"Nandito na tayo! Gumising ka na diyan!" rinig kong sigaw ng isang nakakairitang lalaki.
"Bakit ka galit?" namumungay kong tanong.
Nakasimangot itong dumungaw sa bintana ng sasakyan niya. Mukha siyang model kapag hinahangin ang buhok niya. Ang gwapo rin ng isang ito kaso...
"Kanina pa kita ginigising. Palubog na ang araw, tulog ka pa," inis na sabi nito saka tumalikod.
Padabog kong binuksan ang pinto at medyo natamaan siya nang kaunti.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kung makatingin, akala mo nanlalait, e. Wala naman siyang masasabi sa 'kin, dahil gifted naman ako physically and intellectually.
"Tinitingin-tingin mo diyan?" maangas kong tanong.
"Gusto mo?" alok nito sa bitbit niyang Tanduay Ice. "Luh, asa ka!"
Nagkatitigan kami saglit at sabay na natawa. Para kaming tanga rito. Ang bilis pa mag-shift ng mood niya. Kanina lang ang ang sungit niya.
"May mini-cooler ka sa compartment?"
"Yeah, for emergency purposes."
Natawa akong muli sa emergency purposes at tinanggap ko ang inabot niyang bote.
Ano 'yon? Para sa biglaang inom?
"Cheers."
Inuntog ko ang hawak kong bote sa inumin niya, saka humarap sa palubog nang araw. Ngayon ko lang napansing nasa cliff kami. Ang sarap ng haplos ng araw sa aking mukha at ang paghampas ng mga alon sa bato. Napakasarap sa pandinig. Nakaka-relax at nakakaantok.
"Nasaan tayo?"
"Tagaytay."
Ang layo rin pala. Siguro napagod siya tapos natulog lang ako. Pero bakit naman ako mag-guilty? Siya kaya nag-aya!
"Ako na magd-drive pauwi," alok ko sabay subo ng takoyaki.
"Okay."
Napatingin ako sa kaniya nang nakanganga. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Ano?" tanong nito, nakataas pa ang kilay.
Napailing na lang ako. He is really unbelievable. Kung ibang lalaki 'to, malamang hindi papayag na ipag-drive sila ng babae. Kakaiba talaga ang nilalang na 'to.
"Ang dugyot mo," nandidiring sabi nito. "Bakit nakanganga ka pa rin?"
Marahan kong nginuya ang nasa bibig ko. Pinaypayan ko ang bibig ko. Parang may apoy sa loob.
Natatawa itong kumuha ng malamig na tubig saka iniabot sa akin. "Dahan-dahan kasi. Uso mangilatis bago sumubo."
Sakto namang umiinom ako ng tubig kaya nasamid ako. Nakisabay ako sa matutunog niyang tawa habang umuubo.
"Ano, buhay ka pa?" panunuya nito habang tinatapik ang likod ko.
Hinawi ko ang kamay niya. Ang bigat, e. Ang sakit niya tumapik.
"Bakal ba 'yang kamay mo?" I sarcastically asked.
"Napaso ka na, nasamid ka pa. May bitbit ka bang malas sa katawan?"
"Ang bastos mo kasi!" I spatted.
"Huh? Anong bastos?" kunwaring tanong nito.
Binatukan ko siya. Alam niya naman 'yon, e.
"Nagmamaang-maangan ka pa diyan! Subuan kita diyan nang malaman mo," banta ko. "Idadaan mo pa sa takoyaki 'yang jokes mo."
"Green-minded," bulong nito.
BINABASA MO ANG
The Silhouette of Madness
AcciónBad Girls Series #1 Fierce. Strong. Brave. An independent woman who has nothing, but a big heart. Payapang buhay ang hiniling, ngunit bagyo ng problema ang dumating. Hanggang kailan niya kayang lumaban para sa sarili?