ZAMANTHA POV
"Let's start." sabi ko kay Tintin. Christian ang totoong pangalan niya pero simpre dahil bakla pangbabae ang mas pinili niyang itawag sa sarili niya at yun na nga ang Tintin.
Magaling siyang make up artist. Kilala siya dito. Isa siyang pilipino pero dito siya nagtratrabaho. Isa pa dito din kasi niya napatayo ang pinaka.una niyang salon.
"Ang ganda mo pa rin Ms. Zam." Papuri niya sa akin.
"Simpre naman" simple kong sagot at nginitian siya.
Umupo ako sa isang upuan na may malaking salamin sa harap. Wow. Ready ang lola niyo.
Pinatutuyo niya ngayon ang buhok ko.
"Siya na ba ang asawa mo Ms. Zam?"
Bigla niyang tanong.
"Hahaha. U knew me Tin. Hindi agad ako magpapatali."
"Ganun ba. Haha pero infairness Ms. Zam.. ang gwapo ang lalaki niyo!"
Hahaha. Bakla talaga.
"Simpre naman! Mataas ang standard ko Tin. Alam mo yan. Pihikan ako sa mga lalaki. Kakaiba talaga iyang si Hunter"
"Hunter ba ang pangalan niya? Pangalan pa lang nakaka.excite na! Hihihi"
"Hahahaha. Loka!"
Mga bakla talaga. Kung sinu sino lang ang crush. Talbugan pa ako sa dami eh. Pero sorry. Sa akin lang si Hunter.
Tapos na niyang ayusin ang buhok ko. Elegante ang pagkakaayos nito. Parang prinsesa. Una ay kinulot niya ito para makapal ang texture bago iniisa isa ang kulot na itali na nagmukhang malaking bun. Nilagyan din niya ng kunting buhok na kulot na nakalugay sa bawat side ng aking mukha.
"Now. Lets go on to the make up."
Lumagilid ako at humarap siya sa akin.
"Ano po bang gusto niyong aura Ms. Zam? Tsaka anong kulay ng damit ang susuotin mo?"
"It is black. Gusto ko yung nakaka.intimidate tapos matapang ang dating."
"Whooow. Thats exciting."
Halos tapos na kami nang lumabas si Hunter sa kwarto. Naka. 3 piece suit siya na kulay black din. Ang gwapo niya! Parang diyos na bumaba mula sa langit.
"Woooow. Ang gwapo ng boylet mo Ms. Zam" pabulong na tugon ni Tintin sa akin.
Napangiti naman ako dun.
Pumunta si Hunter sa likod ko at hinagod ang aking balikat.
"Hindi pa kayo tapos?" Tanong nito sa amin.
"Ayan! Tapos na po Mr. Hunter." Pacute na sagot ni Tintin.
"What do you think babe?" Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Goddess. Perfect babe!" Tugon nito.
"Hahaha. Salamat babe. Sige magbibihis muna ako."
Lumakad na ako papuntang kwarto para makabihis.
YOU ARE READING
A D D I C T I V E
RomanceShe's ALMOST perfect. Behind her beautiful face is a naughty hobbit. She's an ADDICT!