III - Santong Sanggol

780 19 33
                                        

Paulo’s POV

 

“Kevin Junior. Gwapo naman, eh. Mana sa’kin.”

“Hindi! Dapat Jon-jon!”

“I don’t mind sharing my name with him, ya know? Karim sounds good. Karim Number 2.”

“Eddie na lang! Maputi siya, parang si Edward Cullen! OHA!”

“Alam ko na! Kai! Cute naman, diba?”

“Jeremy! Jeremy ipangalan natin sa kanya!”

“Mga paps, laos mga suggestions niyo! Walang tatalo sa suggestion ko!”

“Ano ba yun?”

“SUPERMAN. Combination pa ng pangalan ko at ni Kent! Clark Kent. Kaya, Superman ang tatawagin natin sa kanya.”

One word: ASDFGHJKLWHATTHEHELLISHAPPENINGRIGHTNOW.

Nagising na rin ako pero nasa isang sulok lang ako ng couch. Doon sa pinakamalayo sa chanak…Ayy, este, baby. Kung bakit ba takot ako sa mga bata, hindi ko alam. Pero, I’m pretty sure na mas nakakapangilabot yung mga suggestions nila para sa pangalan ng bata. Karim Number 2? Kevin Junior? SUPERMAN? Last time I checked, hindi naman kami nag-lasingan. Bakit ganito? Ang corny nila.

Lumabas muna ako sa scene at kumuha ng banana chips mula sa dining room sa may cupboard. May sari-sariling place kami sa cupboard, actually. May kanya-kanya kaming secret stash of food. At yung banana chips? Kinuha ko lang ‘yan kay Monkey Boy Kevin. Bakit Monkey Boy tawag ko dun? Big ears + big teeth + big nose + biggest fan of bananas = Kevin Manuel Ferrer. Kaya naman siguro ang lakas ng tuhod nun. Haha! Sorry, Kevs!

“Talo ka, ano ba!”

“Bato kaya yung pinambato ko!”

“Kaya nga! Tas papel yung akin!”

“HOY, ALJON! GUNTING YUNG GINAMIT MO!”

“Pik-pak-boom!”

Parang mga bata ‘tong mga ka-tropa ko, eh. Nag-aaway pa rin para pangalanan lang yung bata. At rock, paper, scissors pa ang linaro! Himala naman na nakakatulog yung bata sa ganitong klase ng ingay. Nawa’y ‘di ka lumaking bingi, bata. Tumingin sa’kin sina Kim at Jeric. Napatigil ang kanilang paglalaro.

“Oh? Gising ka na pala?” Nakasmirk si Tata habang tinanong sa’kin yung question.

Rinolyo ko na lang yung mga mata ko at kumain ulit ng masarap na banana chip. Kailangan pang bumili ni Kevs ng mga ganito!

“Parang ‘di yata ako nakaupo sa sofa kanina, ano?” Binigyan nila ako ng space para umupo. Siyempre, nasa dulo pa rin ako.

Baby Tiger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon