Chapter 4

2.7K 116 2
                                    

How to Aim a Gun

• • •

3rd Person

   Hindi matanggal ang inis ni Loui kahit nakaalis na ang babaeng nagbigay sa kaniya ng stuffed toys kanina.

   Hindi naman talaga siya interesadong makakuha ng stuffed toy. It just... intrigued him. The mysterious girl in pigtails said it was an easy catch so he tried to follow her ways. Hindi niya lang ine-expect na maiinsulto siya ng gano'n sa huli.

   "What the hell man, natalo ka ng isang babaeng naka-pajama HAHAHA, crush ka 'nun 'no? Naks." Napalingon si Loui sa dalawang lalaking kadarating. Nanggaling sila sa basketball ring sa gilid ng arcade pero kahit malayo-layo 'yun ay mukhang napansin pa rin siya ng mga ito. He hissed.

   "Shut up Zad. And hands off, those are mine." Napataas ng kamay si Zaden na akma sanang kukuha ng isa. Ngumisi siya nang mapang-asar kay Loui na kunot ang noong nakatingin lang sa 'di kalayuan.

   "Chill man, isa lang naman hehe," katwiran ni Zaden.

   "Intindihin mo na lang Zadman HAHAHA, na-love at first sight eh. Yiiee kingina 'di na siya mamamatay na single!" Nag-high five sina Bleak at Zaden habang tinatawanan nang malakas si Loui na napa-facepalm na lang.

   "Tangina niyo," saad na lang ni Loui.

   "Ouch nagmura siya pare, ang lutong! 'Di na rin siya holy, hallelujah Loui."

   "Wala ka rin kasing girlfriend HAHA!"

    "Gago ka ah! Wala ka ring girlfriend!" At doon nag-away na naman ang dalawa kahit kanina lang ay magkakampi sila.

   Halos dumikit na sa mukha ni Loui ang dalawang kamay niya sa pagkakadiin n'on para sana mag-facepalm. Hiyang-hiya na nga siya dahil sa kanina, dumagdag pa ang mga maiingay na nasa tabi niya.

   Bakit ba ang sama-sama ng araw niya ngayon?

   "Hey twin fungus, I got a job for you!" Napatingin si Loui sa sumigaw at 'di maiwasang mapahinga ng maluwag. Sa wakas, ang kanina pa nila hinihintay ay dumating na; dahil hindi na alam ni Loui kung gaano pa katagal ang kakayanin niya sa pakikisama sa dalawang nasa tabi niya.

   "Eyy Boss! Kamusta ka?" bati ni Bleak sa kadarating—sina Ziccon at Xain na parehong madidilim ang mga aura; mas dumoble nga lang sa pagkaseryoso si Xain habang si Ziccon ay gano'n pa rin, mukhang makikipag-away.

   "We're going to kill some rats, but first—what the hell are these?!" Nanlaki ang mata ni Loui, nakalimutan niyang nakakalat pa pala sa lapag ang mga stuffed toys na binigay sa kaniya.

   "Galing sa manliligaw ni Loui boi lol," sagot ni Zaden

   "Just get a staff to pick it up," inis na saad ni Loui, hindi maalis sa mukha ang hiya.

"Sure Boss! HAHA kawawa ka naman eh." Napailing-iling lang si Loui pagkatapos ay sumulyap kay Xain na nasa likod niya.

   "You look like someone who's ready to bomb a whole building," komento ni Loui sa mukha ni Xain na sobrang dilim ang paningin. Hindi naman sumagot ang huli at ngpatuloy lang sa paglalabas ng masamang awra.

   "Atleast he's not in Zicco Mode, hahaha gets niyo? Zicco Mode." Agad siyang binatukan ni Ziccon na kanina lang ay nagsususmigaw.

   "Shut the hell up Bleak. This is a serious matter, those garbage Knuckles attacked my sister." Napanguso na lang si Bleak at hinimas ang batok niya.

   "Well, whoever left her somewhere sure is crazy," sarkastikong saad ni Loui.

   "That's the past, come on let's go!" Napailing-iling nalang si Loui sa naging reaksiyon ng kanilang leader at sumunod na lang dito. Natawa na lang din sina Bleak at Zyden habang tahimik na lang na sumunod si Xain na nandidilim pa rin ang paningin.

   Doon pumunta sila sa Parking Lot kung saan naroroon si Zyle na masarap na ang tulog, humihilik pa.

   Napansin ito ni Rayne na kinakalikot lang ang cellphone niya, nakita niya ang limang lalakeng nagtatawanan malapit doon. Hindi niya makita kung sino sila pero sa likod pa lang ng mga ito, alam niyang may gagawin na silang masama. Adik ba sila? Sa isip-isip ni Rayne.

   Nagkibit-balikat na lang si Rayne. Ano ba kasing pakialam niya? Ang ginagawa niya lang dito ay ang hintayin si Kuso, 'yun lang.

   Habang kinakalikot ang cellphone niya, biglang tumawag ang kanina pa niya hinihintay. Agad niya itong sinagot.

   "And where the hell are you?" inis na unang bungad ni Rayne.

   "Sorry 'san! Kasama ko si Master hehe. Gusto ka raw niyang makausap!" Agad nawala sa mood si Rayne at napatingin na lang sa labas kung saan may nakita siyang isang kotseng hindi maayos ang pagpapark. Mabagal itong gumagalaw at halos humarang na sa daraanan ng mga sasakyan.

   "Sabihin mo, ayoko siyang makausap. I don't want to see him either. Now get back here without him or I'll leave without you." Napakunot ng noo si Rayne nang unti-unting bumaba ang windshield nang hindi man lang ito nakakapagpark ng maayos.

   Still learning? Sa isip ni Rayne.

   "P-pero 'san—"

   "Fvck it! Bring Blood Moon with you and go home now!" Agad binaba ni Rayne ang tawag at napayuko para maiwasan ang bala.

   Her blood boiled like crazy. Pagkatapos marinig ang papaalis na kotse, agad siyang nag-seat belt at mahigpit na hinawakan ang manibrla. Agad niyang pinaandar ang kotse at hinabol ang sasakyang pawang hindi makapag-parking kanina. That freaking actor!

   She remembered that face, the same grin, the same bloody hand. The same person who brought her nightmares.

   Pagkalabas nila ng parking lot ng mall, para silang nasa isang race. Nanginginig sa inis si Rayne habang madiin ang pagkakaapak sa accelerator ng kotse niya. Madami na ring pumigil sa kanilang mga pulis pero walang nakaabot sa kanila.

   Hanggang sa mapunta sila malapit sa isang gubat, bigla nalang nawala ang  sasakyan. Ang itim na kotseng hinahabol niya kanina, bigla na lang nawala.

   Marahas na inapakan ni Rayne ang break ng sasakyan at bumaba. Kinuha niya ang palakol sa trunk ng kotse at sumugod agad sa gubat. Doon nakita niya ang isang lalakeng tumatakbo ng patalikod habang nakangisi.

   Hindi siya nag-aksaya ng panahon at binato ang palakol niya pero puno laman ang natamaan niya. Doon bigla na lang ding nawala ang hinahabol niya, walang man lang katunog-tunog.

   She cussed and just decided to go back. Nang makabalik siya sa sasakyan niya, biglang nagbeep ang phone niya.

: Damn that was crazy! :)
: Let's play again! Rayne!

   Now she's certain. She chased another of his ghosts again. Doon unti-unting nabuo ang inis niyang ekspresyon sa isang mapaglaro.

   Because she knows his message says  'Welcome back, you fvcking murderer.'

• • •

Nashde02

How to Aim a GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon