Kevin’s POV
7 AM.
Nakatulog pala ako? Lumingon ako sa kaliwa at ngumisi nang nakita ko si Paulo doon sa kanyang kama, TL at humihilik at lahat-lahat na. Strinetch ko yung mga binti at braso ko at huminga ng malalim. Nanaginip ako na may bata raw sa dorm namin kagabi at isa sa amin ang ama niya. I’m just glad na nagising na ‘ko. Lumabas ako sa kwarto nang nakangiti at pumunta sa sala para mag-agahan.
Oh. So it wasn’t a dream.
Nandoon si Jeric sa may balcony, karga-karga yung bata. Pinapaaraw yata, eh. It was a Saturday. Wala man kaming pasok ngayon, saksakan naman ng trainings. Oo nga pala. Di siya panaginip. Ngayon ko lang naalala na pupunta kami sa pulis para ireport yung case ni Baby Thom. ‘Yan, Baby Thom. Di na ‘to panaginip, ha, Ferrer?
“Hi, Ta!” Masaya kong binati si Tata na nasa sofa.
Humarap siya sa’kin at sobra-sobra na lang ang gulat ko sa nakita ko. Tumawa na lang ako at tinapik-tapik yung likod niya.
“Mukhang puyat na puyat ka yata, ha, paps?” Sinimangutan lang ako ng mokong.
Binusog yata ni Tata yung mga eyebags niya, ah? Uso mag-diet, eyebags ni Tata! Ngayon ko lang talaga nakitang ganito siya. Kahit napupuyat kami sa trainings, hindi naman umaabot sa ganito yung pagka-haggard niya. Lakas yata ng tama ni Thom kay Tata, ha!
“Break muna kami ni Baby Thomas. Diyos ko ‘yang batang ‘yan! ‘Di man lang naawa sa’kin at ‘di ako pinatulog.” Aww! Sad face siya, eh!
“Basta ako, masarap tulog ko!” Nginitian ko siya. Yung nakakaasar na ngiti.
“Anong lasa?”
-.-“
Jeric’s POV
“Hello, baby Thom! Bulaga!”
What a great way to start my day! Ewan ko lang pero ‘pag nakikita ko si Baby Thomas, parang ang gaan-gaan na ng loob ko. Ako raw ang daddy-on-duty for the day ni baby. Di kasi nakatulog si Tata kagabi sa sobrang pagkaiyak raw nitong makulit na baby na ‘to na nakahiga sa lap ko. Saktong-sakto lang siya doon. Like a boss ang peg niya habang nakahiga.
May kumatok sa glass door. Nasa balkonahe kasi kami ngayon. Slinide ko yung pintuan at pumasok naman si Ed.
“Oh ano, paps? Mag-ready ka na. Pupunta pa tayo sa pulis, diba?” Talaga ‘tong si Father, oh! Sabihin mo, gusto mo lang agawin si Baby Thom sa’kin!
“Five minutes pa! Please?” Nag-request ako nang hindi nakatingin sa kanya. I just can’t take my eyes off this little guy right here.
“Nako lang! Bilis na, oyy!” Kukunin na niya sana si Baby Thom pero sabay kaming nakaamoy ng…masamang amoy.
“Umutot ka ba, paps?” Tanong ko kay Ed.
Ang baho lang talaga. Nakakaiyak.
Nanlaki ang mga mata ni Ed. “Hindi, noh! Ikaw ba, Jeric? Umutot ka?”
Tumingin ako from Ed to Baby Thom.
Oh, shit.
Ed’s POV
Hiniga ko si baby sa couch at lumayo ng konti. Sakto, paparating si Kim!
“Paps! Marunong ka bang magpalit ng diaper?” Tanong ko sa kanya. Medyo nagpapanick na kasi ako, eh.
Humikab naman ‘tong si intsik sabay stretch ng braso.
“Papalitan ko diaper mo? Heh. Nagdadiaper ka pala!” Ano ba naman ‘tong si Kim! Parang lasing na hindi pa natutulog na ewan!

BINABASA MO ANG
Baby Tiger!
FanfictionBola o bata? Paano kaya kung ang mga mighty Growling Tigers ng UST ay napilitang mag-alaga ng Baby Tiger? Will they step up and take care of this baby cub? Are they all ready to face the game of parenting?