Mukhang nagulat ang mga tao sa pagdating ko, ngunit nagawa pa rin jilang ngumiti. Hindi ko sila masisisi sa tagal kong 'di bumalik.
"Long time no see, Miss Ada," bati ng Range Security Officer pagdating ko.
Tumango lang ako at saka dumiretso sa loob ng range. Kilala na ako ng mga tao rito, dahil naging madalas ako rito noon. Natigil lang noong nalaman ni daddy.
Isa-isa kong ihinanda ang mga gagamitin. Nang matapos, I walked towards the table, sporting my white cargo pants and sports bra.
It feels nice to be back! Ilang buwan akong hindi naparito. Sinunod ko ang gusto ni daddy, dahil ayaw ko na lagi niyang binubulabog ang bahay.
Buti na lang at kabisado ko pa rin naman ang mga gagawin. Madalas akong manood ng action movies, kaya ultimo paraan nila ng paghawak ng baril, nais ko na ring gayahin.
Sinuot ko ang headset at eye protection saka huminga nang malalim. Inayos ko ang posture ko bago ikinasa ang baril.
I stood firm and raised my arms, kapantay ng braso ko. I pulled the trigger and a loud bang echoed. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa maubos ang bala. Napangiti ako sa resulta.
Ayos!
Tinanggal ko ang nakalagay sa aking tainga at mata. Doon ko narinig ang tatlong mabagal na palakpak, kaya napatingin ako.
Parang ang sarcastic!
"Ang galing mo talaga, Miss Ada. Wala pa ring kupas," sabi ng officer.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nanatili lang ang tingin ko sa taong pumalakpak. Hindi ko ine-expect na makikita ko siya rito. Sa dami ng shooting range sa Manila, dito pa talaga.
He smirked.
"That was great."
I rolled my eyes. Tinalikuran ko siya at tumungo sa bench para uminom ng tubig. Tanaw ko siya mula sa kinauupuan ko. Bawat galaw niya ay halatang kalkulado. Engineering student nga pala siya. Hindi na ako magtataka kung madurog ang gitna ng target.
Sunud-sunod ang putok na narinig ko. Halatang sanay na sanay siyang humawak ng baril. Bigla tuloy akong na-curious kung bakit siya nandito. Sinusundan niya ba 'ko?
"Grabe, Sir Percy! Ang lakas mo talaga!"
Matapos makipagbolahan sa officer, tinungo niya ang pwesto ko. May kakaibang hangin talaga ang isang ito. Kung maglakad, animo'y kaniya ang daan.
Mabilis akong umiwas ng tingin. Akala ko talaga makakapag-unwind ako. Gusto ko ng tahimik na lugar, ngunit mukhang 'di iyon mangyayari dahil sa kutong-lupa na 'to.
"Penny for your thoughts?"
Nanatili akong tahimik. Sana alam niyang ayaw kong nandito siya. Sana umalis na siya.
"Let's have a deal," he said.
Ano raw?
"I know you're here for a reason."
Matalim ko siyang tinitigan, pero parang wala siyang pakialam. Nanatili ang blangkong ekspresyon sa mukha niya. Kung ibang lalaki ang tititigan ko, sigurado akong maiilang sila. He must be a steel!
"Hoy, sinusundan mo ba 'ko?"
He smirked again.
"Kapag nanalo ka, I'll do whatever you want. Kapag nanalo ako, you'll do whatever I want."
This Percy guy is insane! Ang kapal ng mukha niya.
"Sure," I replied.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ipinaubaya ang buhay ko sa kaniya. Hays, bahala na nga. Sana hindi ako magsisi.
BINABASA MO ANG
The Silhouette of Madness
حركة (أكشن)Bad Girls Series #1 Fierce. Strong. Brave. An independent woman who has nothing, but a big heart. Payapang buhay ang hiniling, ngunit bagyo ng problema ang dumating. Hanggang kailan niya kayang lumaban para sa sarili?