags!"

"I'm fine!"

The Silhouette of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon