I - "Meow" Stands for "Hello" in Tiger Language

910 26 18
                                    

Jeric’s POV

I do believe in miracles pero parang hindi kapani-paniwala ang kababalaghang ito.

Tahimik sa dorm.

T-A-H-I-M-I-K.

Ano ba naman ‘to? Nasaan na yung madalas na humihilik na Karim sa sofa? Nasaan si Kevin at Aljon na naglalaro ng Tekken sa entertainment room? Nasaan yung dalawang kusinerong sina Tata at Ed na panay ang pagkanta sa kusina? Nasaan si Kim at Paulo na nag-iingay tuwing nanonood ng TV? Silang lahat, nasaan na?

Nasaan ang team ko?

This is quite unusual. 8 PM on a fine Tuesday evening without these noises or people is quite unusual. Lagi namang may tao na nakatambay sa table sa dining room na kumakain o di kaya naman sa couch, nag-chichill. Pero, I haven’t seen any traces of them. I removed my favorite Janoski pair and placed them doon sa may spot sa shoe rack ko. Wala naman yung mga slippers ng mga bata ko dito so it means na they’re here. I got into my slippers and closed the shoe storage room. Naglakad ako papuntang sala. Wala talaga, eh.

Is there something I need to know?

Tumungo muna ako sa dining room para kumuha ng banana. Nagugutom na ‘ko. Ba’t ba hanggang ngayon, wala pa ‘kong naaamoy na Adobo ni Tata o di kaya Sinigang ni Aljon? Ngumuso na lang ako in disappointed. I heard my tummy making weird sounds. The King Tiger is hungry and he needs to replenish himself. Pumunta naman ako sa may refrigerator. Nasaan na yung mga pitchel ng tubig namin? Pati yung gatas na lagi kong iniinom, wala dito. Okay, this is seriously weird na.

Where’s my milk? :(

Pumanik na lang ako sa taas para mag-rest. It had been a tough day after all. Mahirap ibalanse ang training and classes, pati na rin yung pag-cacatch-up sa mga past lectures na na-miss ko. Hay. Baka naman siguro nakatambay lang yung mga yun sa mga kwarto nila. On my way up, nakarinig ako ng konting commotion doon sa room nila Tata and Ed. Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at pinakinggan kung ano man ang nangyayari sa loob.

“Eh, anong gagawin natin?”

“Di pwede malaman ni Cap ‘to, mga bro.”

“Ba’t naman hindi?”

“Kevs, ‘wag mong hahawaka—“

“WAAAAAAAAAH!”

Binuksan ko yung pintuan nang marinig ko yung malakas na tunog galing sa loob. Nagulat silang lahat. Pero, mas nagulat ako sa nakita ko. Si Paulo, nasa dulong-dulo, mukhang takot na takot. Si Aljon, Karim, at Ed nakakumpol sa may gilid, nakatitig sa’kin. Si Kevin naman, ilang na ilang ang mukha. At si Kim at Tata…

Binuhat ni Tata yung kinagugulatan ko at rinock ito sa kanyang katawan. Si Kim naman, abalang-abala sa pagtatahan nito. May hawak-hawak pa na bote ng gatas. Sa gitna ng room, may kulay blue na baby basket na may note. Baka naman pamangkin lang nila o ano. Pero, parang something’s wrong, eh. Si Tata, alam kong sanay ‘yan sa mga bata, pero hindi niya gamay yung nasa arms niya ngayon, eh.

May baby sa arms niya. Baby boy. Maingay na baby boy.

“H-hi, Cap.” Bati ni Kevin sa’kin.

Nginitian ko siya ng saglit bago lumapit sa may baby basket. Kinuha ko yung note.

He’s your son.

Please take care of him well.

I love you and our baby so much.

But I really had to go.

I’m sorry, Tiger.

Baby Tiger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon