Jeric’s POV
“So, sinasabi niyong sa’kin ‘to?”
Tahimik ang buong kwarto. Tiningnan ko sila ng paisa-isa. Sila Karim at Paulo, nasa tabi lang. Si Ed, Aljon, at Kevs, pinapalibutan ako at sina Kim at Tata, na may hawak ng baby. Nakatungo sila at parang iniiwasan ang mga tingin ko. Natutulog na yung bata sa kamay ni Tata kaya hininaan ko na lang yung boses ko. May halong galit na guilt at gulat yung boses ko. ‘Di ko alam kung paano mag-react sa ganitong sitwasyon.
Linapitan ko sina Tata. Oo nga, singkit. Oo, maputi. Pero, bakit wala akong nararamdaman na connection? Hindi ba, ganun yun? Dapat nagkakaroon na ‘ko ng matinding kutob ngayon. Pero, wala, eh. Kinuha ko yung baby ng dahan-dahan mula kay Ta.
“Kamukha mo siya.” Cinomment ni Ed.
Rinock ko yung baby sa mga braso ko. Kamukha ko nga siya. Pero, parang imposible kasi, eh. Imposibleng sa’kin ‘tong batang ‘to. Imposibleng ako ang ama.
“At kamukha niya rin si…Si ano…Siya.” Dagdag naman ni Kevin.
Nanlaki ng konti yung mga mata ng iba. It’s a sign na alam nila kung sino yung tinutukoy ni Kevs. Oo, iniwan niya ‘ko a year ago. Pero, promise talaga, walang nangyari sa’min na makakaresulta sa ganito.
Si Aljon, nag-step closer sa amin ng baby. “Paps, sa tingin mo sa inyo ni ano…’yan?”
Nag-shake ako ng head.
“Guys, we broke up because of other reasons. And walang nangyari between us. V-virgin pa ‘ko.”
Nag-smirk si Karim. Si Tata, papatawa na sana, pero siniko siya ni Ed. Heh.
Kevin’s POV
Okay, out na si Jeric. Sino pa ba yung isang singkit sa team?
Kim.
Sabay-sabay kaming napatingin sa intsik. Lumaki ang kanyang mga singkit na mata at nag-raise ng kamay na parang hinoholdap.
“Inosente ako!” Simpleng giit ni Kim.
‘Di na napigilan ni Aljon na tumawa. Nakareceive tuloy siya ng palo galing kay Tata at Ed. Napuruhan na rin siguro si Tata. Muntikan na kasi tumawa, eh. Kung natuloy yun, eh di siguro may black-eye na yun sa esophagus niya. Ay, okay.
“’Di pa pala kayo nabibinyagan, mga paps!” Sabi ni Aljon.
Tinaasan ni Ed ng kilay yung mokong.
“Ba’t ikaw? Akala ko ba after ng kasal pa kayo ni Kayesha?” BOOM. Strike three! And you’re out, Jon!
“Baka naman, may iba kang ano, ha, Aljon?” BURN! Grabe, ang galing talaga ni Papa Tata! In fairness, naaaliw ang gwapo ngayon. Gwapo, a.k.a, Kevin “The Master” Ferrer.
Sa sobrang kakadaldal namin tungkol dito, hindi na namin namalayan na wala na pala si Captain Teng sa kwarto. Lumabas na lang ako at hinanap siya. Pati na rin si baby. Kumatok ako sa pintuan nila Jeric. Walang sumasagot. Binuksan ko na lang ng kusa yung pinto.
“Teng?”
Nandoon siya sa kama niya, naka-cross-sit, tinititigan si baby. Ang creepy tingnan, pero siguro confused lang siya katulad kami. Well, siguro mas confused pa siya. Naramdaman niya yata yung presence ko kaya’t nag-shift yung tingin niya sa’kin. Binigyan ko na lang ng ngiti siya. Mukha kasing magbebreak-down na ‘tong si Captain, eh.
“Gagawan natin ‘to ng paraan, paps.” Cinomfort ko siya.
Tumingin rin ako kay baby. Ang cute lang talaga niya (Honesto promise!). Pero, hindi pwedeng mag-stay siya dito. Hindi siya pwede mag-stay sa’min. Until may evidence na si Jeric, o kung sino mang Tiger, ang ama nito.
BINABASA MO ANG
Baby Tiger!
FanfictionBola o bata? Paano kaya kung ang mga mighty Growling Tigers ng UST ay napilitang mag-alaga ng Baby Tiger? Will they step up and take care of this baby cub? Are they all ready to face the game of parenting?