"Goodluck, Ate Chesca. Kaya mo 'yan!"
Nilingon ni Chesca ang kapatid na si Carlo na ngayon ay nakangiti at kumakaway sa kaniya. Palabas na ang kapatid dahil bumusina na ang school service nito pero bumalik pa ulit para lang sabihin 'yon sa kaniya. Nginitian niya ang kapatid at kumaway.
"Goodluck din sa first day ng klase. Be a good boy," sabi pa nito na tinanguan naman ni Carlo.
Nang makatakbo na palabas ang kapatid ay nagpunta sa kwarto niya si Chesca at tiningnan ang damit pati na rin ang mga gamit sa school na nakapatong sa kama niya.
Huminga siya nang malalim at tinapik ang sarili.
"Kaya mo 'yan, Chesca. Normal lang ang kabahan."
Ilang oras makalipas umalis ng kapatid ay si Chesca naman ang pumasok sa university. Dahil sa nalibot na niya ito noon kasama ang ilang kaibigan, kahit papaano ay alam na niya ang kaniyang dinaraanan kaya hindi na siya masyadong nahirapan sa paghahanap ng room para sa first subject niya.
Sa una ay medyo nangangapa pa siya sa mga bagong kaklase, bagong eskwelahan, bagong pinag-aaralan, bagong prof at bagong buhay. Ngunit kahit na gano'n, nang matapos ang araw ay nakahanap naman siya ng mga bagong kaibigan.
Kaya nang makauwi siya ng araw na 'yon ay ikwinento niya ang mga bagong pangyayari tungkol sa araw niya sa kapatid na si Carlo.
Kabaliktaran naman ang nagyari kay Carlo. Wala masyadong bago kaya hindi na siya masyadong nangapa. Halos lahat gano'n lang din. Same classmates, same school, same environment. Same routine. 'Yung tipong magkwekwentuhan sila ng kapatid niya tungkol sa nangyari sa mga araw nila.
"Ate, paturo naman ng assignment ko. Wala pa kasi sina mama at papa," paglapit ni Carlo sa kapatid ilang linggo magbuhat nang magsimula ang pasukan. Dala-dala pa nito ang libro niya at ipinatong ito sa dining table kung nasaan nandoon si Chesca.
Huminto sa ginagawa si Chesca. "Patingin nga," sagot pa nito sa kapatid at kinuha ang libro. Binasa niya ito at pinag-aralan. Nang makuha na niya ang mga sagot ay pinalapit niya si Carlo. "Ganito..."
Tinuruan niya ang kapatid sa assignment nito. Sa una nga lang ay hindi agad ito maintindihan ni Carlo at medyo nalilito. Medyo nagtagal pa bago ito tuluyang naintindihan ng kapatid pero kahit na gano'n ay hindi nagalit o nainis si Chesca.
Kahit paulit-ulit siyang nagtuturo at paulit-ulit na nagkakamali si Carlo ay hindi siya nakaramdam ni katiting na inis. Naging mahaba ang pasensya niya kahit sa palagay niya ay madali lang ang tinuturo niya dahil alam niya na bata pa ang kapatid at marami pang hindi agad maintindihan.
Isang araw, nang makauwi si Chesca galing university ay inabutan niya si Carlo na umiiyak sa isang tabi. Nilapitan niya ito at kinalabit.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa 'yo?" tanong pa niya.
Tiningnan siya ng kapatid at pinunasan ang luha nito. "Pinagalitan ako ni mama at papa," sumbong niya.
Kumunot ang noo ni Chesca at umupo sa tabi ng kapatid. "Bakit? Anong nangyari?" tanong pa nito sa kaniya.
Sa halip na sumagot ay tumalikod si Carlo at kinuha ang bag na nasa sahig. Nilabas niya ang ibang gamit na nandoon at tila may hinahanap. Nang humarap ulit siya kay Chesca ay may hawak na siyang papel, test paper to be exact, at inabot sa kapatid.
Tiningnan naman 'yon ni Chesca at napansin niya ang pulang marka. Thirty eight over one hundred. Bagsak. Ini-scan pa niya ang test paper para bilangin ang mga may check dahil may posibilidad na nagkamali lang ng bilang ang nag-grade kay Carlo kaya lang kahit ilang beses niyang bilangin 'yon ay paulit ulit lang ang lumalabas na score. Thirty eight lang talaga.
BINABASA MO ANG
One Thing Remains by iDangs
General FictionSabi nila hindi mo mapipili ang magiging kapatid mo pero pwede mong piliin ang magiging bestfriend mo. Sa kaso ni Chesca at Carlo, hindi nga nila piniling maging magkapatid pero pinili nilang maging bestfriend ang isa't isa. Sobrang close nilang dal...