Kasalukuyang nasa university si Chesca kasama ang ilang kaibigan sa highschool para ayusin ang schedule niya at para na rin libutin ang bagong paaralan na papasukan niya. Sa laki ng university na 'yon, naisip ni Chesca na dapat kahit papaano ay alam na niya ang pasikot-sikot doon para na rin hindi siya maligaw sa mga unang araw niya bilang college student.
"Sobrang excited na ako sa college," tuwang tuwa na sabi ng isa sa mga kaibigan niya habang naglalakad sila papunta sa building ng college ng kaibigan na 'yon. "Feeling ko ang cool ng magiging college life natin. Mas konti na ang mga bawal."
"We're still minors though kaya marami pa rin tayong limitations," sagot naman ng isa pa.
"Oo nga pero mas libre na tayo maglakwatsya."
Sa halip na kumontra ay tumango sila sa sinabi ng kaibigan. Oo nga at menor de edad pa sila pero dahil nasa college na sila, kahit papaano ay mas magiging maluwag na ang magulang nila sa kanila. May mga vacant time na rin sila in between different subjects at pwedeng maging maaga pa ang uwian nila.
Yes, marami pa rin silang limitations pero mas marami na rin ang pwedeng gawin. Mas free na sila kumbaga.
"Speaking of lakwatsya..." Nginitian si Chesca ng isa sa mga kaibigan niya at itinaas at ibinaba pa ang kilay na para bang may naisip na magandang ideya. "Since medyo maaga pa naman, maglakwatsya naman tayo."
"Oo nga!" sigaw ng isa pa sa kanila. "Magiging busy na tayo sa college at magkakaroon na tayo ng new set of friends kaya sulitin na natin 'to."
Nagtanguan ang iba pang kaibigan ni Chesca at pumayag sa gusto ng kaibigan na magpuntang mall, manood ng sine at kumain para makapagbonding sila bago ulit magpasukan. Nang si Chesca na lang ang hindi sumasagot at pumapayag sa kanilang magkakaibigan ay tiningnan nila ito.
"Ikaw, Chesca? Tara na," pilit ng isa sa kaniya. Lumapit pa ito at kumapit sa braso niya.
Tiningnan ni Chesca ang orasan niya. Ala una na. Bahagyang napakunot ang noo nito at nag-isip kung sasama ba siya sa mga kaibigan o hindi. Kaya nang mapansin ng mga kaibigan niya na nag-aalinlangan siya ay biniro nila ito.
"Ang aga pa. Huwag mong sabihin na may curfew ka ng alas dos?"
Ngumisi si Chesca sa mga kaibigan at umiling, "Hindi lang ako sigurado. May usapan kasi kami nila mama at ni Carlo ng alas quatro. Bibili kasi kami ng supplies para sa darating na pasukan. Sinabihan ko rin si Carlo na tutulungan ko siya sa pagpili ng mga gamit niya."
"Alas quatro pa naman pala 'yon. Ang aga pa. Sa mall naman kayo bibili 'di ba? Kung gusto mo, doon ka na lang mismo makipagkita sa kanila."
Nang mapansin nila na nag-iisip pa rin si Chesca ay nagsalita ulit ang isa sa mga kaibigan niya, "Dali na, please. Minsan lang 'to. Noong highschool sobrang bihira naman tayo maglakwatsya na parang ganito."
Hmm. Pwede nga naman. Sabagay, isip ni Chesca. May punto ang kaibigan niya.
Pwedeng doon na lang sila magkita mismo sa mall ng mama at kapatid niya. Isa pa, noong highschool sila ay mas madalas siyang nasa bahay kapag may mga ganitong gala sila. Naisip niya na siguro nga dapat ay mas matuto na siyang lumabas labas kasama ang mga kaibigan sa halip na laging nakakulong lang sa bahay.
"Sige na nga. Sasama na ako," pagpayag niya dahilan para magsigawan ang mga kaibigan niya. "Magpapaalam lang ako kila mama. Baka mamaya akala nila sabay sabay kaming pupunta sa mall."
Matapos makapagtext ni Chesca sa mama niya ay hinila na siya ng mga kaibigan palabas ng university at papunta sa mall.
***
BINABASA MO ANG
One Thing Remains by iDangs
General FictionSabi nila hindi mo mapipili ang magiging kapatid mo pero pwede mong piliin ang magiging bestfriend mo. Sa kaso ni Chesca at Carlo, hindi nga nila piniling maging magkapatid pero pinili nilang maging bestfriend ang isa't isa. Sobrang close nilang dal...