Umaga na at nag pahatid ako kay Mang Austin dahil malapit na akong malate. Nang makarating ako ng school ay walang preno akong tumakbo papuntang room, kinakabahan kasi ako baka nandun iyung teacher namin... Napuyat kasi ako kagabi kaiisip sa sinabi ni kumang/I LOVE YOU XD. Napahinto ako sa pag takbo ng makita ko ang isang pamilyar na babae. Napaisip ako kung sino siya. Kasi pamilyar talaga siya, parang nakita ko na siya somewhere. 'Isip Sandara isip'
"Ah naalala ko na!" siya iyung Girlfriend ni Jonas. Siya iyung nakita ko dun sa mall kasama ni Jonas. 'Pero bat ngayon di ko na sila nakikitang magkasama?' tanong ng isip ko na di ko naman masagot sagot.
Carla's PoV
"Ano ba?! Nakakainis ka na!" iritang sabi ko kay Rey. Kanina pa kasi niya ako ginugulo. Iyung tipong may ginagawa ka tapos kikilitiin ka o kaya kakalabitin ka. Im too busy tapos makikiepal siya?! Just WOW.
"Inaano ka ba?" Patay malisyang tanong ni Rey.
"Nag tatanong ka pa eh alam mo naman iyung mga pinag gagagawa mo!"
"Mh... Hindi"
"BALIW NA BAKLA!" Sigaw ko. Argh! ano ba gusto niya? Away, gulo o gera?
"Ako baliw na bakla? sa pogi kong ito? Masuwerte ka nga dahil kinakausap kita eh. Iyung iba nga halos pinapanalangin na kausapin ko sila eh tapos ikaw tatawagin mokong baliw na bakla?"
"WOW ang hangin mo naman masyado! AKO? MASUWERTE? eh ginugulo mo nga ako eh!"
Tumayo ako at ganon din siya. Hinarangan niya ako.
"Ano ba?! Wag ka nang humarang sa dinadaanan ko!" sabi ko sabay hakbang sa kaliwa pero agad ulit siyang humarang. Tinignan ko siya sa mata. Nang iinis ba siya? kasi kung OO inis na inis nako.
"Kiss muna." matipid niyang sagot pero ikinagulat ko naman. Hindi ko na siya sinagot pa at tinulak ko siya. Agad naman akong lumabas at hinanap si Bless. Baka kasi pag nag istay pako sa room baka makapatay ako...
"Bless!! Bless!!" sigaw ko nung nakita ko siya. Pero mukang di niya narinig dahil may kausap siyang poging lalaki. Hinintay kong matapos silang mag usap.
"Hey girl, who's that handsome boy??" Tanong ko nang matapos silang mag usap.
"Ah siya si Ralf "Dani" Fernan" So Dani pala name niya...
"Aiyeee siguro crush mo iyun noh?" Pang aasar ko. Bigla siyang napatingin sa akin at nag blush.
"Loka ka bes! Wag mo nga akong asarin mamaya may maka rinig pa satin dito."
"HAHAHA! so crush mo nga siya??" Pangungulit ko.
"Oo na, pero satin lang to ah!"
"Opo Bes! Pero teka lang bat ka niya kinausap? Hinihingi niya ba number mo? Tapos makikipag kaibigan siya? Tapos manliligaw siya, tapos magiging kayo, tapos pagkatapos mag aral at pag may trabaho na kayo mag papakasal na kayo, tapos magkaka anak kayo, tapos?? MH? tapos!"Natawa kami pareho sa mga sinabi ko.
"Loka ka talaga bes! May tinanong lang siya... BTW bat mo nga pala ako hinahanap?"
"Ah.. Eh... Naiinis kasi ako kay Rey... Grabe siya! Ang yabang yabang! Feeling Pogi! kahit hindi naman. Tapos nang iinis! Argh!"
"Sus! kunwari naiini pero sa loob loob kinikilig! Aminin mo nga sakin crush mo ba si Rey?"
"Hindi! NEVER EVER akong magkakagusto sa Rey na iyun! Taga mo pa sa kung saan!" Naiinis na sabi ko. Asarin ba naman daw ako sa baliw na baklang iyun? Psh.
"Hello guys!" Biglang sulpot ni Sandra."Hi" Bati naman ni Bless. Ng dahil sa pesteng pangaasar ni Bless sakin kay Rey ay nawala ako sa mood.
"Oh bat wala ka sa mood insan?" Tanong ni Sandra. Pero si Bless na ang sumagot "eh kasi inaasar ko siya kay Rey"
"HAHAHAHA bagay kayo nun insan!" Tignan mo! isa pa toh!
"Oo nalang. Hoy kayong dalawa baka gusto niyo ikaladkad ko kayo sa mga crush niyo!" Sabi ko na may halong tawa
"Sino crush mo Bless?" Tanong ni insan
"Ah.. Eh... si..." Bago pa matapos ni Bless ay ako na ang nag sabi "Dani iyung pangalan."
"Ah... Aiyeeeee Dani pala ah!" sabay kiliti niya sa tagiliran ni Bless.
Dani's PoV
First time ko lang talaga makausap si Bless. Dapat nga aamin nako na may gusto ako sa kaniya kaso parang ang bilis ata kung ganon. At saka may gusto rin kaya siya sa akin?
Ngayon ay nasa bar kami ng tropa dahil nag cecelebrate kami ng pagkapanalo namin sa basketball kanina.
"Hoy Dani bat ang tahimik mo?" Tanong ni JR sa akin."Ang torpe ko kasi buwiset!" sabi ko sabay inom.
"Turuan mo nga Eman itong si Dani ng mga damoves mo sa mga babae" Sabi ni ken na may halong tawa. Ako naman ito nananahimik padin."Tama ka ken!" sabat naman ni Rey.
"Sus! kung maka sangayon ka kala mo di torpe! HAHAHAHA" sabi ni Chris at nagtawanan kami.
"Hoy di kaya ako torpe!" sabi niya sabay inom.
"Eh bakit di mo maligawan si Carla?" Tanong ni JR.
"Huh? Eh di ko naman gusto iyung babaeng iyun!""Sus kaya pala panay papansin mo sa kanila" sabi ni Eman.
"Masarap lang siyang asarin kasi ang pikon niya. Pero di ko siya gusto."
"Sus! Iyung totoo pare! Tayo tayo lang naman makaka alam eh!" Sabi ni Jr.
"Maganda siya, Matalino, Hot, pero super ARTE niya! Puwede bang wag niyo nakong kulitin dyan kay Carla."
"Maiba nga tayo. Jr bat ba ayaw mong ligawan si Sandra? Baka naman maunahan ka ni Jonas niyan..." Tanong ni Chris.
"Kasi alam kong di niya ako gusto at ang gusto niya ay si Jonas. Pero di niya alam na sasaktan lang siya ni Jonas"
"Edi habang maaga pa sabihin mo na sa kapatid ko iyung balak ni Jonas para habang maaga pa ay malaman na niya... Kung puwede nga lang ako ang mag sabi kaso baka magait lang iyun sakin o kaya baka di siya maniwala." Sabi naman ni Ken.
"Sinubukan ko na kaso di siya naniwala." Sabi ni Jr sabay inom.
Ang laki ng problema ni Jr. Pano kaya iyun maaayos? Eh iyung nararamdaman ko kay Bless pano na?
BINABASA MO ANG
Look at Me Now
RandomMasakit isipin pero kailangan tanggapin na niloko ka lang ng taong mahal na mahal mo... Panoo kung sayo nangyari iyon, magagawa mo pa bang magpatawad? Magagawa mo pa bang buksan ulit ang puso mo sa ibang tao o tuluyan ka ng maghihiganti sa taong pin...