1 week na ang lumipas since nagkalkilala kami ni Jonas. Nung una ay medyo naiilang pa ako sa kaniya pero habang lumilipas ang araw ay unti unti na akong naging comfortable with Jonas pero Mas lumalalim ang pagkaka crush ko sa kaniya,, sa tingin ko nga hindi lang crush ang tingin ko sa kaniya lalo na't ngayon na close kami at mas alam ko na ang ugali niya. Tulad ng akala ko ay ganon din pala siya sa totoo.
Mahal ko na ata si Jonas nung una natatakot ako at baka sobra lang akong masaktan dahil sobra akong umasa, pero sinisimulan ko ng tangapin na di talaga kami para sa isa't isa. Sa totoo lang im happy kahit friend lang ang tingin ni Jonas sakin at least may status na kami.
Kapag uwian ay palagi siyang nagpapasama sa akin sa basketball court dahil busy ang Gf niya at si Carla ay mag isang umuuwi, kaya naman niya at payag naman siya ee. Palagi silang may laban at ang palagi nilang kalaban ay ang team nila Jr. Masaya ako at minsan natatalo nila ang team nila Jr pero sa kabilang banda nalulungkot din ako dahil magkalaban si Kuya at si Jonas. Naiinis din ako because tinatambakan ng team nila Jr ang Team ni Jonas buwiset kasi ang galing ni Jr sa basketball.
Now like always ay nandito uli kami sa basketball court dahil may laban uli silA and like always kalaban nanaman nila sina Jr.
Habang nag laLaro sila ay napag isipan kong picturan ang poging si Jonas. Grabe even pawis siya guwapo pa din siyang tignan. Di ko alam kung napansin niyang pinicturan ko siya but I think di naman siya magagalit dahil were friends...
"YES!!!" sigaw ko because this time panalo sina Jonas. at dahil doon ay napatingin sina kuya sakin.
At halata kay Jr na sobrang nagulat tulad ng iba. sa sobrang inis niya ay umalis siya... Para siyang napikon sa manga nangyari pero paki ko nga ba diba!? Habang pauwi kami ay may nakasalubong kami ni Jonas... Ang nakasalubong namin ay ang mga Buwakao na walang kuwentang mag laro na kateam ni Jr... Naka tingin sila sa amin ni Jonas.. tumingin din sa kanila si jonas na parang kakain ng buhay. Bigala akong kinabahan sa tinginan ng mga kateam ni Jr at ni Jonas.. Parang mag aaway eh. Kaya ang ginawa ko at hinila ko si jonas para maka alis sa lugar na iyun.
"naiinis ka ba sa kanila?" tanong ko nang maka layo kami sa kanila.
pero ang tanging sagot nya ay "di lang nila tanggap ang resulta ng laro"
Hinatid ako ni Jonas sa bahay. Ang sweet nya parang kami kaso PARANG LANG dahil ang totoo ay WALA TALAGANG KAMI. Minsan kapag wala silang laro ay nag iiscroll kami gamit iyung motor niya at kung saan-saan kami nag pupunta. Kinikilig nga ako eh dahil nahahawakan ko iyung ABS niya. Simula nung naging magkaibigan kami ni jonas madalang nalang ko nalag makasama sila Bless at Carla. Okay lang naman daw sa kanila dahil daw dun daw ako sasaya.
Wala akong magawa kaya naisipan kng mag bukas ng facebook. Nagulat ako dahil may nag add sakin.
"I LOVE YOU XD?" iyun iyung name ng nag add sakin. sino naman kaya iyun? Wala siyang picture, at halos 10 lang ata iyung mga friends nya... Wala kaming mutual friend.. Pero kahit ganon ay inaccept ko padin. Onti lang kasi ang friends ko, pamapadagdag siya. At bihira lang ang mayy mag add sakin kaya nagulat ako nung may nag add. Sakto ng iaccept ko ang friend request niya ay bigla nalang siyang nag chat.
from:I LOVE YOU XD
~Hi,
Me
~Hello, who you po??
from:I LOVE YOU XD
~kilala moko promise.
Me
~Sino ka nga??
from:I LOVE YOU XD
~Di ko puwedeng sabihin kung sino ako eh,,, pero wag kang matatakot sakin.
Me:
~Edi kung ayaw mong sabihin edi wag ka nang mag chat.
from:I LOVE YOU XD
Sana sundin mo lahat ng sasabihin ko... PLEASE. Sana iwasan mo si Jonas dahil may masama siyang balak sayo... Iyun lang sana sundin mo... para sayo din ito.Natutlala ako sa sinabi niya... ilang seconds din ang tinagal bago ako mag reply pero bago ko pa man din masend ay nag out na siya...
Totoo kaya iyung sinasabi niya? dapat ko na ba talagang iwasan si Jonas? o niloloko lang ako ng taong iyan? at saka sino kaya siya? bakit niya ako kilala? bat niya alam na kaibigan ko si Jonas?
SOON OR LATER makikilala din kita.
BINABASA MO ANG
Look at Me Now
AcakMasakit isipin pero kailangan tanggapin na niloko ka lang ng taong mahal na mahal mo... Panoo kung sayo nangyari iyon, magagawa mo pa bang magpatawad? Magagawa mo pa bang buksan ulit ang puso mo sa ibang tao o tuluyan ka ng maghihiganti sa taong pin...